🏐 | OO1

821 22 1
                                    

Katatapos lang ng midterms at si Nishinoya ay "busy" at walang "oras" para sa social media

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Katatapos lang ng midterms at si Nishinoya ay "busy" at walang "oras" para sa social media. At siyempre hindi niya maloloko ang bestfriend niyang si Tanaka na sinundan siya pagkalabas na pagkalabas niya ng classroom.

"Hoy Noya! Utot mo fart! Akala mo naman ikinatangkad mo ang pagiging snob sa akin nung midterms!" walang hiyang sigaw ni Ryunosuke Tanaka sa hallway.

Napa-pekeng ngiti na lang si Noya at nagmadaling maglakad para matakasan niya si Tanaka. Ang hindi niya alam ay nag-aabang na pala sa labasan ang iba pa nilang kasamahan, isa na doon si Daichi na hindi kayang iwasan ni Noya.

"Damn." mura ni Noya nang mapansin niyang nakapalibot sa gate sila  Daichi, Suga, Asahi at Ennoshita.

Magtatago na sana siya sa loob ng school hanggang sa umalis na ang mga ito pero nakasalubong niya pa si Tanaka, Kinoshita at Narita.

"Hey, hey, hey! Bawal tumakas!" sabi ni Tanaka sa tonong kagaya ni Bokuto (idol ni Hinata na naka-usap niya nung isang araw sa loob ng cr)

Kung matangkad ako, baka natakbuhan ko na ang mga ito. Iyon ang nasa isip ni Noya, pero mahal niya ang sarili niya kaya tanggap niya na hanggang doon na lang talaga ang tangkad niya.

"Oh bakit natagalan kayo?" tanong ni Asahi na nakalugay ang medyo mahabang buhok at nagmumukhang rockstar na naka uniform.

"Tatakas sana si Noya!" pagsusumbong ni Tanaka.

"Hindi ah! May naiwan ata ako sa classroom." pagdadahilan pa ni Noya. 

"Pa-saan nga pala tayo Daichi?" tanong ni Suga.

"Barbecue o kaya nomi, libre ko." 

"Bawal nomi naka-uniform tayo." si Suga iyon.

"Ay oo nga. May kukuhanin lang ako kanila Coach Ukai tapos kain na tayo."

Dahil tamad ang iba, nagsuggest si Tanaka, "Sama na lang kayo ni Suga tapos maghihintay kami sa kainan para pagdating niyo may order na." sabi ni Tanaka habang nagtataas-baba ng kilay.

"H-ha kami lang ni Sugawara?" nauutal na tanong ni Daichi (kinikilig ata)

"Tayo na Daichi." 

Nagkawayan na sila bago tuluyang umalis sa school.

❛ ˢᵉⁿᵖᵃᶦ  ً ⁿ‧ʸᵘTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon