🏐 | OO2

473 23 3
                                    

"Yachi baka nakalimutan mo na nakikita ko yung tweets mo!" sigaw ni Hinata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Yachi baka nakalimutan mo na nakikita ko yung tweets mo!" sigaw ni Hinata.

Tumakbo si Yachi sa tabi ni Yamaguchi at para na rin makapagtago kay Hinata na hindi niya na matandaan kung paano niya nakausap o nakakilala. At kung bakit niya ito bestfriend? Hindi niya na rin tanda.

"Tingin mo makakapagtago ka na diyan kay Yamaguchi?" Pambabara ni Tsukishima.

Sinamaan ni Yachi ng tingin si Tsuki dahil inaaway nanaman siya nito. Palaging sinasabi ni Yamaguchi na may gusto si Tsuki kay Yachi pero masyadong imposible iyon para sa kanya.

"Epal ka talaga Tsuki!" reklamo ni Yachi. Dahil doon, nakita siya ni Hinata.

"Aha!" sigaw ni Hinata habang nakaturo kay Yachi na naka-tago pa rin sa likod ni Yamaguchi kahil nakita nanaman siya ni Hinata.

"Kung ayaw mo talagang sumama kay Hinata haharangan ko siya tapos umalis ka na." sabi ni Tsuki. Napatingala si Yachi kay Tsukishima kasi naman ang tangkad niya talaga at hindi niya iyon inaasahan na sasabihin ni Tsuki.

"Tumutulon-"

"Wala lang akong magawa." pagdadahilan ni Tsukishima. 

"Pero bakit ba ayaw mo sumama kay Hinata? Palagi naman kayong magkasama non ah." tanong ni Yams.

"Ubos na kasi ang allowance ko this wee-"

"Pft."

"Tawa pa Tsuki." sarkastikong sabi ni Hitoka Yachi.

"Yun lang ang dahilan?"

"Lang? Ni-lalang mo lang iyon?! Ang hirap kaya ng kulang ang pera. Gusto ko rin naman na magbarbecue pero kuripot si Hinata, hindi niyan ako ililibre." 

Bago pa makapagsalita si Tsuki ay nakalapit na sa kanila si Hinata at pilit na hinihila si Yachi.

"Sumama ka na." sabi ni Tsuki kay Yachi na para bang binibigyan niya ito ng permiso.

"Huh? Eh wala nga ako-"

"Ililibre kita. Ayos lang naman kaming sumama 'di ba, Hinata?" tanong ni Tsuki pero parang banta iyon kay Hinata kaya napa-oo nang wala sa oras si Hinata.

"Sama rin ako!" sabi ni Yamaguchi.

❛ ˢᵉⁿᵖᵃᶦ  ً ⁿ‧ʸᵘTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon