Chapter 12
Warning: This chapter may contain strong language which is not suitable for young readers. Reader discretion is advised.
The squeak of sneakers echoed through the court, the only sound breaking the silence. Each player's determination was evident. Sweat dripped, muscles tensed, and hearts pounded. Ang kaninang napakaingay na crowd at biglang nanahimik. They are now holding their breath, frozen in anticipation. The commentators' voices were also hushed, their words barely audible. What's left to say? Masyado kaming tensyonado sa nagiging takbo ng laro ngayong second half.
Idinidribol ni Zach ang bola sa kan'yang kanang kamay habang nakikipagpatintero kay Xander. I looked at the scoreboard, lamang ng four points ang team nila Xander at may kulang-kulang na isang minuto na lamang ang natitira bago matapos ang fourth quarter. Kahit na nasa bandang itaas kami, kapansin-pasin ang sobrang seryoso nilang pagtititigan sa isa't isa. Kulang na lang ay magsuntukan sila sa tensyong nabubuo sa pagitan nila.
The sight left me breathless and parched, my mouth drier than the Sahara. I could feel the fear in my chest to take over. I don't know which side should I take. Hindi ko alam kung sino ang susuportahan ko. O mayroon ba akong dapat suportahan?
Pakiramdam ko ay mas lalo akong lalagnatin when Zach suddenly changed direction causing Xander to fall down--he did a crossover dribble! Doon lamang nagkaroon ng reaksyon ang mga nanonood. A violent reaction to be exact. Napahiyaw sila sa inis at gulat--lalo na ang supporters ng Team A sa nakita. Of course, ang current Captain Ball ng Team A ay na-ankle breaker ng isang player mula sa Team B? That's a shame for them.
"Tangina! Ang galing do'n ni papa Zach! Magshi-shift na ako ng papa!" sigaw ni Patrick. Napatakip ng tainga si Joanna na sa tabi nito.
"Sana all my papa!" dinig kong sigaw sa kung saan.
I-d-in-unk ni Zach ang bola. Sa lakas ng impact nang pag-dunk niya ay feeling ko mababali ang basketball ring. Of course, I'm just exaggerating things.
"No hocus pocus, just focus from Zach Lozano from that insane drive!" ani ng commentator.
"I agree partner! What an ankle breaker we have here in Team B!"
Nang makababa na si Zach mula sa pagkaka-dunk ng bola sa ring ay inilibot niya ang kan'yang paningin mula sa audience, tila may hinahanap ang kan'yang mga mata. Nang magtagpo ang tingin namin ay bigla itong ngumiti nang napakalaki at kumaway sa akin. I could feel my face blushed. I shifted my gaze on Xander whose now standing and throwing dagger-looks on Zach. Tumunog ang pito ng referee at nagsenyales ng timeout mula sa Team A.
Narinig ko ang mahinang pagsipol ni Jo sa aking tabi, "Close na pala kayo ni number 15. Ipapakilala pa sana kita sa kan'ya, e." bulong niya.
Napalingon ako sa kan'ya, "Sinong close ko?" pagmamaang-maangan ko.
"Sus! I-deny mo pa! Kinawayan ka na nga. Kayo ha! I smell something fishy!" pang-aasar niya at sinundot-sundot ako sa tagiliran. Naniningkit pa ang mga mata.
"Anong fishy?! Kiffy mo yata 'yon, beh!" singit ni Pat out of nowhere pero bumalik din kaagad ang atensyon sa court.
Umilag ako sa mga sundot ni Jo kahit huli na, "Paano mo naman nasabi na ako 'yong kinawayan niya? Ang daming tao ngayon dito at nasa tutok kaya tayo ng bleachers. Imposibleng ako 'yon."
"Anong imposible? Bukang bibig ka nga niy--Ay! Oops! I almost spilled the beans!"
Tuluyan akong napatingin kay Jo na nakatakip na ang bibig gamit ang sariling mga kamay. Naningkit ang mga mata ko sa kan'ya. Ano na naman ba ito? Related ba siya kay Zach? My attention was shifted to the court when the buzzer rang. Senyales na tapos na ang 30-second timeout ng Team A.
BINABASA MO ANG
The Faded Spark | TID #1
Romance[COMPLETED / UNDER REVISION] 1st Installment of The Infidus Duology ----- • The Wattys 2020 Winner under New Adult category • Under RomancePH's Romantic Bliss reading list ----- Twice burned, Nausicaa is wary of love. But Zachary's persistence convi...