Chapter 15
I let out a sarcastic laugh as the ridiculous memory from yesterday popped into my head.
'He can't be serious!' I shook my head, trying to let go of the thought. Hindi dapat ako magpadala sa mga mabubulaklak niyang salita. He's just . . . too good to be true.
Baka kapag tuluyan na akong mahulog sa kan'ya . . . mahihirapan na naman akong makaahon. Ni hindi pa nga ako tuluyang nakakaahon mula sa pagkakalunod ko kay Xander. And I won't myself drown again.
"Oh my, my! What's bothering you my beautiful, bestie?" sumalampak sa couch si Alliah at mataman akong tinignan habang sumisipsip ng milktea.
Bakit ngayon lang ito umuwi? Pinasadahan ko siya ng tingin, wala namang nagbago. Mukha pa rin naman siyang aning simula ng magkahiwalay kami sa school.
"Nothing." iling ko.
"We?" aniya na parang hindi naniniwala. I rolled my eyes at her. Hindi ko talaga magawang maglihim sa kan'ya. She knows me very well.
I sighed. "E kasi, sinabihan ako ni Zach ng mga nakakatawang salita."
Her eyebrows furrowed in confusion, "Nakakatawang salita? You mean, sinabihan ka niya nang 'ang ganda mo, Nausicaa' gano'n?" she asked and stirred her milktea.
I glared at her. Bastos na bunganga.
"Tatawa na ba ako?" pabalang kong tanong.
"Joke lang naman, Renae. Ang madam mo naman!" aniya.
"Madam?" kunot noo kong tanong.
"Madam, madamdamin," she replied and laughed like an idiot. I shook my head at her, pero hindi ko maiwasang mapangiti. I'm very lucky to have her. Lucky to have a crazy bestfriend.
"Pero, balik tayo sa topic. Anong sinabi niya sa'yo?" untag niya sa seryosong tono. This is what I don't like about her. 'Yong pagiging seryoso niya, it just don't fit her personality. She has this bubbly vibes kasi. So she, being serious, is very unusual for me.
"Ano . . . sabi niya, dapat daw mapanatag ako na ako lang ng gusto niya at wala nang iba pa. O, diba? Ang funny!"
Nanlaki ang mata ni Alliah at mukhang nabulunan pa gawa ng pearl sa milktea.
"Anong nakakatawa ro'n?! Baka sabihin mo kinilig ka! Kunyari ka pa! O, ikalma mo pempem mo, Bestie!"
Binato ko siya ng throw pillow. Ang bastos talaga ng bunganga nito. "Excuse me, hindi ako kinilig, 'no."
Umilag siya sa ibinato ko, "Sus! In denial. Mamumula ka nga!" aniya at tumayo na, "Makapasok na nga sa kwatro, baka 'yong vase na maibato mo sa akin, e."
Napahawak ako kaagad sa pisngi ko, hindi naman mainit! Sakto lang! Hindi ko na lang siya kinibo at pinanood ko na lamang siyang maglakad patungo sa kwarto niya. Pero bago siya tuluyang pumasok, humirit pa ito ng pang-aasar sa akin.
"Wag mo nang masyadong isipin, Renae. Baka hindi ka makatulog sa sobrang kilig niyan, ayie!" kantsyaw niya.
Hinablot ko ang vase na nasa table ng salas namin at akmang ibabato sa kan'ya kaso mabilis niyang isinara nang padabog ang pinto.
"Walang'ya ka, Alliah!" I yelled.
Maingat kong ibinalik sa pwesto ang vase, hindi ito ganoon kalaki, tama lang. May laman itong isang yellow tulip. Of course, it was from Zachary. Pero ang ipinagtataka ko talaga, why yellow tulip?
Kinuha ko ito mula sa vase at matamang tinignan. It's so beautiful yet, I felt sad for I don't know reason.
I heard the door creak open slowly. I looked up to find the source of the sound, and my eyes met Alliah's cheerful grin.
BINABASA MO ANG
The Faded Spark | TID #1
Romance[COMPLETED / UNDER REVISION] 1st Installment of The Infidus Duology ----- • The Wattys 2020 Winner under New Adult category • Under RomancePH's Romantic Bliss reading list ----- Twice burned, Nausicaa is wary of love. But Zachary's persistence convi...