Kiana's Pov
Abala ako sa pagtatago ng pasa ko sa braso ng pumasok si Klarenze sa kwarto ko.
"Ang tagal mo naman!" Sigaw nya sakin. Kinakabahan akong tumayo at akmang papasok sa banyo para magtago ng pigilan nya ko.
"Hey.." sabi niya
"Bitawan mo ko.." sabi ko na natatakot
Bumuntong hininga sya at binitawan ako.
"Im sorry. Ill wait for you downstair." sabi niya na umiwas ng tingin sa akin. Lumabas na sya ng pinto. Naiwan ako nagtataka.
Makalipas ang ilang minuto ay nasa Isang sikat na restaurant na kami ni Klarenze. Nakasuot sya ng polo shirt na blue na ipinartner nya sa khaki shirt na royal blue. Sanantalang ako ay simpleng sky blue dress.
Pababa na sana ako papuntang pinto ng pagbuksan nya ako.
"Thankyou" sabi ko.
Hindi sya nagsalita. Inalalayan nya lng ako.
"Lets go. Naghihintay a sila" sabi niya
Pagpasok namin ay puno na ang restaurants. Natanaw ko na si Mama ko at si papa. Kasama nila si tito Karl at Tita Loraine. Dali dali akong yumakap kila papa at mama.
"I miss you ma at pa."maluha luha kong sabi
"miss you too baby. Come. Join us. Kanina pa namin kayo hininhintay." sabi ni mama
Umupo ako sa tabi nila. Bumeso sakin si tita Loraine.
"Iha pumayat ka ata?" sabi niya
"Ah nagpapayat po talaga ako tita." pagsisinungaling ko
"Okay naman ang katawan mo dati e. Mas magandang may laman ka para healthy magiging apo namin sayo." sabi pa nya
Muntik ko ng mabuga ang tubig na iniinom ko. Ayan na naman sila. Apo na naman.
"Ah okay po mama." sabi ko nlng.
Nagsimula na ang dinner. Caldereta ang nasa hapag. May adobo at Tinola rin. Marami ring dessert ang nasa lamesa gaya ng bilo bilo letche plan at kung ano ano pa. Tahimik lng sila ng bigla akong magsalita."Pa ma tito at tita may sasabihin po ako." sabi ko
Tumingin sila sakin pati si Klarenze. Nagtataka sya. Humugot ako ng malalim na hininga at nagsalita.
"Makikipag-hiwalay na po ako kay Klarenze. Inaayos ko na ang divorce paper namin." Nabigla sila. Hindi maipinta ang pagmumukha ni Klarenze. Namumula sya sa galit.
"Anong problema iha?" tanong ni mama
"Iha sigurado ka na ba?" tanong naman ni Tito Karl
Magsasalita pa sana ako ng bigla akong hawakan ni Klarenze sa braso at hatakin palabas ng restaurant.
"Bitawan mo ko."sabi kp
"T*ng *na sinong nagsabi sayong sabihin yun kila mama?!" galit myang sigaw sabay balya nya sakin papasok ng kotse.
Napaigik ako ng tumama ako sa pinto.
"Sumakay ka sa kotse mag uusap tayo lintik ka!" sigaw nya.
Wala akong nagawa ng buksan nya ang pinto at sapilitang isakay. Nagmaneho sya. Gigil na gigil na sya sa manibela.
"Bakit sinabi mo yun?!" tanong nya
"They should know.!" Sabi ko habang umiiyak. Sa bawat pagpatak ng luha ko. Ayun naman ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Napayakap ako sa sarili ko. Takot na takot ako.
Makalipas ang ilang minutong hindi pagpapansinan ay nakarating na kami sa bahay. Pinagpupukpok nya ang manibela.
"Gusto mo talagang makipaghiwalay?!" galit nyang tanong.
"Oo. Ayoko na. Ayoko ng makasama ka. Pagod Pagod na ko. Sawang sawa na ko. Sinira mo ang buhay ko. Wala kang kwenta." sigaw ko sa kanya. Napatigalgal sya at nagtagis ang bagang. Bumaba sya ng kotse at binuksan ang pinto ng sasakyan. Hinatak nya ko pababa at nagsalita.
"Gusto mong makipaghiwalay?!! teka lng." sabi niya . Pumasok sa sa bahay at naiwan ako sa ulan. Iyak ako ng iyak habang giniginaw. Lumabas sya dala dala ang mga gamit ko.
"GUSTO MO NG LUMAYAS DIBA?! O AYAN. LUMAYAS KA NA. WAG KANG MAG ALALA. PIPIRMAHAN KO AGAD YUNG PUNYERANG DIVORCE PAPER MO!?" Galit nyang sabi sabay bato ng mga damit ko. Naluluha akong pinulot iyon. Sobrang sakit palang ipagtabuyan. Tumalikod na sya sa akin at pabalik na ng bahay ng bigla nalang akong bumagsak sa kinatatayuan ko. Hilong hilo ako. Pinilit kong dumilat pero di ko mgawa. Hanggang sa Kainin na ng dilim ang diwa ko.
-
BINABASA MO ANG
Loving my playboy husband
RomantikTittle: Loving my Playboy husband (One shot story) Author: Maxxinajin13 Genre: Romance Kiana's Pov Bumangon ako para uminom ng tubig. Maingat akong bumaba para hindi magising si Klarenze. He's my husband. Nasa kabilang kwarto lng sya. Pababa na ako...