Kiss

796 14 0
                                    

Klarenze's Pov

Papasok na ko ng bahay ng biglang may bumagsak. Paglingon ko ay nagulat ako. Nawalan ng malay si Kiana. Dali dali akong lumapit sa kanya. Inaapoy sya ng lagnat. Binuhat ko sya at dinala sa Master bedroom. Ginginaw siya. Kumuha ako ng maligamgam na tubig, palanggan at bimpo. Nag aalangan akong tanggalin ang damit nya ngunit kailangan kong gaein yun dahil basang basa ito sa ulan. Mapupulmonya sya pag nagkataon. Maingat kong tinangal ang zipper ng dress nya. Kinuha ko ang kumot at pinatong sa nanlalamig nyang katawan. At dahab dahan ko syang binihusan. Dahil basa ang mga damit nya na tinapon ko kanina simpleng T shirt ko nlng ang pibasuot ko sa kanya. Pinunasan ko sya. Lamig na lamig sya. Nagdedeliryo din sya.

Nahabag ako. Puro pasa ang katawan ng asawa ko.

"i don't want to loose you baby." sabi ko at niyakap ko syang mahigpit. Para kahit paano hindi na sya lamigin.

-Kinabukasan-

Nagluto ako ng lugaw para kay kiana. Mataas pa rin ang lagnat nya. Pagkatapos ay pinakain ko sya.

"Last subo na baby. Sabi ko sa kanya sabay subo ng lugaw." kinain nya iyo at napaubo.

"Okay ka lng?" tumingin sya sakin na nagtataka. Gusto nyang magsalita pero di niya kaya. Pinainom ko na sya ng gamot at pinagpahinga.

*After 3 days*

Kiana's Pov

Nagising ako sa init ng bisig nya. Ang sarap pla sa pakiramdam ng yakap ka ng asawa mo. Himbing na himbing sya sa pagtulog. Tinignan ko ang mukha nya. Napakagwapo niya. Hindi ko rin masisisi ang mga babaeng nahuhumaling sa kanya. Lalo ko pang siniksik ang sarili ko sa kanya. Niyakap ko din sya. Ayokong matapos ang araw na to. Sa 3 araw na nagkasakit ako di sya umalis sa tabi ko. Inalagaan nya ko. At napakasweet nya.

Maya maya ay gumalaw sya. Pumikit ako at kunwaring tulog. Hinawakan nya ang noo at leeg ko kung mainit pa. Pagkatapos ay niyakap nya ko. Kinilig ako. Pero mas kinikig ako ng bigla nya kong halikan sa labi. Napamulat ako sa ginawa nya.

-

Loving my playboy husbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon