Circle 3
Seraphina
"Seraphina psst"
"psst, Seraphina"
Napidilat ako ng makarinig ng kakaibang boses, mahimbing na ang pagkakatulog ko pero isang nakakatakot na sitsit ang narinig ko. Idinilat ko ang aking mata
What the hell was this? agad akong sinara ang aking tenga sa nakakilabot na nilalang na nakita kong nakatayo sa harap ko. Nakangisi siya at may mahabang sungay, nakalahad din yung mga kamay niyo sa akin
para siyang isang
isang DIYABLO
"Halika na sumama ka na sa akin"
"Seraphina you're mine now"
"HAHAHAHAHAHAHAHA"
Nakabibinging halakhak ang pinakawalan niya at wala naman akong ginawa kung hindi ang takpan ang tenga ko dahil masakit talaga ito at umuungol sa tenga ko
"Hindi, hindi tigilan mo na to"
"Hindi ka na makakatakas pa halika na"
"Gagawin kitang reyna Seraphina"
"Lubayan mo na ako utang na loob"
"Serephina" mahihimigan mo talaga sa boses niya ang mapang-asar na tono
"Huwag kang matakot hindi kita sasaktan"
"Please lang, iwanan mo na ako"
"Hawakan mo na kamy ko Seraphina, Halika na"
"Seraphinaaaaaaaaa" hindi na ako makahinga ng sinakal niya ako ng madiin, nakikita ko na din ang mga nanlilisik niyang mata, nakakatakot sobra hindi ko na kaya, sigaw ako ng sigaw ng tulong sa isip ko kahit alam kong walang tulong na darating
"Seraphina, Seraphina magdasal ka" sa gitna ng matinding takot at pagtangis ko nakarinig ako ng isang boses
"Magdasal ka lang" naguguluhan ako hindi ko na alam ang nangyayari. I see a demon here in front of me tapos hihingi ako ng tulong sa isang mitolohiya lamang? Paano ako matutulungan non?
"BUWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA iyan ang gusto ko sa iyo Seraphina" sabi ng isang nakakatakot na boses at hinaplos haplos pa ang mukha ko "mas mapapadali ang misyon ko sa iyo WHAHAHAHAHAHAHAA"
"Seraphina babalikan kita, malapit na malapit ka ng mapasaamin, maging katulad namin" sabi niya sa nakakatakot bagaman mahinahon at dahan dahan parang gusto niyang ipaintindi ang bawat salitang binibitawan niya
"Magkita tayong muli munting binibini" sinabi niya bago ako halikan sa noo as if marking me that I was him, a property of him
"Seraphina" ayan na naman yung isang tinig sa isipan ko. Ang boses niya ay parang nagmamakaawa
Matinding takot ang namayani sa akin ng gawin niya iyon ngunit bago siya umalis meron pa siyang ibinulong sa akin
"Tumayo ka na jan at gumawa ng kasamaan" at sa hindi ko inaasahan bigla na lang akong napatango sa sinabi niya at parang gustong gusto kong gawin ang sinasabi niya
"Huwag Seraphina" sabi ng isang tinig sa aking isipan
"You are way to late" galit na sigaw na ito at napatakip na naman ako ng tenga dahil sa malakas na ungol niya "akin na siya at gagawa siya ng kasamaan, hindi ba?" at sa hindi malaman na dahilan muli akong napatango sa Diyablo na nasa aking harapan

YOU ARE READING
9 Circles Of Hell
ParanormalThere are said to be 9 circles of hell, Sinners and opportunists are here to dwell Big crowd of people gathering in the banks of river. Until such time, it will be bigger and bigger. Are you ready to enter the vestibule of hell? well then WELCOME...