CHAPTER TWENTY: Happy Three Friends.

28 0 0
                                    

Guilty ako sa ginawa kong desisyon. Kaya I have decided to be friends with mikho na lang. Sasabihin ko din sa kanya yan mamaya. 

Bestfriend.

Sya na yun.

Ayoko din kasi syang mawala sa akin. Pero mas mahal ko kasi si shin. That moment nung nagdecide ako, naliwanagan ako. 

Mas mahal ko si shin, pero ayoko naman mawala si mikho.

Ayoko din namang magkailangan kami.

Friends.

That would be okay, right?

Papasok ng nagtext si mikho na sabay daw kaming pumasok.

Siguro eto na tamang oras na sabihin ko yung decision ko kagabi.

Ayokong mamatay sa konsensya ko.

"Mikho, may sasabihin ako, sana wag kang magalit," teka nga, pano ko ba to sasabihin ng hindi sya masasaktan.

WAH!

Ang assuming ko naman na masasaktan sya, ganun ba nya ako kagusto? kamahal? para masaktan sya ng ganun ganun na lang?

"Ano ba yun?"

"Wag kang magagalit--"

"Bakit naman ako magagalit? Ano ba yun?"

"Best friends pa rin tayo."

"Oo, sige."

Parang awkward na yung moment. Yung boses nya malungkot.

"Uy, wag na nga, galit ka na eh."

"Sus, eto naman. Sabihin mo na, magagalit lang ako kasi ang tagal mong sabihin."

"Eh, kasi kahapon parang sinagot ko na din si shin. eh."

"Ow? Kayo na? Congrats ah!"

Natutuwa ba sya o sarcasstic lang sya?

Tapos nagulat ako, kasi lalo nyang binilisan yung takbo ng scooter.

Napahug ako sa kanya ng di oras.

"Malelate na tayo!", sabi nya.

Shit to.

Pagdating sa school, kasabay na naman namin ung kotse nila shin, pero ang iba nga lang, si ai lang ang lumabas, wala si shin.

Nakakapagtaka lang, bakit sya lang mag-isa. Baka absent si shin.

Pagpasok namin sa quadrangle, nagulat ako.

Ang aga ni shin, nauna syang pumasok kay ai. It means, nagcommute sya papuntang school.

Inapproach ko sya.

"Nagcommute ka no?"

"Oo, para sa iyo."

"Hala baket? Anong meron?"

"Wala lang."

Tapos napansin kong lumalayo si mikho. Hinila ko sya.

"Oy, ikaw dito ka nga sa tabi ko, dito ka lang."

"Eh nandyan na si shin oh."

"Eto talagang bestfriend ko oh!" tapos hinawakan ko yung braso nya.

"Okay."

"Sweet nyo ah," singit ni shin.

"Selos ka naman? Lika ka nga," tapos ung isa kong kamay pinang-akbay ko sa braso nya.

"Happy three friends tayo."

"Okay??" "Okay??", sabay na sabi nilang dalawa.

"Wag nga kayo. Basta walang ilangan, lahat tayo happy."

Oh ayan na, sana maayos na yung atmosphere.

My YakuzaWhere stories live. Discover now