Chapter One

16 0 2
                                    


Disclaimer: The poems, song lyrics, or any literature (written in italics) included in the story are original and are owned by the author. Any other forms of the above mentioned that are borrowed from other sources will be acknowledged by the author, either formal or informal.

Nauumay na ako sa kagu-Google ng maaring isulat na quote sa parisukat na papel na hawak ko. Marami na rin kasi akong nagamit mula rito at gusto ko naman ng bago na babagay pa rin sa nais kong ipahiwatig sa bibigyan ko nito. Nilulubos ko na ang pag-browse dahil 50mb lang ang binibigay na free internet dito sa library.

Ano ba talagang isusulat ko?

Napaisip din ako. Baka naman akalain ni Cattleya na old school ako sa kaka-Shakespeare ko nito.

Pero hindi naman siguro. Hindi naman umaabot sa 5% ang usage ko ng mga lines ni Shakespeare.

"Pang-ilan mo na yan?" Napalingon naman ako sa nagtanong. Si Markus Peralta, ang bestfriend ko na sigurado akong pumunta lang dito para maki-wifi at mag-Instagram. Pimus yan eh. Siya na rin ang great supporter ko sa mga pinaggagawa kong ito. As in support talaga siya.

"Crane number 87, pareng Marky. The answer to your 80th question." Sagot ko. Ganoon karaming beses na niya kasi akong tinanong kung pang-ilang paper crane na ang ginawa ko. Nagsimula siya noong napansin niyang naparami na ako ng gawa.

"Grabe ka, par. Hindi na effort yan ah. Hard work na. Tss." Napailing na lang siya. Alam ko namang hindi niya ramdam tong ginagawa ko eh. Tinotolerate niya na lang kasi hindi rin naman ako makikinig sa mga payo niya.

"Basta para sa kanya, par." Nasabi ko na lang at ibinalik ko na ang atensyon ko sa papel na hanggang ngayon ay wala pa ring laman.

"Kantahan mo na lang kaya, par. Harana ba. Tutal, makaluma rin naman 'yon. Yun ang trip mo diba." Nakapangalumbabang tugon ni Marky sa akin. Bigla naman akong napaisip.

Kanta?

"God, Marky. I could kiss you right now. Salamat, par." Tinapik ko pa siya sa balikat. Tama. Songs are poetic, too. At marami akong alam na kanta na bagay na bagay talaga kay Cattleya.

"Teka, par. Ba't ang sagwang pakinggan ng gratitude mo? Tsaka, sineryoso mo yung sinabi ko? Harana? Sus, par. Kung tatangkain mong haranain yang si Cat, bago ka pa man makapag-strum ng guitar, ipinahiya ka na niyan sa buong madlang people. Tingnan mo naman ang nangyari kay Vince." Iba yata yung pagkaintindi niya. Hindi naman ako kakanta. Pero naalala ko rin yung pangyayari tungkol sa kaklase naming varsity player na si Vince.

Kagagaling pa lang noon ni Cattleya ng cheerleading practice at pawis na pawis siya. Kasama niya ang mga kapwa niyang cheerleaders. Si Vince naman, nag-aabang sa kanila. Nilapitan niya si Cattleya at binigay dito ang chocolates na dala niya. Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi ni Cattleya noon.

"Tanga ka ba? Bibigyan mo 'ko niyan? Alam mo namang cheerleader at model ako and I'm not allowed to eat sugar dahil tataba ako."

"Tanggapin mo na lang, Cat. Kahit 'di mo kainin." May pagmamakaawang sabi ni Vince. Hindi dahil gusto niyang tanggapin ito nito kundi dahil napapahiya na siya sa hindi pagtanggap nito.

"At anong gagawin ko diyan? Alangan naman itapon ko? Kung ako sa'yo, ibigay mo na lang yan sa pamangkin mong elementary student na wala pang insecurities sa katawan." Sabi ni Cattleya sabay irap.

"Tsk. Once a bitch, always a bitch. You're really living up to your reputation, Cat." Ang nasabi na lang ni Vince bago siya umalis.

Marami kaming nakakita nun. Pero sa dami namin, ako lang yata ang hindi natinag sa mga sinabi ni Cattleya. Ewan ko. Siguro pinalalagpas ko ang mga ugali niyang iyon dahil may gusto ako sa kanya. Pero hindi talaga, eh. Naniniwala akong iba siya.

Paper Cranes for CattleyaWhere stories live. Discover now