Chapter Three

4 0 0
                                    

Isang linggo na rin ang lumipas mula noong inihulog ako ni Cattleya sa pool. Pitong araw na kung saan pitong tula at pitong papel na ibon na rin ang nagawa ko para kay Cattleya. Wala naman akong narinig mula sa kanya. Dahil ba hindi na niya ako nahuli kaya hindi niya ako malalait? Hehe. Pero obvious naman eh na ako pa rin ang nagpapadala sa kanya. Dapat alam niya 'yon.

"Hi, phar! Musta ka na?" Napalingon naman ako sa babaeng ginagaya ang tawagan namin ng kuya niya pero hindi rin naman tama ang pagkabigkas dahil sa kakikayan niya. Umupo siya sa tabi ko dahil wala pa doon ang kapatid niya.

"Ayusin mo nga yang pagkakasabi mo niyan. Ay mali. Wag mo na lang ayusin dahil hindi rin naman ako magpapatawag ng ganyan sa 'yo. Hindi tayo close." Sabi ko na lang sa kanya at tumingin na lang sa ibang direksyon para mag-isip ulit. Pero ang isa namang 'to, ayaw patigil.

"Eh bakit naman? Bestfriends naman tayo, diba?" sabi naman niya sabay puppy eyes. Para sa kanya, "puppy". Para sa 'kin, "bulldog". Lul.

"Sinong nagsabi? Idedemanda ko. Fake news, eh."

"Eh diba, close kayo ni Kuya. Eh di, close na rin tayo. What's his is mine, eh. Hehe. Sige na, please." Napasuko na lang ako sa kakulitan niya.

"Fine. Ano bang kailangan mo?" Tanong ko sa kaniya dahil alam ko namang hindi yan magpupumilit maging bestfriend ko kung walang rason, eh. Ayaw nga niyan makipagkaibigan sa 'kin noon kasi ang nerd ko daw. Kahit hindi naman. Geek lang talaga ako pero hindi naman ako puchu puchu kung manamit.

"Uhm, yung damit na pinahiram ni Vincell sa 'yo, nasa 'yo pa ba?" Sabi na nga ba, eh. Kahit kailan talaga tung babaeng to. (Bakit palagi ko na lang nasasabihan ng "kahit kailan" ang magkapatid na Peralta?) Akala ko pa naman naubusan na ng kaibigan kaya nangungulit sa akin.

"Wala na. Naisauli ko na." Pang-aasar ko sa kanya. Totoo rin naman. Naisauli ko na kay Vince ang jersey na pinahiram niya sa 'kin nung isang linggo.

"Eh naman eh. Bakit mo naman sinauli agad? Di mo man lang ako ininform." pagdadabog niya sabay pout. Haha. Ang cute.

"Bakit ba? Ano ka ba niya? Tsaka alangan naman paabutin ko pa ng isang linggo para isauli noh."

"Pero kahit na..."

"Good morning, class." Napatigil naman kami nang pumasok na si Sir Seth para sa klase namin. Bigla namang napatayo si  Macky at tumungo sa pinto. Pero tumigil muna siya sa tapat ni Sir Seth at sinabing, "Bye, Kuya." na ikinunot naman ng noo nito. Nang nasa may pintuan na siya, bigla naman siyang napalundag nang pumasok si Vince at ang iba ko pang kaklase. Ayun, kumaripas ng takbo. Hahaha. Hindi na lang ito pinansin ni Vince. Napatingin naman siya sa direksyon ko at sumalute nang nakangiti. Sumalute din ako. Simula kasi noong isinauli ko yung jersey niya, naging medyo close na kami.

"Anyway, may importante nga pala akong ia-announce sa inyo." Sabi ni Sir Seth nang makapasok na lahat. Tumikhim siya bago magsalita. "Sabi ng principal sa 'kin na sa simula pa lang ng pasukan, sinabihan na kayo na kung maaari, huwag kayong lumipat ng course in the middle of the semester dahil magiging inconvenient iyon sa mga hina-handle niyong subjects." Paunang paliwanag ni Sir. Parang nagi-gets ko na yata ang gustong iparating ni Sir. "But there's one student na gustong lumipat dito sa General Academic Strand na klase natin. And since she's from the TechVoc class, wala kaming nakitang problema para hindi siya pagbigyan." She? Babae ang ta-transfer. Sana naman si...

"Class, please welcome your new classmate. Miss Evanson." intro ni Sir sa bagong pumasok. Nakita ko naman si Cattleya. Nakasuot siya ng isang pale yellow dress na pinaibabawan ng floral na jacket at itim na Vans shoes. Yung suot niya noong una. Nakaligpit naman ang buhok niya into two opposite buns na parang KPop idol at may tinira siyang dalawang magkabilang palawit na nakabitay sa noo niya. May suot din siyang salamin na katulad ng kay Harry Potter at may bitbit siyang mga libro. Ang ganda niya. Lalo na ang mga labi niyang ngayon ay iba dahil kulay light orange. Ang tamis tignan. Hahaist. "Please introduce yourself, Miss."

Tumango naman si Cattleya at pumunta na sa harapan. "Good morning everyone. My name is Cattleya Evanson. 18." pakilala niya sabay taas ng mga sulok ng labi niya na para sa 'kin ay hindi pagngiti. Lumapit naman siya sa katabi kong upuan na bakante. Teka, nasaan si...

"Class, have you seen Marku- Mr. Peralta?" Napatanong naman si Sir. Pero tono ng pananalita niya, parang hindi niya naman talaga hinahanap ito. Parang natanong niya na lang dahil nakita naming umupo si Cattleya sa upuan dapat ni Markus. Ano kayang meron? Wala bang pakialam si Sir sa mga lumiliban niyang estudyante?

"Good morning." napalingon naman kami sa may pintuan at nakita ang hinahanap namin.

"Where have you been?" tanong ni Sir na kalma lang.

"Diba nasa office m- Uhm, ah Sir, I went to the library po. Di ko narinig ang bell." sagot ni Markus. Haha. Di narinig sa kaka-Instagram niya. Papunta na sana siya sa upuan niya nang makita niya si Cattleya na nakaupo doon. "Uy Cat. Classmate na pala tayo." bati niya na may tonong pang-aasar.

Sarkastikong ngumiti naman si Cattleya sa kanya. Yung labas talaga yung ngipin pero exagge yung pagkalabas kasi kita pati bagang. Ang cute niya tuloy. Teka, close sila?

"Hindi na yan ang upuan mo dahil late ka. Doon ka sa likod. Yung armchair na maluwang ang pako." utos ni Sir kay Markus. Pero parang nang-aasar lang din ang tono niya.

Si Markus naman pumunta na sa may likuran na napailing-iling pa. Parang na-amuse siya sa pinaggagawa ni Sir sa kanya. Close din sila?

Bakit parang ang daming close dito? Ako lang ba ang walang ka-close?

Tsk. Gusto ko tuloy kaibiganin si Macky.

Napatingin naman ako kay Cattleya at napaisip ako sa sinabi niya noong nakaraan. Am I really superficial? Pero totoo naman na maganda siya eh. It should be a valid reason for liking her. Hindi rin naman naging hadlang sakin ang kagandahan niya para mas gustuhin ko pang kilalanin siya. A pretty face may not be all she is but it's still a part of her. Sana maintindihan niya yon.

Pagkatapos ng klase namin, inipon ko ang buong kompyansa ko para lapitan siya. Hindi naman pwedeng palagi na lang akong nakatingin sa kanya sa malayo. Kailangan ko rin ayusin kung anuman ang misunderstanding namin noon.

Heto na.

"Cat." Tawag ko sa kanya habang nagliligpit siya ng gamit niya. Nilingon naman niya ako at parang nagtataka siya kung bakit ko siya kinakausap. "I'm sorry for what happened last time. Alam kong hindi tayo nagkaintindihan. Can we at least talk things out? Like over coffee? Or something?" Napakamot na lang ako ng ulo. Bahala kung ano man ang sagot niya.

She smirked. "Sure. My place." Sagot niya pagkatapos ay binigay niya ang bag niya sakin para buhatin ko siguro kaya ayon binuhat ko. Umuna naman siya ng lakad sakin at sinundan ko siya.

Paper Cranes for CattleyaWhere stories live. Discover now