Sinta

5 1 0
                                    

Gabi na naman,
Ako'y nakatingala lamang sa kalangitan.
Pinagmamasdan ang ulap, at ang mga bituing nagkikislapan.

Ako'y tatayo na sana ng may marinig akong yabag papunta sa aking pwesto,
Ako'y lumingon at nakita ko ang taong gustong-gusto kong makasama sa gabing ito.
Ika'y sa akin' lumapit,
Ngumiti ka at umupo sa aking tabi.
Ako'y tumingin sa iyo ng nagtataka,
Pero ika'y tumawa at ako'y nahawa.

Sa ilalim ng mga bituing nagkikislapan at maliwanag na buwan,
Tayo'y magkatabing nakaupo at ang langit ay ating pinagmamasdan.
Wala sa sarili kong napatugtog ang paborito nating kanta,
Hinawakan ko ang kamay mo na parang natatakot ako na mawala ka.

Ako'y nagtanong, "bakit ka nandito?"
Ika'y ngumiti ng malungkot at sinabing, "ika'y na mi-miss ko."
Balak ko pa sanang magtanong ulit,
Kaso ang malakas na hangin ay umihip.
Hahawakan ko na sana ang iyong mukha,
Kaso ika'y biglang nawala.

Hinanap kita kung saan-saan,
Hanggang ako'y napagod at nagpahinga.
Tinuloy ko ang paghahanap sayo ng paulit-ulit,
At doon, doon ako nagising sa aking panaginip.

Isang babae. Kalangitan. Paborito naming kanta. At ang paghawak ko sa kamay niya.
Lahat ng iyon ay panaginip lang,
Lahat ng iyon ay hindi totoo at mapanlinlang.
Biglang tumulo ang luha sa aking mga mata,
Ako'y bumulong, "Kahit ika'y nasa langit na, mahal na mahal kita aking sinta."

January 7,2019. 4:59 PM

My Unsaid Words (Compilation Of My Thoughts)Where stories live. Discover now