Paksa
by: sheblossom WPPanibagong araw,
Panibagong tula na naman;
Paulit-pulit,
pero parang ayaw kong tigilan.Ang papel at pluma ay handa na,
Ang mga salita na araw-araw kong iniisip ay nakahanda na;
Iba't-ibang paksa araw-araw,
Pero ang pinaglalaanan ng mga tulang ito ay palaging Ikaw." Ang iyong mata ay mala nyebe kung ikaw ay tititig,
Parang hindi ko na alam kung ano ang tamang salita na maglalarawan sayo, o aking pag-ibig."
'Yan ang mga salita na paulit-ulit kong sinusulat,
Mga salita na parang hindi mauubusan ng mga banat.Nakangiti kong sinusulat ang mga letra na simbolo ng aking pagmamahal,
Ang mga ngiti ko ay napawi ng may maalala;
Agad akong tumigil sa kakasulat,
Tinigil ang mga salita ko na puno ng mga banat.Taon na ang nakalipas,
Ang aking pagsusulat ay hindi kumupas.
At muli, ako'y makakagawa naulit ng panibagong tula,
Pero hindi na Ikaw ang magiging paksa.
March 8,2019. 12:32 PM
YOU ARE READING
My Unsaid Words (Compilation Of My Thoughts)
RandomAre you ready to read my unsaid words?