Chapter 2

3 0 0
                                    

'The number you have dia-'

Pinatay ko ulit iyon nang ganoon parin ang naririnig ko mula sa cellphone ko. Kanina pa ako nakatayo rito sa labas ng campus habang hinihintay si Nashia. Usapan na namin itong ganito na sinusundo sya dapat dahil obligasyon ko iyon bilang karelasyon niya. Pangatlong beses na ktong nangyari. Itong naghihintay ako rito sa labas habang sinusubukan matawagan ang cellphone nya pero walang sumasagot.

"Psst! Diba kaklase mo si Nashia? Hindi pa kayo nag-uuwean?"

"Huh? Tapos na ang klase namin kanina pa. Nasa library ata si Nashia kasi nakita kong doon sya patungo kanina."

"Ah, sige. Salamat." mabilis kong tinahak ang daang papasok sa loob ng school diretso sa library.

Alam nyang may usapan kame pero bakit andoon sya at di man lang nagpasabi para masamahan ko man sya.

Nilibot ng paningin ko ang loob ng library pero wala akong makita kahit na anong bakas nya. Alam ko ang amoy nya pero hindi ko iyon maamoy dahil natatakpan iyon ng pabangong lalake.

Lalabas na sana ako ng marinig ko ang librong parang nahulog sa sahig.

Andito sya.

Nilakad ng paa ko ang daang papuntang sulok ko iyon at agad na tumambad saaken ang lalakeng hawak ang bewang ng girlfriend ko habang nagtititigan ng mainit.

Muling sumagi sa isip ko ang mga araw na hindi kame nakakapag-usap ng maayos at matagal. Ito na pala ang pinagkakaabalahan nya.

Lumabas ako dala ang hapdi habang nakakuyom ang mga daliri ko. Gusto itong kumawala at manakit ng kahit sino.

Natawa ako.

Alam ko naman darating sa ganitong sitwasyon. Pero bakit ang bilis naman nyang mahulog? Ganun lang ba kabilis na palitan ang mahigit limang taon namin pagsasama?

Natatawa ako.

"B-babe?" nilingonan ko agad ang pinagmulan ng boses na iyon. Ngumiti ako at inalok ang kamay ko sakanya.

Nabasa ko agad sa mga mata nya ang takot at guilt na alam kong dapat nyang maramdaman iyon dahil alam nya ang ginagawa nya. Pero bakit ginagawa nya paren.

"K-kanina ka pa?" ako na ang umabot ng kamay nya at masuyo iyong hinaplos.

"Diba sabi ko na naman sayo susunduin kita dito sa labas ng campus? Nakalimutan mo na agad iyon?"

"H-hindi na naman. Natagalan kasi ako kaya akala ko nauna kana."

"Kailan pa kita iniwan?" napansin ko ang pagluwag ng kamay nya saaken pero nagpatuloy paren ako sa paglalakad na parang walang nararamdaman. "Saan ka ba pumunta at natagalan ka?"

"H-huh? Sa room lang. Nakatulog ako. Hehe. Hindi ba halata sa mukha ko na nakatulog ako?" tumigil ako kaya gulat syang tiningnan ako. Tinitigan ko ang mukha nya ng matagal.

Ikaw pa ba ito, babe? Bakit pilit mo paring pinagtatakpan ang kasinungalingan mo? Ikaw pa rin ba ang bukod taong nangakong hindi ako iiwan at sasaktan? Bakit pakiramdam ko nagbabago na ang lahat, babe?

"B-bakit?" kinakabahan nyang tanong. Hinaplos ko ang maganda nyang mukha at nginitian sya.

"Mukha ngang inaantok kana. Ihahatid na kita para naman makatulog ka ng maaga." hinila ko ulit sya hanggang sa marating namin ang parking area ng school kung saan nakapark ang motor ko.

Kinuha ko ang helmet at isinuot sakanya. Naupo ako sa motor ko at pinaandar habang hinihintay syang umangkas pero napansin ko ang pagtayo lang nya sa likod.

Marco's Girl-Boyfriend (ZGSP's Clan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon