SECOND PROMISERAYCE'S POV;
I do feel the excitement of my co-officemate's 'cause darating na daw ang aming pinaka-"boss". Galing daw sa states, USA 'ata? I don't know why kung bakit ako kinakabahan. I hate this feeling.
“Guys guys!” pagtawag pansin sa amin ng aming team leader, si Jace.
“Parating na siyaaaa!” kaya dali daling nagsipuntahan ang mga kasamahan ko sa bandang pintuan at nag-line up, syempre sumama na din ako.
“Guys, paalala lang. She've been through a lot. Don't make unnecessary movements if possible, understood?” she's? Babae pala siya? Nakita kong nakatingin sa akin si Jace. Problema nito?
“Guys, get ready okay? And, sa kanya natin ip-present ang advertisement na ginawa natin for the product that's assigned to our team” sa kanya? Aish! Bakit hindi sinabi niya Jace sa akin kahapon? Tsk. Puro demonyo kasi yung iniisip.
“Paakyat na siya sa ating floor” announcement ni Jace. Masyado naman 'ata 'tong kinakabahan? 'Di mapakali eh.
Wala pa naman siya kaya pumunta muna ako sa station ko para i-ready ang mga gagamitin namin mamaya.“Oh my god!” rinig kong sabi ng isa kong work mate. Bakit, anong nangyari? I looked at the door kung nasa'n sila and there she is. Our boss. Mas masungit kaya sa'kin? Lumapit na lang ako doon para malaman ko. Nakatalikod pa siya at kausap si Jace kaya 'di ko pa makita ang mukha niya. Ba't parang ang payat naman nito?
“Guys, she's Ms. Kenshin Decameron, our true boss” Kenshin? Sa lahat ng pangalan, bakit Kenshin pa? Tsk.
“Hi, nice meeting you all.” ka'boses pa? Napatingin ako sa aming 'boss' at dun ko nalaman kung bakit. May demonyo pala kaming kasama dito.
“Uh, I don't know what to say but thank you for your warm welcome for me here guys. I do really appreciated it” bakit siya ganyan? Ano yan, pakitang tao? Napatingin siya sa akin at nginitian niya ako. Aba, parang walang ginawa sa akin ah? Ang galing.
“By the way, I'm not masungit naman. You can have a little chitchat with me and also, you can be friends with me. But when it comes to work, I'm a serious type of person. I'm a lil' bit strict. Professionalism is the answer.” she added. Professionalism? Haha
“You can go back now to your places. Thank you again” she said at umalis na.
“Grabeeee! Ang ganda na niya.” biglang sabi ni Aria.
“Oo nga eh. Kaso bakit siya gano'n? Ang akala ko kapag makikita niya tayo, yayakapin niya tayo at mag-iinarte.” dagdag naman ni Shantell. This convo is kinda interesting kaya nakinig muna ako sa kanila.
“Bakit parang hindi niya tayo kilala? Ano ba kasi talaga ang nangyari?” nakita kong biglang lumungkot ang mukha nilang apat, including Jace. Nakikinig din pala siya sa convo nila.
“Parang hindi na siya yung Kenshin na nakilala ko, yung nakilala nating lahat” dagdag ni Briella.
“Grabe naman, baka naman kasi hindi niya tayo nakita kaya ganon na lang” Saad ni Ashleigh.
“Pero hindi eh, napatingin siya sa atin at nginitian niya lang tayo” ganon din naman ang ginawa niya sa akin. Kala mo talaga hindi nang-iwan.
“Uy Rayce!” tawag sa akin ni Aria.
“Hmm?”
“'Diba boyfriend ka ni Kenshin?” tanong niya. Hindi na, matagal na niyang tinapos.
“Nah” ayaw ko talaga siyang pag-usapan.
“Omyyyy! Break na kayoooooo!?” sabay sabay nilang sabi na apat. I just shrugged my shoulders and go back to our station.
~
“Since tayo na, anong gusto mong call sign natin?” tanong ko sa kanya habang pinaglalaruan ang kamay niya.
“Hmm. Ikaw bahala” ako? Aha! May naiisip na ako.
“What if boo and bae and love and darling” hehe nice nice
“Ang dami naman” reklamo niya.
“Gan'to kasi 'yan. Bae and love ang tawag mo sa akin at boo at darling ang tawag ko sa'yo” explain ko kaya napatingin siya sa akin at bigla akong tinawanan.
“Dami mong alam!” she said and she pinches my nose.
“Masakit boo!” reklamo ko at hinawakan ang ilong ko.
“Wawa naman bae ko. Masakit ba? Gusto mo ng masarap?” tanong niya. Gusto ko 'yan! Tinanguan ko siya at nagulat ako sa ginawa niya.
“Yan bae, masarap 'yan hehe” she said. Pinasakan ba naman ako ng biglaan ng choco choco sa bibig?
“Mas masarap kang kasama” I winked at her.
“Walang effect sa akin ang pag-kindat mo” Kainis! 'Di man lang kinilig. Alien 'ata 'tong girlfriend ko.
~
“Nakalimutan mo ba talaga kami o kinalimutan mo kami? Kenshin, ang gulo mo” napatingin ako sa picture na nasa desk ko. Bakit ka ba ngiti ng ngiti!? Nakakainis na.
![](https://img.wattpad.com/cover/97530113-288-k325561.jpg)