THIRD PROMISE

24 1 0
                                    


Third Promise

Rayce's POV;

Nakita ko si Jace na inaayos ang mga paperwork's kaya nilapitan ko siya. Ngayon ko lang siya makakausap tungkol sa bagay na 'to dahil busy kami these past few months.

Pre” I called him. Kaya no'ng napansin niya ako, itinigil niya ang ginagawa niya.

“Oh pre? Bakit, may problema ba?” tanong niya. Meron, malaki.

“Bakit hindi mo sinabi sa akin na si Kenshin pala ang boss natin?” I asked calmly.

Sinabi ko naman sa 'yo, 'di ba? Pero ang sabi mo, wala kang pake kaya hindi ko na lang tinuloy” paliwanag niya. Tsk

“Pero bakit hindi mo pa din sinabi!? Alam mo ba kung gaano kasakit ang ginawa niya sa akin?” naikuyom ko na lang ang kamao ko sa galit na nararamdaman ko.

“Pero pre, hindi lang naman ikaw ang nasaktan. Sa totoo lang, mas higit siyang nasaktan sa pag-iwan sa'yo” Wow lang ha?

“Naririnig mo ba ang sinasabi mo?” nakaka-gag* amp*ta.

Syempre naman pre, may tenga ako.” masasapak ko 'to.

“Masyado kang seryoso pre. Pero oo, totoo, siya ang pinaka-nasaktan sa lahat. Hindi pa ito ang right time para sabihin, sorry pre.” ang gulo. Ang gulo nilang lahat.

“May alam ka bang hindi ko nalalaman? Tangina pre, pwede sabihin mo na? Mababaliw na ako dito. Sasabog na ako sa galit na nararamdaman ko dahil sa pag-iwan niya sa'kin!” I can't control my temper anymore.

Pre kasi a–” hindi ko na pinatuloy pa ang sasabihin niya.

“Hahaha pre, siya lang ang sineryoso ko pero nagawa pa akong iwanan! Alam mo ba pre kung gaano kasakit!? Sobraaaang sakit. I've become miserable the time she do left me hanging in the air, all alone.” hindi ko napansin na napapasigaw na pala ako dito kaya napapatingin na pala ang iba naming ka-office mate sa amin, especially sa 'kin. I've also seen Aria, Shantell, Briella and Ashleigh that they're listening to our convo.

“Pre, magpahinga ka muna. Dala lang 'yan ng stress.” sabi ni Jace.

“Stress!? Hahaha depression na 'to pre. Depressed dahil kay Kenshin! Minahal ko siya ng totoo pero anong ginawa niya sa akin? Iniwanan niya ako ng walang pasabi at d–” 'di ko natapos ang sasabihin ko dahil may biglang sumingit.

“Wait, what about me? Minahal? Iniwanan? What?” ang taong kinamumuhian ko ng todo todo.

“Bakit ka nandito?” matapang ko s'yang hinarap.

“Uh, kasi I'm just checking if Mr. Sebastian's team is doing well?” patanong niyang sagot.

“Tsk. Bakit ka ba ganyan ha!?” pinipigilan ako nila Aria at Jace pero 'di ako papaawat.

Rayce tama na” saway ni Briella pero 'di ko pinakinggan.

“Ano ba kasi 'yon!?” siya pa ang galit? Ang kapal ng mukha.

Hindi mo alam? Haha HINDI MO ALAM!?” Wala na akong pake sa mga taong nakapaligid sa amin.

Teka nga, hindi ko talaga alam. At pwede ba? Ganyan ka na ba talaga kagalit sa'kin? Dahil ba masyado akong strikto? Diba sabi ko professionalism when it comes to work? Pero bakit ka ganyan? 'Di ko talaga maintindihan.” ano siya, slow? Tss. Ang bilis bilis niya ngang iwanan ako.

~

Tininingningning~ (tunog 'yan ng alarm clock, 'wag kang ano)

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock at napahawak ako sa ulo ko. Damn! Panaginip lang pala, I remember, it's Sunday. Half day lang kami ngayon. I started to clean up my bed and go to the bathroom. When I'm taking a bath, I do remember my dream. Anong hindi ko alam? Aish! Ginulo gulo ko ang buhok ko.

“It's just a dream Rayce, nothing to worry about” I said to myself at naligo na.

“'Wag mo akong iwaaaaaaaan!” sigaw ng lalaki sa video advertisement na pinapanood namin. I looked at Kenshin, nang patago at nakakunot lang ang noo niya.

I'm sorry, but I need to” sabi ng babae sabay lakad palayo sa lalaki. I'm still watching Kenshin's reaction at todo kunot ang noo niya *smirks* I know, may naaalala siya. But that's not the exact scene we've been made.

Huwag kang mag-alala, dahil sa *toot* hinding hindi ka namin iiwan” and by that, that's the end of the video advertisement at nagsipalakpakan ang lahat.

“That's all. Thank you for watching. So, do you have any recommendations for us to improve this advertisement that we'll going to show for the public?” the presenter asked, which is Jace.

“Nothing, it's perfect. Pwede na ngang ilabas 'yan ngayon.” Zander said, he's the Vice President of the company. And I guess, he's right. It's already perfect.

“No, I strongly disagree” tss. 'lam niyo naman na kung sino. Sino pa ba? Nagsitinginan sa kanya lahat.

“But why Ms.Decameron? It's almost perfect. Madaming customers na ang mae-engganyong bumili ng ating product dahil sa ad na 'yan. So, why'd you disagree?” Zander asked.

“Actually, it isn't yet almost perfect. Dapat pantay ang lakas ng sound ng music sa nagsasalita para hindi masyadong masakit sa ears and change the filter of that. Dapat magandang tignan sa mata. Try to change it now, it's quick” Kala mo kung sinong magaling.

“But Kenshin!?” reklamo ni Jace.

“Why? That's possible to do right at this moment. 'Di mo kaya?” pinapahiya niya ba si Jace?

“But–” pinutol ni Kenshin ang sasabihin ni Jace.

“No buts. 'Di mo magawa? Ok, fine” Kenshin stood up and go to Jace's direction. Anong gagawin niya? Lahat kaming nasa meeting ay nakatingin na lang sa kanya. She's handling the laptop and doing some stuffs.

“Ayan, watch again” Kenshin said. Pinanood ulit namin yung video at mas maganda na yung kinalabasan.

“Pinalitan ko lang ang resolution. Now, it can be released from the public. Meeting's adjourned” she said at lumabas na ng room.

“Wow, ang galing. Ang bilis niya”

“I can't believe na 'yon lang pala ang kulang”

“Medyo masungit”

“Parang isang pagkakamali mo lang, sakmal ka na agad”

Samut saring komento para kay Kenshin ang naririnig ko. Hindi naman magaling. Pero, iisang komento ang pinakatumatak sa akin.

“Well, that's my girl anyway” ang sinabi ni Zander. What the heck? So, kaya pala ako iniwan kasi may iba siya? Haha. Tanginang 'yan.

A PROMISEWhere stories live. Discover now