crush,bakit hindi mo ako kayang mahalin?

381 1 0
                                    

Anong oras na ba?
Pilit dinidilat ang mga mata
Walang paki-alam kahit mapuyat
Basta maghihintay sa iyong chat
Maghihintay kahit matagal
Kasi ika'y aking crush, mahal

Noong nagfriend request sayo,
Sobrang natuwa nang sa wakas, inaccept mo
Kahit pa nga, inabot muna ng ilang linggo
Mga daliri'y nangangatal ng sobra
Hindi alam kung ano ang ititipa
Sapagkat sayo ay nahihiya

Susubukan lang naman, sana mapansin
Nag-isip ng pwedeng magandang sasabihin
Ilang beses nagtipa,
Ilang beses binura.
Hindi alam ang gagawin,
Hindi makapagpasya kung ako ay aamin.

Pikit matang pinindot
Mensaheng gustong ipaabot
Hinintay na iyong basahin
Ngunit nanlumo nang ika'y walang tugon kundi seen
Ilang beses pang tumingin
Mensaheng pinaghirapan ngunit wala rin

Crush pansinin mo naman ako
Ginawa lahat para maging close sayo
Tapos bigla kang naging sweet at masuyo
Nagugulat na lang itong puso
Hindi napigilang umasa, akala ko may something na tayo
Akala ko, level up na kaya pwede nang maging MU

Hindi mo sinabing pampalipas oras lang pala ako
Kung kailan nahulog na sayo,
Doon mo sinabing may iba kang tipo
Sa madaling salita, hindi ako ang iyong gusto
Kasi hanggang kaibigan lang ako
Kachat lang kapag nag-aaway kayo

Crush ba't ang unfair mo?
Wala kang respeto!
Pag sinabing mahal kita
Dapat sabihin mo ding mahal mo ako
Kahit hindi na totoo
Kahit man lang hanggang biro

Crush, kailan ka ba titingin sakin?
Kailan ka maghahanap ng bagong iibigin?
May pag-asa pa bang mapansin?
Hindi alam kung ano ang unang iisipin
Kung ano ang tatanungin
Pero crush, bakit hindi mo ako kayang mahalin?Title: Crush, bakit hindi mo ako kayang mahalin?

Anong oras na ba?
Pilit dinidilat ang mga mata
Walang paki-alam kahit mapuyat
Basta maghihintay sa iyong chat
Maghihintay kahit matagal
Kasi ika'y aking crush, mahal

Noong nagfriend request sayo,
Sobrang natuwa nang sa wakas, inaccept mo
Kahit pa nga, inabot muna ng ilang linggo
Mga daliri'y nangangatal ng sobra
Hindi alam kung ano ang ititipa
Sapagkat sayo ay nahihiya

Susubukan lang naman, sana mapansin
Nag-isip ng pwedeng magandang sasabihin
Ilang beses nagtipa,
Ilang beses binura.
Hindi alam ang gagawin,
Hindi makapagpasya kung ako ay aamin.

Pikit matang pinindot
Mensaheng gustong ipaabot
Hinintay na iyong basahin
Ngunit nanlumo nang ika'y walang tugon kundi seen
Ilang beses pang tumingin
Mensaheng pinaghirapan ngunit wala rin

Crush pansinin mo naman ako
Ginawa lahat para maging close sayo
Tapos bigla kang naging sweet at masuyo
Nagugulat na lang itong puso
Hindi napigilang umasa, akala ko may something na tayo
Akala ko, level up na kaya pwede nang maging MU

Hindi mo sinabing pampalipas oras lang pala ako
Kung kailan nahulog na sayo,
Doon mo sinabing may iba kang tipo
Sa madaling salita, hindi ako ang iyong gusto
Kasi hanggang kaibigan lang ako
Kachat lang kapag nag-aaway kayo

Crush ba't ang unfair mo?
Wala kang respeto!
Pag sinabing mahal kita
Dapat sabihin mo ding mahal mo ako
Kahit hindi na totoo
Kahit man lang hanggang biro

Crush, kailan ka ba titingin sakin?
Kailan ka maghahanap ng bagong iibigin?
May pag-asa pa bang mapansin?
Hindi alam kung ano ang unang iisipin
Kung ano ang tatanungin
Pero crush, bakit hindi mo ako kayang mahalin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

spoken poetry tagalog Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon