💟CHAPTER_ELEVEN💟

1 0 0
                                    


  Angel P.O.V

Ano bang gagawin ko?! Kanina pa ako pagulong gulong sa kama ko. Andito na ako sa dorm hinatid nila ako dito then umalis din sila agad bakit parang ang busy nila ngayong araw?...

Hindi pa rin mawala sa isip ko yung nanggyari sa clinic. Ang init ng mukha ko may lovenat ata ako.

Ahem Angel umayos ka! landi mo di mo nga alam pangalan nun eh. Oo nga pala di ko pa alam.

Bigla akong napaisip. May boyfriend ba ako? Bago ako pumunta dito may buhay ako sa labas. Bakit ko nakalimutan yun? Masyado maraming nangyari sa akin dito at nakalimutan ko na ang buhay sa labas. at may tatlo akong mga kaibigan.

Something struck my mind

My amnesia

I had this amnesia in a car accident. That's what I know. Before my DAD transfer me here I've tried to remember everything. Kaya lahat ng lugar na natatandaan ko ay pinupuntahan ko. Sakit pa rin ako sa ulo ng dad ko. My dad don't know about my amnesia. Naitago ko ito mula sa kanya since naaalala ko pa rin naman siya at ang pangalan ko.

That night pumunta ako sa bar kung saan natatandaan kong palagi namin pinupuntahan. Pero mgmamadaling araw na pero wala parin sakin pumapansin. Sino ba ang mga kasama ko rito? Sumasakit lamang ang ulo ko kaya umalis na ako.

Kinuha ko ang unan at niyakap ito "Who am I?" .....I murmured hoping someone will answer

Then I fall asleep.

...............................................................................  

  Third POV

"King hahabulin ba namin sila?" tanong ng tauhan ni Jk

"No, bring me someone that will replace her" he said in a cold voice

'I'm not yet done ' he thought nanggalaiti pa rin siya sa kanyang loob-loob naisahan nanaman siya nito. Ngayon lang siya nakatagpo na kahit nasa harap na ng kamatayan ay hindi natatakot. Naiinis siya dahil merong hindi natatakot maliban na lng sa kings of course and Erin too na hindi natatakot sakanya.

Nangangati na siyang makita na naghihirap ito... Pero meron sa part niya na ng eenjoy sa tuwing nakikita ang reactions nito na lalo niyang ikinangingitngit ng loob niya. The fuck is that!

At ang mas ikinagagalit niya is why did he kissed her? And to make it worst he gave her a kiss mark? this is ALL HIS FIRST TIME! sa kanya lng niya ginawa yun. He didn't kiss in lips his flings even giving them a mark...

Nawalan siya ng gana mgbilang at itiniwala sa kanyang tauhan ang pgtotorture. Basta lagyan lng ito ng mark na 'JK' it means na sakanyang iyon...

Pumunta na siya sa dorm nila. Isa pa kanina pa niya nararamdam ito dahil nga nabitin siya at kailangan niya itong ilabas. 'Shit!' he cursed. He is aroused. I should stay away from her...

"Andito na rin si Jk---" saad ni Jh ngunit hindi niya ito napansin dahil nasa isip lng niya ay he needs a cold shower.

Ngtataka naman ang dalawa Rm and Jh dahil sa ikinikilos nito. Ganun din kay Gian na katabi lng nila at himalang hindi natutulog.

'Ano bang meron sa araw na to?' parehas nilang iniisip... Ang we-weird ng mga tao!

*
*
*

May klase na ulit ngayong araw nilipat na kami sa ibang room dahil ayaw na ng section namin sa classroom namin. Pumasok si sr. isaac with his usual strict look.

"Meron tayong mga bagong transfer students" pgkasabi niya noon ay may tatlong students na pumasok. 4 girls and 1 boy.

Malas naman nila napgtransferan nila ay may pinapatay. So malas din pala ako? Pero bakit parang pamilyar sila sa akin? Saan ko ba sila nakita?

"I am Michelle Anne Conde . Please take care of me" she said with a hyper tone

"My name is Cristal Jane Falcon" mas normal naman siya mgpakilala kaysa dun sa nauna. Mukha siyang matured

"Nathan Sandoval" walang emosyon na sambit nito at nakatingin sa akin. Sa akin? Pero agad din siyang tumingin sa iba. Saglit lng ngtama ang mata namin. Did he say nathan? Teka that name... Di naman siguro baka coinsidence lng na parehas ng name niya sa nabanggit kong name sa torture room.

Lunch time

"nagugutom na ako" nakapout na sabi ni Sun. papunta na kami sa canteen....ang terror tlaga ng math teacher na yun sumasakit lalo ulo ko sa equations.

"WAIT!" biglang may sumigaw kaya naman napatigil kami ni Sun.

"Pwedeng sumabay?" mabilis si Michelle na tumakbo at kumapit sa braso ko na ikinagulat ko.

"Hindi pwede" si Sun sabay tanggal ng pgkakapit niya sakin

"Taray mo naman! Waaah 😭 huhuhu" bigla itong umiyak ng malakas kaya naman napatigil ang ibang mga studyante sa pglalakad. Meron pangang nabangga sa trash can

Napahawak na lng ako sa noo ko. "Fine tayo na" Oo na lng ako para tapos ang usapan.

"Yey!"ang bilis niyang mgchange emotion😑

Nakita ko namang napasimangot si Sun. Mukhang ayaw niya sa transfer student...

'Awkward' yan ang nararamdaman ko sa lamesa namin. Tanging tunog ng kutsara at tinidor lng ang maririnig dito sa table namin. Walang ngsasalita saamin...

Pero isa tlgang bagay ang nakakainis eh yung tingin nung Nathan. Ano bang problema niya?

Nauna akong na tapos at tumayo ako kaya napatingin sila sa akin. "San ka pupunta?" sabay na tanong ni Sun and Michelle kaya ngkatinginan sila. Napakunot naman ako ng noo

"Babalik na ng room" me

"Sabay na tayo!" mabilis na kumapit ulit si Michelle sakin. What the? Feeling close agad? But I can't say no, she's too cute! Yeah right mahina ako sa mga cute na bagay. Pero di ko yun pinapahalata.

Nagulat naman ako ng may kumapit sa kabila. "Tara na Angel" si Sun

😑😑😑

Tinanggal ko ang pgkakapit nila para silang mga tuko!

"Mainit! Problema niyo?" at nauna na ako sa pglalakad pero alam kong sumusunod sila.

"Yan tuloy" michelle

"kapit ka kasi ng kapit!" inis na sabi ni sun

Haaaay angulo na ng mundo!  



*************END OF CHAPTER*******************

FOUR SIDE OF MEWhere stories live. Discover now