Malaya

1 0 0
                                    

Malaya na ba talaga?
Malaya na ba sa mga matang mapanghusga?
Sa mga bibig na walang tigil sa pangaakusa?
Sa mga tengang hindi alam ang tama at mali sa pandinig ng iba?
Sa mga isip ng iba na puno ng apila?

Malaya na bang talaga?
Hindi makalakad, makatayo sa sariling mga paa
Hindi alam kung san tutungo
Sa mga tao bang totoo sayo o sa mga taong mabait lang kapag kaharap mo?

Malaya, malaya
Ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagiging malaya?
Yun ba yung kasamahan ng ampalaya?
O isang uri lang ng barya?

Hindi to isang ampalaya
Na kapag sinubukan masusuka ka
Hindi ito yung bagay na masarap
Pero kapag nalaman mo na yung halaga, itoy laging hinahanap

Hindi rin yun isang uri ng barya
Na pede mo na lang ipambayad tuwing umaga
Hindi rin un pedeng pambili ng tsitsirya
At hindi rin yun isang bagay na pede mo na lang aksayahin basta basta

Kalayaan, Malaya
Yun yung bagay na kailangan ng mga taong taya
Para hindi sila makulong sa mundo na puro na lang daya
Para makaranas naman sila ng saya

Oo, sila yung taya
At ikaw ang madaya
Madaya dahil alam mo yung salitang saya
Pero alam mo ba yung salitang 'Pagod na sila' ?

Pagod na sila
Para habulin at intindihin ka
Pagod na sila
Para magpakumbaba sa mga taong wala naman silang mapapala

Kase ako, pagod na ko
Pagod na pagod na ko
Pagod na kong intindihin yung isang katulad mo
Na lalapit lang tuwing may kailangan sa isang tulad ko

Gusto kong maging malaya
Pero pano ako magiging malaya
Kung alam kong parehas lang tayong madaya

Ikaw na peke at ako na totoo
Na lagi na lang naloloko
Sa mga akto mong pakitang tao
At sa mga kilos mong mapanloko

Balang araw ako'y magiging malaya
At hindi na muling magiging taya
Kakalimutan mga mapanakit na mga salita
Iiwasan mga matang mapanghusga

Malaya
Malaya ka na
Mula sa pagkakakulong sa selda
Na pilit ginagawa ng iba
Malaya ka na

_________________________________________________________________

Hanudaw?! Self hanuna?























Just TheseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon