Wala Nang Tayo

1 0 0
                                    

Tama na. Tama na.
Pagod ka na.
Pagod na ko.
Pagod na tayo.
Kaya, tama na.
Naaalala mo pa ba, yung mga oras na walang siya, walang sila, walang iba, dito sa mundo na ginawa nating dalawa?
Hindi ko alam kung tanda mo pa pero sana nman kahit ito lang wag mo na ibasura
Oo, hindi ako yung babae na singganda nila Kathryn Bernardo at Liza Soberano
Hindi rin ako singgaling nila AC Bonifacio at Sarah Geronimo pagdating sa pagsabay sa bawat ritmo ng bawat liriko
Pero ako naman yung babaeng iba kung kikilalanin mo pang todo
Wala akong baong ganda at talento
Pero kaya kong makipagsabayan sa pagsusulat ng mga tula, tulad na lang nito na ginagawa ko para sayo

Pagod ka na
Pagod na rin ako

Pagod ka na
Dahil alm ko na may mahal ka nang iba
Pagod ka na
Dahil alam ko na hindi mo na kaya
Pagod ka na
Dahil alam ko
Alam ko. Na pagod ka na sa isang tulad ko
Pagod na rin ako
Hindi dahil sa may mahal ka nang iba
Pagod na ko
Hindi dahil hindi mo na kaya
Pagod na ko
Hindi dahil sa alam ko na pagod ka na na humawak pa sa isang relasyon na tulad nito
Pagod na ko
Hindi dahil hindi na kita mahal, kundi dahil pagod na ko na makita kang pilit na kumakapit sa lubid ng relasyon nato kahit paputolputol na ang bawat hibla nito
Pagod na kong umasa na pede pang maayos ang mga nasirang bahagi nito
Pagod na kong isipin na baka, baka pwede pa, kahit ilang segundo o kahit ilang minuto

Pero tama na
Pagod ka na
Pagod na ko
Pagod na tayo
Hindi na muling maibabalik pa yung dating ikaw at ako
Hindi na pwede yung ikaw at ako na magigiing tayo
Kase advance akong magisip
Alam ko na kapag may tayo
Maaaring parehas tayong panalo, pwede rin namng pareho tayong talo
Na ayokong mangyari kase pagod na tayo
Tayo. Tayo. Tayo.
Natatawa akong isipin na nagkaroon ng tayo
Sa mundo na puno ng panloloko
Mahirap mang paniwalaan pero may tayo
May tayo........dati
Dati noong wala pang siya, sila at iba
Dati noong hindi ka pa pagod sa samahan nato
Dati noong hindi pa ko pagod na umasa na san pwede pang ibalik sa dati ang nasirang mundo
Dati noong....noong...pano ba to?
Mahirap ipaliwanag pero ang sakit kapag ayan na, kapag kaharap mo na
Walng may gusto
Pero itinadhana ni kupido
Itinadhana niya na pagtagpuin
Pero iniba ni tadhana at tayoy nagiba ang direksyon

At dahil dito
Tama na
Mula sa panaginip
Na hindi na ulit pwedeng maisip
Mula sa sakit
Na sana hindi na muli maulit
Mula sayo
Na sana hindi na muling makilala at ako sayoy maakit
Tama na
Pagod ka na
Pagod na ko
Wala nang tayo

_________________________________________________________________

Drama ni self, hindi naman naging sila

Hindi nga alam na nage-exist ka self, dina-drama mo

Just TheseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon