JPR

0 0 0
                                    

Mahal kong Jose P. Rizal.
Una sa lahat gusto kong tanungin kung kamusta ka na ba?
Hindi naman lingid sa iyong kaalaman na parang binabalewala na ang sakripisyo ng mga bayani para sa bayang Pilipinas.
Ang pinaglaban mong wikang Filipino ay nahahaluan na ng mga banyagang salita.
Alam kong hindi naging madali para sa iyo na lumaban gamit lamang ang sariling isip, talino at pagka-Pilipino pero ngayon tila wala nang nababahala na sakupin tayo dahil sa makamodernong panahon ngayon.

Pangalawa, gusto kong magpasalamat sa iyong sakripisyo, sa iyong sakripisyo na nakkalimutan na ng karamihan.
Salamat dahil nagawa mong ipaglaban ang talagang atin na ngayon pilit namang itinatakwil.
Salamat dahil hindi mo sinukuan ang mga Pilipino na katulad ko, hindi ka natakot na lumaban para sa tama, pero heto at nasasakop na ang ating bayan ng mga maling akala.

At pangatlo, patawad.
Patawad kung hindi namin nagawang panindigan ang pagiging isang Pilipino.
Patawad dahil para na naming itinataboy ang sariling atin na pinaglaban ninyo.
Patawad dahil wala akong magawa para patuloy pang tangkilikin ang wikang pinaglaban mo noong panahon ng digmaan.
At patawad sapagkat hindi ko nagawang magpasalamat noon dahil wala akong kaalam alam sa iyong sakripisyo at presensya. Kaya mahal kong bayani.
Mahal kong Jose Rizal.
Salamat sa iyong katapangan na patuloy kong hahangaan.

___________________________________________________________________

Again

Knock knock

: Who's there?

JPR

: JPR who?

Jose Protacio Rizal

Hehe

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just TheseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon