Itong tula na ito ay para sa mga taong pilit na naghahanap ng katuwang
Dito sa mundong ibabaw dahil iniisip nila na parang wala nang pupunan sa bawat puwang
Sa bawat pangangailangan at bawat kulangHindi ako matalino pero dadaanin kita sa paraang alam ko
Dadaanin kita sa mga asignaturang masyadong kumplikado
Hindi ko alam kung paano sisimulan ito pero kailangan kaya hetoSimulan natin sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Oo, hindi ako matalino
Pero bakit kapag nakikita kita nakokonsensiya ako
Nakokonsensiya ako hindi dahil may kasalanan ako
Pero dahil alam kong nahulog na ako sayo
Hindi ko alam kung paano
Hindi naman siguro to kilos loob
Dahil wala akong kamalay malay na sayo pala ako tataobMatematika
Asignatura na puno ng mga mahika
Lilituhin ka sa umpisa
Pero darating at darating ka sa punto na maiintindihan mo rin na ang bawat numero
Ay pwede palang samahan ng ibat ibang letra mula sa alpabeto
Parang ikaw na pwede palang samahan ng isang ako
Pero anong magagawa ko kung hanggang kaibigan lang talaga tayoAraling Panlipunan
Akala ko talaga sa simula pa lang ikaw na at ako forever
Pero paano magkakaroon ng forever kung ayaw mong maniwala na pwede tayo together
Naniniwala ako na ang babae ay sa lalaki lang at ang lalaki ay sa babae lang
Pero paano kung sayo pa lang marami na kong kaagaw
Maraming nang lalaki na nagiging babae at babae na nagiging lalaki
Pero alam ko
At naniniwala ako
Na balang araw mapapansin mo rin na merong ako na nageexist at pilit na naghihintay kahit wala namang nagpapahintay at ayaw namang magpahintayScience
Gumagana ang adrenal ko sa tuwing nakikita kita
Hindi man ako tumakbo ng isang milya
Para tayong dalawang magnet
Ikaw ang South at ako ang North
Na kahit anong pilit
Ay hinding hindi magdidikit
Kahit mata ko pay ipikit
At manalangin na sana pwede yung tayo kahit man lang sa panaginipTLE
Dito pa lang talo na ako
Dahil dito hindi ako marunong magtahi o di kayay magluto
Pero para sayo kayo kong gawin kahit ano
Dahil eto lang ang alam ko
Para makuha ang atensyon mo
At kahit papano magtagpo ang ikaw at akoEnglish
Sa pagbuo pa lang ng isang pangungusap
Nahihirapan na ako hindi dahil bobo ako
Kundi dahil iisa lang ang alam kong english na salita
'I love you' sa tagalog mahal kita
Mahirap man pero maniwala ka
Kahit isulat ko pa sa isang papel gamit ang kahit anong pansulat na may tinta
Mahal kitaMapeh
Marunong akong sumabay sa bawat ritmo ng bawat liriko
Marunong alamin ang pagkakaiba ng siya mula sa ako
Pero isa lang ang hindi ako marunong at yun ay sayo akoy magloloko
Iguguhit kita gamit ang aking mahiwagang kamay
Iguguhit sa isang malawak na papel
Para kahit papano masabi mo na sa buhay mo meron din pala akong papelFilipino
Abakada
Aanhin ko ang iba kung ikaw lang talaga
Babalikan aking mga alaala nung ako sayoy nagpapakatanga
Kakalimutan ka sa paraang alam kong tama
Dadaanin ko na lang ito sa pagtawaPero alam mo ba kung ano yung pinakamasakit
Yun ay yung nakalimutan kong may recess at lunch pa pala
Hindi ko naisipang magpahinga
Kaya heto ako napagod at tumitigil naPero pagdating ng uwian
Doon ako natigilan
Noong lumapit ka at tinanong mo kung kailan natin uumpisahan
Itong pag-ibig na wala na sanang katapusan
Dun pa lang alam ko na sa sarili ko naOo hindi ako matalino
Pero para sayo gagawin kahit ano
Dahil dito sa panibagong mundo
Ikaw naman ang subject ko
Na pilit iintindihin
Para mauwi sa forever kung tawagin natin___________________________________________________________________
Guys knock knock
: Who's there?
Forever mo
:Forever mo who?
Ikaw..yiiieehh
BINABASA MO ANG
Just These
RandomRandom thoughts lang po, so don't judge. Huwag mong basahin kung lalaitin lang din. Jokeee lang po. Every writers creations depends on their own critics, and it's all of you, the readers. So judge as long as you want po, I don't mind. P.S. Im not ho...