Chapter One
First timer ako sa Japan. Kalalapag pa lang ng eroplano pero kaylangan na namain agad magtrabaho. Wala pa akong kaalam-alam, arigatou at sayonara lang ang alam kong nihongo at hindi ko alam kung paano sasabak sa trabaho.
Sumali ako sa isang all-gril-band bilang vocalist at isang oportunidad ang sa amin ay kumatok, isang 6-month contract sa Japan. Although hobbyist lang ako, at hilig ko lang talaga ang pagkanta, iniwan ko ang trabaho ko sa opisina at nagempake patungong Japan.
Sa una kong pagtun-tong sa Omise o club sa ingles, napasabak agad ako sa pag-table. Hindi ko na ikinagulat na magta-table ako kahit na isang singer ang ipinunta ko dun at hindi G.R.O. Ganun naman talaga yun, dagdag kita rin naman.
Inaamin kong mababa ang tingin ko sa mga babaeng nag-ja-Japan, NOON. Ganun naman ang halos karamihang isip ng mga pinoy sa mga babaeng japayuki. Nabago ng experience ko sa Japan ang aking paniniwala. Sabi nga sa aming naging seminar bago kame nakalipad, ang ibig sabihin ng japayuki ay going to Japan. Ibig sabihin kahit ang paring mag-ja-Japan ay ang tawag ay JAPAYUKI.
Naalala ko ang minsang usapan namin ng aking bestfriend habang pareho kameng nakababad sa bath tab at nag-o-opuru.Mahal sa tingin mo anong tingin sa atin ng mga tao sa Pilipinas? – Khei
Malamang masama ang tingin sa atin sa Pinas, alam mo naman kung gaano kadumi ang tingin ng mga kapwa natin sa mga nag-ja-Japan. – Yuna
Hindi ka ba nag-aalala sa iisipin sayo ng ibang tao ate? – Khei
Hindi naman Mahal, kasi ganito yan eh. Kahit anong tingin sa atin ng ibang tao, ang importante dun eh kung ano talaga tayo. Hindi naman nila alam kung ano ang talagang ginagawa natin dito eh. – Yuna
Ganun na nga, wala naman tayong ginagawang masama eh, pero ang mga mata nila mapanghusga. – Khei
Huwag mo na isipin ang sasabihin nila. Hindi importante ang tingin nila sa atin. Ang importante kung paano natin inalagaan ang mga sarili natin dito. Kahit pa tayo na ang pinaka-masamang tao sa paningin nila, basta tayo hindi natin ini-level ang mga sarili natin sa mga iniisip nila. – Yuna
Pero kahit pa maging malinis tayo, iba pa rin ang nasa isip nila. – KheiGanito na lang mahal, respeto na lang. Kung hindi tayo kaya respetuhin ng mga tao sa paligid natin, basta tayo sa sarili natin, huwag natin aalisin ang respeto natin sa sarili. Yun ang mahalaga at pinakaimportante, kankenai (walang akong pakialam) sa kanila. – Yuna
RESPETO, yan ang hindi ko inalis sa sarili ko. Di bale ng walang kita gabi-gabi basta naging malinis ako at patas sa pagtra-trabaho. Never kong ginamit ang katawan ko para lamang kumita ng lapad o Yen o ng anumang bagay na kaya ko naman magkaroon sa malinis na paraan. Sabihan na nila akong maarte or ireklamo pa nila ako sa tenchu (manager) namin, basta yun ang pinangako ko sa sarili kong hindi ko aalisin sa akin, ang respeto.
Uy Yuna kamusta date? – Yuki
Ayos lang. – Yuna
San kayo nagpunta? – Yuki
Nanood lang kame sine. – Yuna
Weh? – Yuki
Eh di wag ka maniwala, hindi naman kita pinipilit eh. – Yuna
Arte mo naman. Nagmamalinis ka pa. Eh di ba crush mo yun si sensei (teacher)? – Yuki
Oo crush ko, pero dapat ba nun may iba na kameng gagawin? – Yuna
May mga time na mga usapang nagkakatampuhan kame ng mga kasama ko sa omise. Pero hinahayaan ko na lang sila sa mga gusto nilang sabihin at sa gusto nilang gawin. Pare-pareho naman kameng nag-tra-trabaho, kanya-kanya lang ng diskarte diba?
Dalawang buwan na rin ako sa omise at may ilan-ilan na rin akong okuyoksan, o customer sa ingles. May mga kano pa nga at ibang lahi. United nations na nga matatawag ang aking mga nakasalamuha sa omise. Hindi ko inaasahan na sa Japan ko makikilala ang lalaking muling magpapatibok ng aking puso.
Hajimimashite, watashi no namae wa, Yuna desu. Yuroshiku!
(Hello, my name is Yuna. Nice to meet you!)Hai, hai. Yuroshiku. Suwatte.
(Yes, yes. Nice to meet you. Please sit down.)Namae wa nandesu ka?
(What is your name?)Namae wa Yohei.
(Name is Yohei.)Galing ako sa isang nabigong relasyon bago ko pinasok ang pagba-banda, sabi ko sa sarili ko na wala dito sa Pilipinas ang swerte ko kaya hindi ko na pinagdalawang-isip na tanggapin ang kontrata patungong Japan. Hindi naman ako kapit sa patalim, nais ko lang takasan ang Pinas, makasakay ng eroplano, makakita ng snow at makarating ng Disney Land.
Naging mailap si Yohei dahil alam nya ang mga likaw ng bituka ng mga talentong pinay. Nahirapan akong paniwalain syang iba ako. Nung una ko syang maupuan, lasing na lasing sya. Halos tinulugan nga lang ako eh. Hindi ko nga alam kung maalala nya ang pangalan ko matapos ang unang gabi ko sya makita.
- itutuloy
BINABASA MO ANG
Maharu Kita (Aishitemasu)
Romancelove knows no boundary, love conquers it all, love is blind, love is sacrifice. we all know that when love strikes, even the strongest person retreats. let's see how a filipina talent and a pure japanesse man fought their incompatabilities, their di...