Chapter 8
Nakabalik na nga ako, nasa Pilipinas na. Ilang buwan na rin ang nakalipas mula nang makauwi kame. Ang pag-asang makabalik sa Japan ay hindi na rin natupad ng mabalitaan naming nagsara na ang club kung saan kame nakapirma ng contract. Nakansela na rin ang aming visa dahil wala naman na kameng trabaho pang babalikan sa Japan.
Ilang buwan na rin ang nakalipas ngunit ni isang balita ay wala na akong narinig mula kay Yohei. Alam naman nya ang address ko dito sa Pilipinas, ang aking tunay na pangalan, ang landline. Balik opisina na ulit ako ng hindi na kame nakabalik sa Pilipinas. Kasabay ng mga buwan ay ang pilit kong kalimutan si Yohei ngunit lalo lang akong pinahirapan ng konting pag-asang hindi ko mabitaw-bitwan.
Hindi ko pa naman talaga confirmed na wala na nga si Yohei. Hindi rin naman ako masagot tenchu sa tuwing tumatawag ako sa kanya para makibalita. Hindi ko rin magawa ang tawagang ang pamilya ni Yohei ganun din ang mangilan-ngilan nyang kaibigang nakilala ko. Wala naman akong mga number ng mga yun.
Isang gabi dumating na lamang ako sa aming bahay na walang ibang ginagawa kundi ang redial ang number ni Yohei sa aking cellphone ngunit tulad ng unang beses ko itong tawagan bago pa lumipad ang eroplanong sinasakyan ko pauwi ng Pilipinas, hindi ko pa rin ito macontact. Kaya lalo nitong pinagtibay ang paniniwala kong wala na si Yohei, at kasalanan ko ang lahat.
Jodi andito ka na pala. - Mama
Kadarating lang po. Bihis muna ko bago ko kakain ma. - Jodi
Oh sige. Nga pala may package ka, inilagay ko sa kwarto mo. - Mama
Package? San galing? - Jodi
Walang return address pero sulat hapon ang... - Mama
Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni mama ng takbuhin ko ang aking kwarto sa pag-asang baka kay Yohei nanggaling ang package na tinutukoy nito. Nakita ko ang isang maliit na kahon sa ibabaw ng aking drawer. Nilapitan ko ito at napatunayan ngang galing ito sa Japan. Ibinaba ko ang hawak kong phone at ang aking bag at kinuha ang kahong naka-address nga para sa akin ngunit walang pagkaka-kilanlan kung kanino ito galing. "Yohei." sambit ko sa sarili.
Kasabay sa dahan-dahan kong pagbukas ng kahon ay ang pabilis ng pabilis na pagtibok ng aking puso. Ilan lamang ang laman ng kahon, isang wari ko'y plane ticket, isang maliit na pulang kahon, isang envelope at dyaryo ng Japan.
"Ano ba ang uunahin kong tignan dito?" Naisip nyang kunin ang pulang kahon, "Hindi kaya sing-sing ang laman nito?" May ngiting dumungaw sa aking mga labi. Ramdam kong galing ito kay Yohei. Hindi ko pa tuluyan nabuksan ang kahon ng bigla kong naisip tignan ang laman ng envelope. "Pera kaya ang laman nito or sulat?"
Pagkabukas ko ay isang sulat kamay na liham ang aking nakita.
Mahal ko,
This is my first time to write this kind of letter. I know this is too sudden because we only just meet, but for that short span of time I felt something different that I haven't felt to any body.
I love you, very much. I cant explain the feeling but I am willing to take the risk, change myself and be with you forever. I may not know what this decision will bring me. I haven't heard from you that you love me too, but nevertheless, this is my only chance to show and prove my love for you.
I wrote you this letter because I was lack of courage to tell you this in person, and I know that you may not understand some of my words. Again I love you in spite of our differences and incompatabilites and beliefs, but none of these will matter as long as we love each other.
Will you marry me Jodi Evangelista?
Love,
Yohei Takanashi
Abot hanggang langit ang aking naramdaman ng mga oras na yun. Dahil sa excitement ay agad kong kinuha ang Plane Ticket na kasama sa package. Marahil plane ticket ito para sa akin dahil babalik na ako ng Japan kasama ang lalaking pinakamamahal ko. Laking tuwa kong hindi pala nawala si Yohei, hindi sya namatay. Dinampot nya ang ticket at binuksan ito. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mga nakasulat dito.
Passenger Name : Takanasi Yohei
Flight Date : February 5, 2012
Narita Airport, Japan - NAIA Internationa Airport, Philippines
Departure Time : 10:55am (JPN Time)
Arrival Time : 1:55pm (MNL Time)
Hindi ako nagkamali sa aking nabasa. Para kay Yohei ang ticket na aking natanggap at ang date at time na nakasulat dito ay ang date at time ng flight namin pabalik ng Pilipinas. "Hindi maari." Naalala kong ang dyaryong kasama sa package. Dali-dali ko itong kinuha. Katakana ang sulat dito. Kung paano ko ito maiintindihan ay hindi ko alam. Naisipan ko na lamang intindihin mabuti ang date ng dyaryo. Kung hindi ako nagkakamali sa pagkakaunawa ko sa date ay isang araw ito makalipas ang pag-uwi ko sa Pinas, 06 February 2012.
Wala man akong maunawaan mula sa nakasulat dito, tinignan ko na lamang ang mga larawang madali naman maintindihan dahil colored naman ito. Nasa front page ako ng dyaryo natuon, isang malaking larawan ang nandoon, malinaw ang nakasaad sa larawan na isang aksidente ang naganap. Isang private vehicle ang bumangga sa isang malaking truck. Wala man ako maunawaan sa ibang detalye ng balita, pero isa lang ang alam ko, sasakyan ni Yohei ang private vehicle na kasama sa banggaan.
Hindi ko na mapigilan ang aking nararamdan at kumawala na ang buo nyang emosyon. Nalunod ako sa kalungkutan at mga luha ko'y hindi ko na pagilian ang pagtulo. "Ngunit ang sulat? anong ibig sabihin nga sulat? Marahil ginawa nya rin ito bago pa ang akisidente. At itong laman ng kahon na ito, marahil ay ibibigay nya dapat sa airport ng huli ko syang makausap."
Binuksan ko ang maliit na pulang kahon na aking hawak, laking gulat kong wala itong laman.
Asan ang laman nito? Baket wala?
Ito ba hanap mo?
Isang boses mula sa kung saan ang narinig nya. Tagalog ang salita nito ngunit hindi sya maaring magkamali, kilala nya ang boses na ito. Pero paano? Ngayon malinaw na sa kanya ang lahat, na wala na ang lalaking mahal nya.
Mahal ko.
Muling sambit ng boses. Nababaliw na ata sya. Dala ba ito ng kalungkutan kaya naririnig nya si Yohei.
Yuna mahal ko. Jodi Evangelista aishiteruyo.
(Yuna my love. Jodi Evangelista I love you.)
Hindi na sya nagkakamali. Totoong si Yohei na ang naririnig nya? Pero ayaw nya pa rin maniwala. Hindi na lamang sya nakaimik ng isang yakap mula sa kanyang likuran ang bumalot sa kanya, isang yakap na pamilyar at hinding-hindi nya makakalimutan.
Yuna, aitayo honto ni.
(Yuna I miss you very much.)
Yohei?
Oo Yuna, ako nga.
Demo doushita?
(But how?)
BINABASA MO ANG
Maharu Kita (Aishitemasu)
Romansalove knows no boundary, love conquers it all, love is blind, love is sacrifice. we all know that when love strikes, even the strongest person retreats. let's see how a filipina talent and a pure japanesse man fought their incompatabilities, their di...