Chapter Four
Yuna, aishiteru yo.
(Yuna I love you.)
Mga katagang hindi sa akin nagpatulog ng isang gabing binisita nya ko sa omise. Hindi ko sya nagawang sagutin ng oras na yun. Hindi ko rin kasi in-expect na ganun magiging kabilis ang aming love story. Though mag isang buwan na rin kameng nagkikita sa omise at nagde-date sa labas. Napakarame na rin nyang nabili para sa akin at nadala nya na rin ako sa iba’t-ibang lugar sa Japan.
Hindi ko malilimutan ng dalhin nya ko sa Tokyo Disney Land dahil naging sanhi ito ng una naming tampuhan. Matapos nya ko mahatid mula sa aming pamamasyal ay isang message ang sinend nya sa akin.
I will not see you again Yuna. This is the last time. I am sorry. – Yohei
English sya kung makipagusap sa akin sa messages dahil alam nyang hindi pa ako marunong gaano magbasa ng sulat nila at ng salita nila. Kaya intending-intindi ko ang message na pinadala nya sa akin ng gabing yon. Pinagsakluban ata ako ng langit at lupa nung oras na matanggap ko ang message nya. Parang kanina lang sa Disney ay ang lambing-lambing nya sa akin. Ibinili nya pa ko ng mga souvenir. Hindi ko alam kung baket sya nagbago kaya dali-dali ko syang nireplayan.
Why Yohei, is there anything wrong? – Yuna
Hindi na nya ko nireplayan. Ang dame-dame ko ng messages na sinend sa kanya at sinubukan din syang tawagan ngunit hindi nya ako sinasagot. Sorry ako ng sorry sa kanya kahit hindi ko alam ang aking naging kasalanan.
I miss you Yuna, but why are you not talking to me while we are in Disney? You even sleep on my car on our way to Tokyo and even on our way home. – Yohei
Matapos ang isang linggong paghihintay, nasabi na rin ni Yohei sa akin ang dahilan kung baket nya ko gustong hiwalayan. At totoo naman ang kanyang sinabi, hindi ko talaga nagawa syang kausapin habang namamasyal kame. Hirap na hirap din kasi akong kausapin sya habang magkasama kame dahil mangilan-ngilan pa lang ang alam kong nihongo nun.
Sorry but I don’t know how to talk to you in Japanese so I just kept quiet. – Yuna
I can understand english even I can’t speak well, you should try talking to me so you won’t fall asleep. – Yohei
Gommenasai Yohei. I don’t mean to do that. I’m just too shy to do so. Aiteru yo. Please come back, I am waiting for you. (Sorry Yohei. I don’t mean to do that. I’m just too shy to do so. I miss you.) – Yuna
Napatawad naman ako ni Yohei, naramdaman nya naman na sincere ang sorry ko. Dahil sa nangyaring hindi naming pagkakaintindihan ay nagsikap ako mag-aral ng salita nila ngunit ito par rin ang dahilan kung baket hindi ko sya nasagot ng gabing magtapat sya sa akin. Ang aming pagkakaiba sa maraming bagay. Magkaiba ng lahi, ng salita, ng sulat, ng ugali, ng halos lahat. Oo mahal ko din sya, gusto kong ipagsigawan yun pero hindi ko magawa dahil natatakot ako. Paano na lang kapag naging kame? Paano ako tatanggapin ng pamilya nya?
Mayaman si Yohei, may sarili syang business. Kaya marameng naglalaro sa isip kong pwedeng mangyari kapag ipinilit ko na magkaroon kame ng relasyon. Isa lang akong talent sa isang club at alam ko kung paanong pagtingin meron ang mga hapon sa katulad ko. Pero alam ko naman na mahal ako ni Yohei at hindi nya ko tinitignan bilang isang babaeng club.
Ginalang ako ni Yohei at never nag take advantage sa akin. Isa ng patunay nun dinala nya nga ako sa Disney na kahit natulog ako sa sasakyan nya ay hindi nya pinagsamantalahan ang pagkakataong dalhin ako sa bahay nya o sa hotel. Ganun din sa mga time na pinamimili nya ako ng mga gamit o padala ko sa Pilipinas, matapos nya ko maihatid sa apartment namin ay pinadalhan ko sya ng message.
Why are you not kissing me after our dates? – Yuna
Why do I have to? – Yohei
You bought me almost everything I want and you brought me to the places I wanted to go. You deserve even a single kiss. – Yuna
Buying you things or bringing you to places doesn’t mean that I should take advantage of you. Time will come for those things, not now. – Yohei
Kaya ganun na lamang ang pagmamahal ko sa kanya dahil ramdam kong espesyal ako sa kanya at hindi isang mababang babae ang tingin nya sa akin. At the same time hindi rin naman ako nag-ta-take advantage sa kanya. May mga oras naman na tinatanggihan ko ang mga alok nya lalo na’t para na ito sa pamilya ko dahil obligasyon ko naman ang mga yun at hindi sa kanya.
Kaya ng mga oras na nagtapat sya sa akin ay magkahalong takot at saya ang naramdaman ko. Nagtatalo ang aking puso at isip pero magkagayunman, nanaig pa rin ang tawag ng aking puso, mahal ko sya.
BINABASA MO ANG
Maharu Kita (Aishitemasu)
Lãng mạnlove knows no boundary, love conquers it all, love is blind, love is sacrifice. we all know that when love strikes, even the strongest person retreats. let's see how a filipina talent and a pure japanesse man fought their incompatabilities, their di...