CHAPTER 12

179 2 1
                                    

Chapter 12

Lily's POV

Naalimpungatan ako ng mga alas tres ng madaling araw at makaramdam ko ay tuyo't na tuyo't ang aking lalamunan kaya bumangon ako at naglakad papuntang kitchen. Gigisingin ko sana si monica para magpasama kaya lang ang sarap ng tulog nya pati narin nila mark rhon at veljohn kaya nagtuloy tuloy nalang ako sa paglalakad.

Ilang minuto lamang ay narating ko na rin ang kitchen at dumiretso sa lagayan ng baso at kumuha ng malamig na tubig sa ref, kasalukuyan akong umiinom ng tubig ng bigla akong may narinig na kaluskos galing sa back door kaya sinilip ko ito at nakita ko sya.

"Anong ginagawa mo dyan sa likod ng ganitong oras?" Tanong ko sakanya.

"I hear something noise here kaya chinicheck ko kung may tao ba rito." Paliwanag nya.

"Bakit ikaw lang magisa dapat may kasama ka dahil delikado lalo na may umaaligid na serial killer dito." Paliwanag ko sakanya.

"Nagising kasi ako and i feel thursty kaya kukuha sana ako ng water papasama sana ako sa mga ka roommate ko kaya lang masarap na ang tulog nila kaya ako nalang ang nagpunta magisa rito." Mahabang litanya nya.

"Same lang pala tayo." I answed back.

"Samahan mo ko tignan dito kung ano yung naririnig kong kaluskos kanina." Sabi nya kaya sinamahan ko nalang sya at habang naglalakad lakad palinga linga kaming pareho at ng may biglang pumalo sa ulo ko at bumagsak ako sa lupa at nakita ko pa syang nginitian ako at kinaladkad somewhere then every thing went blank.

-----

Nagising ako at nakaramdam ng hilo at may konting likidong malapot na tumutulo mula sa ulo  ko tatayo sana ako pero nakatali pala ang mga kamay at paa ko sa upuan kaya nilingon lingon ko ang aking paningin madilim sa lugar na to at tansa ko ay mga alasingko palang ng madaling araw dahil tahimik parin ang lugar, namalayan ko na lamang na nasa isang luma at maalikabok na kwarto ako,magtataka sana ako ng maalala ko ang nangyari sakin, sisigaw sana ako pero puro ungol lamang ang naririnig ko hanggang sa mapagtanto ko na nakabusal pala ang bibig ko.

Nang biglang bumukas ang ilaw at makita ko sya na nakangiti saakin.

"Hows your sweet dream darling??"  Sabi nito ng nakakaloko.

"Hmmmmmmff!!!" Ungol ko habang masama ang aking tingin sakanya.. Siguro kung talagang nakakamatay ang titig baka patay na tong hinayupak na to. Humanda ka pag nakawala ako dito mapapatay kitang hayop ka.

"Wag kang maingay baka magising sila." Sabi nito na tumatawa ng pagak na ikinasama lalo ng aking tingin.

"By the way nakikita mo ba yang pintuan na yan??" Sabay turo nito sa nakasaradong pinto.

"Pagbumukas yan gagalaw ang tali na nasa pinto at yang bagay na nasa itaas ng ulo mo ay babagsak." Sabi nya at tinignan ko nga ang nasa itaas ng ulo ko at nanlaki ang mata ko ng makita ang isang higanteng bolang bakal na my spike, tiyak na pagbumagsak yan sa ulo ko ay madudurog ang bungo ko. Hanggang sa tumulo nalang ang luha ko.

"So pano nyan maiwan na kita baka magising na sila at hanapin ka, mahirap ng masira ang mga plano ko. O sya bye!! Sabi nito na ikinagulat ko dahil akala ko bubuksan nya ang pinto pero laking gulat ko ng nakita ko ang isang lagusan na nasa mismong loob ng lumang cabinet kaya na nakahinga ako ng maluwang.

-------

Brix POV

Yahooo!!!!! Nagkaroon rin ng POV, salamat sayo beautiful author😙

(Author: walang anuman.😊)

"Magandang umaga"  bati ko sa mga kasama ko na nasa sala na na tinugunan naman nila at agad akong sumalampak sa upuang pang isahan.

Revenge Of The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon