CHAPTER 23

236 2 4
                                    

Steffany's POV

Tahimik akung nakaupo sa aking higaan habang nakatitig sa labas ng bintana, nakakapanibago lang talaga na wala na si monica. Kahit ganun naman ang ugali nun mabait pa rin sya kahit na maging nakaangil yun sa bawat oras eh mahal ko parin yun. Kababata ko ito kaya masakit pa rin saakin ang pagkamatay nito. Kapatid na ang turing ko kay monica dahil lagi syang nandyan kapag kailangan ko ng makakausap at lagi syang nandyan kapag kailangan ko ng karamay at masasandalan sa bawat oras na feeling ko wala na akong makakapitan, kahit na pangit ang lumalabas sa bunganga nito pag dating sakin lumalambot ito. Ngayon sino nalang ang kakapitan ko sa oras na ito?? Oras na malaman ko talaga kung sino ang pumatay sa best friend ko sisiguraduhin kong ako mismo ang kikitil sa buhay nito. Napakarami na nitong pinatay, ang masaklap wala kaming alam na dahilan para gawin samin to, ang pagkakaalam ko ay maayos kaming lahat at walang alitan ngunit heto iniisa-isa na kami ng walang pusong killer na yun.

"Hey steff tara na sa baba kakain na." wika ng isang lalaki.

Bumalik ako sa aking wisyo at tinignan ang taong nagsalita. Si gustav lang pala, napabuntong hininga ako at agad na nginitian ito ng pilit.

"Mauna na kayo, busog pa kasi ako." walang ganang tugon ko at muling tumingin sa labas ng bintana at tinitigan muli ang paggalaw ng mga halaman sa nagtataasang puno.

"Kagabi ka pa walang ganang kumain, baka magkasakit ka nyan." nagaalalang saad ng binata.

"Bababa na lamang ako pag nakaramdam ako ng gutom." tugon ko na hindi man lang tinignan ito.

"Alam mo tiyak hindi matutuwa si monica sa ginagawa mo. Kung nabubuhay pa ito tiyak bubulyawan ka nun." pabirong sagot nito na ikinapatak ng aking mga luha.

"Wala kayong alam kung ano ang nararamdaman ko. Wala na yung nagiisang taong nakakaintindi sakin, kaya pwede ba iwan mo na ko!!!! Gusto kong mapag-isa so please leave me alone!!!" bulyaw ko rito, natahimik naman ito ng sandali hanggang sa muli itong magsalita.

"Sige baba ka nalang pag nagutom ka, advice lang ha kung gusto mong makasurvive sa lugar na to magpalakas ka at makipagtulungan samin kesa magmukmok ka dyan. Sige na alis na ko pasensya na sa pangungulit ko." malungkot na sagot ng binata.

Aalis na sana ito ng maisipan kong mali ang ginawa ko kaya nagpahabol ako ng salita bago ito makaalis ng kwarto.

"Sorry gustav, give me some time masakit pa rin kasi yung nangyari. Pasensya na ulit." saad ko na ikinalingon nito.

Revenge Of The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon