CHAPTER 19

223 3 0
                                    

Sofie's POV

Nagising ako sa mga mahinang pagtapik sa aking mukha, minulat ko ang aking mga mata at nakita ko si jaypee may bitbit na isang tray na naglalaman ng pagkain at tubig.

Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama at nginitian ko ito.

"How's your feeling?" nagaalala nitong sagot.

"I'm okay now." sagot ko na kunwari'y malukot, dahil ang totoo ay sinadya kong ipakita sa kanila ang damit ni khevin upang malaman nila na wala na ito.

"I'm sorry sis, sana maaga natin hinanap si khevin ng hindi nangyari ito." malungkot na saad nito.

"Don't blame yourself walang ibang dapat ibang sisihin sa nangyari kung hindi ang killer." sagot ko sabay tulo nanaman ng aking luha dahil sa bigat ng aking nararamdaman, kahit kating-kati na kong sabihin sa kanila kung sino ang mga killer ay hindi maaari.

"Sorry ulit sis." nakayukong saad nito ng nakayuko, napansin ko ang kanyang mga luha na patuloy tumutulo sa kanyang suot na pantalon, sa sobrang guilt ko niyakap ko na lamang ito at hinagod ang kanyang likod upang mapagaan ang kanyang loob dahil sinisisi nito ang kanyang sarili, alam ko rin na hirap na ito sa mga nangyayari ngunit wala lang talaga itong magawa.

"Hwag ka ng umiyak, okay na ko at makakamove on din ako, I just need to be alone for a few moment." sambit ko at humarap sakanya.

"Are you sure?" tanong nito sabay punas sa kanyang mga luha.

"Yup" sagot ko ng nakangiti.

"Okay, then eat this ako nagluto nyan." saad nito sabay lapag ng bitbit nitong tray.

"Yeah I will." sagot ko naman ng nakangiti.

"Oh sige kumain kana at lalabas na muna ako para makakain at makapag pahinga ka na ulit, baba ka nalang pag okay na ang pakiramdam mo." wika nito at tuluyang ng lumabas ng silid.

Nang makaalis na ito ay kumain na ko, naluha nalang uli ako dahil sa bigat ng mga nararamdaman ko, nagawa kong saktan ang lalaking mahal ko at ngayon patuloy naman akong nagsisinungaling sa mga kaibigan ko, hindi ko na alam ang mga gagawin ko parang gusto ko nalang sumuko pero hindi maaari. Ayokong matapos lang ng ganito ang buhay ko kaya kailangan kong lumaban.

"Oh bakit ka umiiyak?" tanong ni killer 1 na kasama si killer 2, ni hindi sumagi sa isip ko na magagawa ng mga ito ang paglaruan kami basta basta, ni sa panaginip parang hindi magagawa ng mga ito ang karumal-dumal na pagpatay sa mga kasama namin.

Revenge Of The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon