CHAPTER SEVEN

6.9K 173 2
                                    




•CHAPTER SEVEN


SCARLET'S POV



        SUMUGOD kami sa hospital. Hindi ko alam kung pano kami nakarating, basta't ang alam ko'y halos lipadin namin papuntang hospital.



Pagkadating namin ay nasa operasyon pa si Andrius. Tila ba nawalan ako ng lakas ng marinig ko ang kwento ng Nurse.




Mayroon daw kasing kotse na naka-salpukan si Andrius. Warak ang BMW niya, at halos hindi na makilala. Buti nga raw at nakita, at nai-report agad ang aksidente sa pulis, kung hindi.. Kung hindi.. Napa-upo ako ng tuluyan sa may sahig.




“Anak, Kumalma ka, please! Malakas na bata si Andrius, lalaban siya.” Pagaalo sa'kin ni mama.



Tumango ako, “Mama, malakas s'ya. Malakas si Andrius. Hindi n'ya ko pwedeng iwan mama. Hindi. Hindi.” napahgulgol ako ng iyak. “Mama, lahat ng magaling na doktor sa ospital natin, kailangan nilang tumulong. Mama, iligtas natin si Andrius. Please. Please.” pagmamakaawa ko.





Nagpipigil ng luha si mama, habang pilit akong pinapatayo. Tanging iling lang ang nagawa ko, dahil wala talaga akong lakas tumayo. Parang mayroong sumasaksak sa puso ko. Sobrang sakit.





Mahal na mahal ko talaga si Andrius. Simula bata pa lang kami, ay s'ya na lamang ang pinagtuunan ko ng pansin. Naging isa sa mga pangarap ko ang makasal sa kan'ya. He was my prince charming. He was everything good; the meaning of love in my life.




“Oo anak. Hindi natin papabayaan si Andrius. Hindi natin papabayaan ang asawa mo.” saad ni papa.




Asawa. I used to love hearing that word. Dahil ako— ako ang asawa ni Andrius. Napangasawa ko ang taong hinahangaan at mahal na mahal ko.






———

    FLASHBACK¹


“Pre, jackpot tayo sa mga batang 'to. Puro anak mayaman, Hahaha!”




“Sinabi mo pa! Hindi lang milyones ang kayang ibigay ng mga magulang ng mga 'yan tiyak! Maliligo tayo sa pera!”



Napahalakhak ang dalwang lalaking armado ng malalaking baril. Lalong nabalot ng takot ang mga bata at nagsiksikan sa isang tabi.




Sa isang sulok ay may isang batang umiiyak. Natanggal na ang isang pigtails n'ya, at namumula ang maputi n'yang mukha dahil sa pag-iyak. Nagmukhang kawawa lalo ang batang babae dahil sa malaki nitong mga mata na puno ng mga luha. Mukha itong manyika.




Pre, Saglit. Tingnan mo 'yong batang iyon, ang ganda. Baka pwede nating paglaruan..” Napakiskis ang kamay ng lalaki, habang malagkit ang tingin sa musmos.



Parang naramdaman ng bata ang mainit ng tingin ng manyakis na kidnapper, kaya lalo s'yang bumalahaw ng iyak. She was only five, but her gut was telling her na masasamang tao ang mga ito.




“Ne, Gusto mo ng kendi?” Pagtatanong nila rito, pagkalapit nilang dalwa sa bata.



Umiling ang batang babae. “I want to go home! Mister, i miss my parents."



"Uy tingnan mo nga naman oh, english spokening! Hahaha!"



"Gusto mo makita mga magulang mo? Pwede naman akong maging tatay mo. Maglalaro lang tayo! Hahahaha!"




Napatigil ang pag-tawa nila ng may humarang sa batang babae. "Why don't you pick on someone your own size? Tsk!"  Masungit na saad ng batang lalaki.




He saw what was happening, and he stupidly ran in to save the girl. Naawa kasi s'ya dito. He knew, and even if he was just eleven he wanted to defend the little girl. Lalaki s'ya, kahit pa sabihin mong bata pa lang s'ya, ay mas defenseless ang babaeng bata.




"Aba't! Gusto mo atang makatikim?" Naiinis na ang lalaking kidnapper.




"I'll fight you,if you so much touch a single hair on her head!" Sabi ng batang lalaki, na hindi natatakot. He even made eye contact with the kidnappers to emphasize his words.




Strangely enough, nakaramdam ng takot ang mga kidnappers masyado na kasing matalim ang titig ng batang lalaki. Nakakakilabot na.





"Hoy! Asan ba kayo? Hinahanap tayo ni Boss!"





Nagkatinginan ang dalwang kidnappers, at napagdesisyunang umalis na lang. A good decision, because if they decided to persist, then The little boy won't hold back either. The little boy was already a black belter in Karate, muay thai and kick boxing.





Napasama lang s'ya sa mga na-kidnap dahil pinaamoy sila ng chloroform.






"Don't cry anymore. The bad guys are already gone." Malumanay na sabi ng batang lalaki. He silently rubbed the little girl's back in comfort. His little heart had already hurt enough with the sight of her tears.





"Thankyou." nahihiyang sabi ng batang babae, habang pinapahid ang luha n'ya. "Ako si Scarlet, what's your name?"





The little boy smiled. Good. Her name was cute. Parang katulad lang n'ya. "I'm Andrius Wang, and i'll protect you for all my life."

The Hot Professor Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon