Chapter2

7 0 0
                                    

Matapos ang araw na yon ay nagkulong nalang ako sa bahay.

Parati kong napapanaginipan yung nangyari sakin kaya mas pinili kong dumito sa bahay. Limang araw na rin akong hindi kumakain.

Madalas akong nakakarinig ng iba't ibang mga salita tulad ng "Gutom ka na............ Bakit? Hindi mo subukang humanap ng makakain?" "Bakit, hindi ka maglibot sa labas at kumuha ng makakain?" Pero mayroon talaga syang sinabi na nagpabuhay aa kinakalam kong sikmura "Si Kamill, ginamit nya lang si Zeke para mag ka balikan sila ng ex nya" at dahil doon ay dali dali akong naligo at nagbihis para makapaghiganti sa panloloko nya kay Zeke, kinuha ko ang scalpel sa drawer ni mama dahil nga sa isa syang doktor.

Muli akong tumingin kung saan ng gagaling ang mga boses na iyon at laking gulat ko ng malaman na sa manikang binigay ng matandang pulbi saakin noond sampung taong gulang ako.

Flashback

Bumili ako ng ice cream noon, at dahil nga sa gutom ay bumili ako ng tatlo nagkataon namang may nakita akong pulubi.

"Nanay? Baka hindi pa po kayo kumakain? Kung gugustuhin nyo po ay ibibigay ko sainyo ang isa kong ice cream" -magalang kong tanong sa matanda

Tumango sya at kinuha ang isa sa aking mga ice cream.

"Maraming salamat ah?"

"Walang anuman po"

"Kung iyong gugustuhin ay ibibigay ko sayo ang manikang ito na magpapawi ng uhaw sayo balang araw"-sabi saakin ng matanda

Hindi ko man sya lubusang naintindihan ay tinanguan ko sya at nginitian bilang pasasalamat

---

Nakarating ako sa inuupahan na apartment ni Kamill ng saktong alas nuebe ng gabi. Hindi naman ganun kahirap pumasok dito sa lugar nila dahil hindi naman mahigpit yung guard konting gilit lang sa leeg ang ginawa ko para mapatulog sya tyaka sya pinabayaan doon at mamaya na sya proproblemahin, malinis naman ang pagkakapatay ko sa kanya kaya ganun na lang ang aking saya.

Dahan dahan akong pumasok sa pintuan ng apartment ni Kamill ng hindi nya man lang namamalayan, pumasok ako sa loob at hinanap sya, una ko syang hinanap sa kusina at ng mapagtanto na wala sya rito ay nakangisi akong dumiretsyo sa kwarto nya. Naabutan ko syang natutulog ng mahimbing gamit ang panyo ko ay maingat kong binusalan ang kanyang bibig upang hindi sya makasigaw. Inilabas ko ang scalpel at buong lakas na ibinaon sa leeg nya at inikot ikot ito sa loob nang maramdaman ko ang buto dito. Nakita ko syang dumilat at tumutulo ang luha, umuungol din ito pero ipinagsawalang bahala ko na lang. Kinaladkad ko sya patungong banyo para maging malinus ang krimen na aking ginagawa.

Pag karating namin sa banyo ay buong lakas ko syang iniuntog sa sahig na nagdulot ng pagkamatay nya. Dahan dahan kong hiniwa ang tyan nya para kunin ang mga laman loob at iluto ito para sa aking hapunan na hindi pa tapos. At dahil gutom na gutom na ako ay kinuha ko na lang ang bituka at ilang mga karne dito para mas maging mabilis at makakain na. Binuksan ko anf shower at umalis na siniguro ko rin na walang nauwang finger prints para hindi ako mahuli ng mga pulis. Isinilid ko sa plastic bag ang mga karne at bituka na nagmukhang binili ko sa palengke kahit gabi na.
Pagkarating ko sa bahay ay agad kong hinanap ang cooking book ni mommy para makapagsimula na, binuksan ko ang gas at nagsimula ng pakuluan ang mga sariwang karne at bituka. Hababg naghahanap ako sa cooking book ng magandang lutuin ay napansin ko ang caldereta pwedeng pwede ito sa karne at ang bituka naman ay pwedeng iprito na lamang at gawing snaks, bagsalang nadin ako ng bugas upang magkaroon ng kanin. Isinagawa ko na ang aking mga dapat gawin at kumain na nang mapawi ko ang aking gutom.

-Elizaida

A/N: Thanks for reading!! I really appreciate it!



A Cannibal AdventureWhere stories live. Discover now