Sorry

198 8 0
                                    

Sabay kaming lahat kumain ng agahan pero para sa'ken parang ako lang mismo ang nasa hapagkainan. Sobrang tahimik tanging mga kutsara at tinedor lang ang naririnig ko. Kaya naman napasulyap ako sa mama ko na tila nakapansin din pala sa katahimikan. Bigla naman nagsalita ang kuya ko na siyang kinabasag ng katahimikan.

"Ashy, ano yung nabalitaan kong may sinampal ka raw kahapon? totoo ba ito?" tanong ng kuya ko kay ashy. Napatingin naman si ashy sa'ken nasa mukha nito ang takot.Aba marunong pala 'to matakot.

"Hindi po yun totoo kuya,chismis lang po yun! Di ba ate?" nagulat ako sa sinabi ni ashy. Sinungaling talaga 'tong batang kahit kailan. Tsk.

''Ah-eh, opo kuya! At tsaka bakit naman po niya gagawin yun eh, vice pres. po siya ng student council. Makakaapekto ho ito sa kanya.'' sabi ko nalang.

"Kung sabagay tama ka. " -kuya

Pagkatapos namin kumain ay sabay sabay na kaming nagsitayuan at nagpaalam na kina mama at papa para pumasok na sa school.

"Paolo, ingat sa pagmamaneho."-papa

"Yow!" -kuya pao

Duh! Ayos ng sagot ah,uso na pala ngayon ang walang galang!

"Ate sorry nga pala kahapon at thank you kanina ." sabi ni ashy sa'ken. Kakainis katabi ko pala ito dito sa backseat. Buti na lang nakaearphone 'tong si kuya kaya hindi  narinig si ashy.

Mas mabuti siguro di ko muna kakausapin itong kapatid ko di pa ako naka get over sa ginawa niya kahapon. Yung kanina actually hindi ko talaga intention na magsinungaling kaso kailangan eh,nasa hapagkainan kami ayoko na din ng ingay sawa na ako.

Pagkatapos maipark ni kuya ang kotse ay bumaba na agad ako hindi ko na sila  liningon pa.

Mas lalo pa ako nabuwesit ng makita ko ang nawawalang anak ni herodes na si joshua na nagbabantay sa gate. ABA! himala 'to.

"Panget I.D mo! " nakagat ko ang lower lip ko sa sobrang inis. Nakita na nga niya suot suot ko ang I.D tapos tinatanong pa niya. Ibang klase talaga pag demonyo ang kaharap mo.

Dirediretso lang ako sa paglalakad bahala siya sa buhay niya.

"Ay sorry suot mo pala I.D mo, sa pagkakaalam ko kasi 'Pag panget walang I.D' hahaha."  

O eh di wow!

"Anong nangyari sayo bat nakabusangot ka?"nagulat ako nang may biglang sumabay at nagsalita sa tabi ko.

"Ah, ikaw pala Mika! Ahmm ano kasi may nakita akong kampon ni satanas kanina!"sagot ko kay mika

"Really? Where? May buntot ba? Nakakatakot ba ang itsura?"sunod-sunod na tanong ni Mika saken.

Napabugtonghininga na lang ako sabay tingin kay Mika. "Wala yun! Pasok na tayo sa loob."

"Okay." sabi na lang nito.

Habang nagsusulat yung english teacher namin sa blackboard ako at ang mga kaklase ko naman ay may sinasagotan sa libro. Halos tahimik ang buong klase. Grabe iba talaga pag nasa sec. 1 ka kailangan focus ka at naku bawal ang einie minie mo.hah! 

"You only have 5 mins. to finish your seatwork." sabi ng teacher namin habang nagsusulat parin sa blackboard.

"Ay! Grabe pa'no kaya niya nalaman na 5 minuto nalang samantala hindi naman siya tumingin sa wristwatch niya!" bulong sa'ken ng katabi kong si Mika.

Dahil sa sinabi ni Mika napatawa ako ng malakas. "HAHAHAHA---

"Ms. Sanches!"- sigaw ng teacher ko sa'ken.

"Sorry po Maam." sagot ko sa teacher habang pinipigilan parin ang pagtawa. Ganun talaga ako mababa lang kasi kaligayahan ko.

"Oi Mika joke ba yun?" 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Back to THE ONE(VERY SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon