43

580 30 24
                                    


*DINGDONG* *DINGDONGGGG*DINGDONGGGGGGGGGGG*

"Wait a minute!" sigaw ni Kyungsoo.

Potangina, bulong niya sa sarili. Sino ba naman kasi iyong hampas lupa na nagdodoorbell.

Inis siyang nagmartsa papunta sa pintuan at padabog na binuksan ang pinto. Halos malaglag ang puso niya ng makita kung sino iyong taong hampaslupa na nagdodoorbell

"Babe. I'm sorry"

At sino pa nga ba ang tumatawag sa kanya ng Babe? Yes, Tama. Si nognog nga.

Ang malaking mata ni Kyungsoo ay mas lalo pang lumaki.

"Ginagawa mo dito?" kunot-noong tanong niya.

Ngumiti naman si Jongin, iyong ngiting may halong lungkot. "Happy Birthday, na miss kita."

Ah kaya pala ang rami niyang dala. Naalala pa pala niya, sabi ni Kyungsoo sa kanyang isipan.

"Ah. Di mo pa ba nakalimutan? Tsk" bitter niyang sabi

"I'll explain. Please."

Bumuntong hininga siya at pinapasok si Jongin sa loob ng condo niya.

Nilapag naman ni Jongin ang kanyang dalang cake, isang box na mukhang regalo niya para kay Soo, tatlong balloon na heart at bouquet of flowers.

Umupo si Kyungsoo sa couch at umupo naman si Jongin sa harap niya.

"Alam ko na nagiging cold ako."

"Ah noh? Buti alam mo."

Sumimangot si Jongin. "I was planning on something. Kaso di natuloy dahil nandito ka sa NYC."

Tumaas naman ang kilay ni Kyungsoo

"I was going to surprise you for your birthday kaya nagkaganon ako."

Umirap si Kyungsoo "Tss. Luma na yan. Ang sabihin mo, may bago ka ng nakitang babae."

"Aba! Porket nagiging cold, may babae na? Di ba pwedeng may pakulo lang."

"Ulol! May nagsend sakin ng picture. May sinunsundo kang babae!"

Kumunot naman ang noo ni Jongin. "Ha? Babae?"

Tumayo si Kyungsoo at may kinuha sa drawer. Ibinato naman niya ito kay Jongin.

Isang picture. Oo, pinadevelop pa talaga niya iyong picture.

"Fuck, Jennie. Tsk." inis na sambit ni Jongin. "Well, pinsan ko siya okay? May family gathering kami at that time at inutusan ako ng parents ko na sunduin siya. Wala naman akong choice at tutal pinsan ko rin naman iyan. Hindi ko siya babae, okay? Kung gusto mo, tawagan ko pa siya o di kaya ay iyong pamilya ko."

Nagulat si Kyungsoo at kumunot ang noo. "Pinsan?!"

"Naging cold ako sayo, dahil may pakulo nga ako. Gusto kitang sorpresahin. Kaya nireject kita sa offer mo kasi nagp-prepare ako. At iyang tinutukoy mong babae ko, pinsan ko iyan."

Biglang natigilan si Kyungsoo. "Iyong lang pala yun?!"

"Pinaabot mo pa talaga ng matagal, Babe. Namiss kita ng sobra bwesit." malungkot na sabi ni Jongin. "I'm sorry. Di ko naman sinasadya at di ko naman inaakala na ganyan ang maiisip mo. I'm sorry"

Napabuntong-hininga si Kyungsoo at niyakap si Jongin. "Sorry, ang drama ko."

"It's okay, Babe. Happy Birthday!"

Kinuha ni Jongin iyong box at binigay kay Kyungsoo.

Agad naman itong binuksan ni Kyungsoo.

"Each strip of paper ay message ko iyan para sayo."

Napangiti naman si Kyungsoo pero bigla siyang sumimangot ng may nakita siyang di ka aya-ayang bagay.

"Tangina mo talaga nognog!"

Isang picture lang naman ang nakita niya. Pictute lang naman ni Jongin...... na nakahubad.

"Surprise!!" at tumawa siya ng ubod ng lakas

"Hayup!"



One Message Received [ChanBaek FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon