Prologue / Entry 1

355 4 4
                                    

Ang Storyang ito ay kathang isip lamang ng writer (mahirap na baka sabihing gaya-gaya!). Na inspired din siguro kaya nakagawa ng storyang ganito. XD

 Bago pa akong writer dito kaya pagtyagaan niyo sanang basahin. Sana ay magustuhan niyo kahit hindi man siya kagaya ng sa iba na super-duper bonggang bongga pero ginawa ko pa rin ito ng may puso <3 (patay na siguro ako pag wala nun...bwahahah)

P.S. pag pasensyahan niyo na rin ang mga “wrong GRAMMING este wrong grammar”, “typographical errors” at “iba pa” sa storya na ito. Kaya kailangan ng patnubay ng magulang upang ma koreksyonan….xoxo ^^

When Vanity Strikes

Sinulat Ni 143SuperBOY

PROLOGUE

Sa isang click nagbabago ang ating kapalaran..

Minsan masaya,

Minsan gusto mo nang iluwa ang iyong mga mata maibsan lang ang hapdi na iyong nararamdaman

Ngunit kahit mag end of the world pa man

O kainin pa si Superman ng mga langgam

Ang buhay mo ay nakasalalay sa iyong mga desisyon

Kaya sa bawat Yes at No  na iyong pipiliin

Isaisip lagi ang mga kaakibat na kalalabasan

Kaya chill lang,

Mag smile,

At mag pose.

Coz our lives starts......

When Vanity Strikes.

Entry 1.

Introduction

“Tonyang!!!

Bumangon ka na…”

Iyan lagi ang bumubungad sa akin tuwing umaga.

Para bang human alarm clock.

Hindi ko naman ma patay patay.

Pero joke lang..

Hindi ko papatayin ang Uncle ko.

Mga readers!

Ako nga pali si “Antonia Bretilda Czechoslovakia Anak Ng Aking Mama At Papa (kanino pa ba??)  Na Iniwan Ako Nung Bata Pa aka Tonyang Cruz”.

In short ako si Antonia Cruz. Echos lang yung iba!

Isang on the way na College Sophomore student na walang ibang magawa kundi kumuha ng picture sa aking sarili.

Oo! Kahit hindi ako masyadong maganda, kinukunan ko lagi ang aking sarili.

Bagong gising man o nakaligo na.

Ewan ko ba. Mahal ko kasing itong digi cam ko eh.

Gusto ko lang talaga picturan sarili ko. Wala lang, pake mo??heheh

“Picture ka nalang ng picture diyan, bumangon ka na at magluluto ka pa” pabulalas na sigaw ng Uncle ko.

4:00 AM.

Iyan ang oras na ginigising ako ng aking Uncle.

“Hahay. Buhay nga naman”,buntong hininga ko habang dahan dahan na tumayo sa aking kama.

Ang aking Uncle at Aunty na ang nagpalaki sakin nung iniwan ako ng aking ina sa kanila.

At ang ama ko? Ewan. Iniwan ang aking nanay at sumama sa iba.

When Vanity Strikes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon