Entry 4

78 0 0
                                    

When Vanity Strikes

Sinulat Ni 143SuperBOY

Entry 4.

Bumagsak na ata ang lahat ng mga anghel sa langit nang lumapit si Joshua sa akin.

UUWWWAAAA… =)

Ngayon hawak pa rin ng aking bestfriend ang t-shirt ko..

“Ano ba best?? Huhubaran mo ba ako dito??” sabay tabig ko sa kanya.

“Eto namang best friend ko kung maka tabig sa akin wagas. O sige na…Kayo na mag usap ng ANO MO….”

JXDBFJDBJSBZGIUEKEA!! (nag ingay nalang ako para hindi marinig ni Joshua ang sinasabi ni Jen) ….”Huwag ka nang maingay jan JENNIFER AQUINO!!”,tarantang taranta na talaga ako.

“Uyy.. Supermodel andito ka pala??”

 

“Heheh… Oo,sinamahan ko kasi ang best friend kong eto eh..”

 

“Best??Bakit supermodel tawag niya sayo??” bulong sa akin ni Jen ngunit halata namang linakasan niya na maririnig parin ni Joshua.

Natatawa at nahihiya ako sa tanong nitong best friend ko.

“Ahhh…. Sa amin nalang iyong ng best friend mo.”confident na sagot ni Joshua na ikinagulat ko talaga.

“HAHAHAHA… Kayo ha!! May pa secret secret na kayong nalalaman..”,nilakasan na naman ni Jen ang pagsigaw na ikinahiya ko na naman..

“Ano ba best… Nakakahiya na dito sa loob… Pinagtitinginan ka na ng mga tao oh!!”,at yumuko nalang ako na hindi na talaga makatingin kay Joshua.

When Vanity Strikes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon