Entry 7 (the rush ENDING)

62 0 0
                                    

When Vanity Strikes

Sinulat Ni 143SuperBOY

//Entry 7. ENDING

“Oh ano nang isusuout mo mamaya sa Graduation ball?”, nakatitig siya sa akin habang hinahaplos ang hibla ng buhok ko.

“Ewan!”

“Ano? Di ka ba naghanda?”

“Siyempre biro lang. Basta makikita mo mamaya.”

“Dapat maganda ka ha!”, sabay tingin niya sa langit habang gumuguhit sa kanyang mukha ang mga ngiti na nagsasabing magsasama kami habang buhay.

“Antonia?”

“Ano?”, tumititig siya ngayon sa akin.

“Mahal kita.”

Sa pagbigkas niya ng mga katagang iyon ay biglang bumalik sa aking alaala kung paano ko siya minahal.

Ang nasa tabi ko ay si Tristan Niall Araneta. Nakahiga kaming dalawa ngayon sa lilim ng isang puno. Graduation na bukas at sabay kaming gagraduate. Siya ang lalaking nagpaintindi sa akin na ang pag-ibig ay parang camera. Pag masaya ka sa harapan nito ma dedevelop ang napakagandang imahe.

Si Tristan nga pala yong lalaki na kaklase ko sa English noon na dahilan ng pagkakita ni Jesriel kay Jen na nag pose. Galit nag galit si Jen nun.

Si Tristan din ang pilyong lalaking ginulat ako sa aking paglalakad at ang lalaking nakatabi ko sa bus. Ngunit ang kapilyuhan niya ang nagpabago sa akin ng ganito, ang magmahal ng sobra. Korny noh? Pero yun ang totoo.

Ilang buwan na nanligaw si Tristan sa akin noon. Ngunit ang panliligaw niya ay hindi isang simple lang.

Isa na rito ay ang palagi niyang pagpapahuli sa klase. Sinabi niya na ginawa niya iyon para lagi niya akong makita na nakatingin sa kanya. Araw-araw nagkakatitigan ang aming mga mata. Parang baliw kami nun pero kinikilig pa rin ako sa tuwing naaalala ko ito. Panay ang ngiti ko sa tuwing magkikita kami.

Sa pangyayaring iyon nakita ko sa kanyang mga mata ang napakabuti niyang kalooban.

Nakilala ko rin siya kalaunan at nanligaw siya gamit si Joshua.Oo, si Joshua ang ginamit niya sa panliligaw. Maniwala man kayo o hindi.

Ang weird no! Ewan ko ba. Alam niya siguro na may gusto ako kay Josh ngunit sa tuwing si Josh ang nagbibigay ng mga bulaklak at tsokolate sa halip na siya ay pakiramdam  ko ay siya pa rin ang nagbibigay.

Unti unting nawala ang pagka crush ko kay Josh habang nagugustuhan ko na si Tristan. Nanligaw na rin siya sa akin ng personal. Sinabi niya na ginawa niya iyong weird na panliligaw para malaman kung mapapamahal ba raw ako kay Josh at kung mangyari man iyon maligaya na siya para sa akin.

Pasalamat ang gagong to at siya ang mas nagustuhan ko.

Napagtanto ko na hindi lahat ng nagugustuhan mo ay mapapasaiyo. May mga bagay lang talaga na alam mong gusto mo ngunit may ibang mas karapat dapat sa puso mo.

At iyon naging kami nga ni Tristan.

JEN’s POV

Now Playing “Genuine Love by Kolohe Kai”

“Are you happy with me, I just wanna know

is this laughter for real, or is it just for show?

I wanna know , is this genuine love, genuine

is this genuine love?

“Ang tagal naman ni Tonya nilalamok na tuloy ako dito”, mahinang sabi ko habang  pinipitas ang mga bulaklak na nasa center table.

When Vanity Strikes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon