Entry 5

53 0 0
                                    

When Vanity Strikes

Sinulat Ni 143SuperBOY

In the succeeding entries pag pasensyahan niyo na lang po ang English grammar. Focus more on the story nalang. BWAHAHAH..

Entry 5.

Napakalamig ng panahon nang iunat ko ang aking mga kamay habang humihikab.

Mga bandang 3:30 ako nagising bago pa man marinig ang human alarm clock ko.

Salamat naman at hindi pa siya nagising. Ang sakit din sa tenga eh. Alam na ninyo sino!

Pagkatapos kung ayusin ang aking kama ay bumaba na ako para makapagluto na sa kusina.

Inspired din siguro akong maagang magising ngayon dahil pasukan na mamaya.

Marami na namang gwapo na higher years at cute na mga freshmen.

Siyempre ang my beloved din na si Joshua. Now kalandian activated.bwahahah..XDD

Kumuha ako ng manok sa ref at breading mix.

Fried chicken ang iluluto ko ngayon para madaling matapos.

Hindi naman nagrereklamo ang tatlong yon eh. Kain lang alam nila.

Nasanay nang walang ginagawa.HAAAY..=_=

Bago ko linuto ang manok ay inuna ko muna ang kanin tapos sinunod ko na ang pag fry nito.

Mga 4:00 na nang maihanda ko ang pagkain sa mesa.

Nag init na rin ako ng tubig para sa kape nila.

Maya maya tumunog ang cellphone ko at may natanggap akong text message.

Kinuha ko ang phone sa aking bulsa at binasa ito.

“Good Morning BFF. Handa ka na ba mamaya? Excited na ako.”, si Jen pala nag text.

“P.S. Wag na wag magpapakita yang Jesriel sa akin mamaya. Kundi makikita niya”, nakasulat sa dulo nang i-scroll down ko ito.

Alam na din pala ni Jen na doon papasok ng college ang pinsan ko. Kanino pa ba niya malalalaman?? Ede sa ever chikadora nya ding BFF. :D

“Kitakits nalang mamaya best..^^”, yun lang reply ko sa kanya habang naglalakad papunta sa kwarto ng Aunty at Uncle ko para pababain na sila.

Kakatok palang sana ako sa pinto nang biglang bumungad sa akin ang ever halimaw kong Uncle.XD. Pagkabukas palang niya ng pinto ay nakataas na ang mga kilay na wari ba’y leon na ilang taon nang gutom na gustong kumain.

Ganyan naman siya lagi. Ningitian ko na lang siya at nag greet ng good morning sabay peace sign.

Inisnob niya lang ako at tumungo na papuntang kusina.

Ganun din ang ginawa ni Aunty na nasa likuran lang niya kanina.

Nasabi ko nga sa sarili ko na scripted yata sila araw araw eh. Pare parehas ng trip. Snob party lang te??!!

Habang kumakain sila ay pumunta na ako ng banyo para MALIGO.

Try niyo kumain sa banyo!:D.

Di nga rin ako sumasabay sa kanila diba?? O.o

SPLASH!!

 “ANG LAMIG NAMAN”, sigaw ko habang bumubuhos ng isang tabo ng tubig sa aking katawan.

Feel free lang akong magsisigaw sa banyo dahil dito lang ako hindi pinapagalitan.

Wala ring nakakarinig kaya.

When Vanity Strikes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon