Entry 3

114 0 0
                                    

Heto na naman ako NAGBABALIK!!bwahahah.. …na e-excite talaga ako pag nag ko-continue ng entry sa wattpad..Ito lang naman kasi inpirasyon ko sa totoong buhay…para ngang kasintahan ko na itong wattpad eh..XD….Sana talaga ay suportahan niyo ito....^^

Ang walang katapusang P.S.

Mahirap talaga mag isip ng bagong twists sa storya kaya kayo na mag husga nito…(kisses)

When Vanity Strikes

Sinulat Ni 143SuperBOY

Entry 3.

“ Bukod kay Jennifer eh ang digi cam ko na rin ang aking pangalawang Best Friend.

Saan man ako magpunta ay dala dala ko ito.

Sa mall, sa school at maging sa wattpad..

( Teka lang..Joke lang yung sa wattpad...XDDDD )

Para bang twin sister ko na nga eh.

Pwede ko pa lang paliguan ito ay naisama ko na din sa pool at shower..heheh

Bigla akong nahimasmasan sa pagpapakilala ko sa aking digi cam sa inyo ng may narinig akong tunog…

PPPPPPAAAAAAAKKKKKKKK…

Gulat na gulat ako ng hahampasin na sana ni Jen ng sandals ang aking pinsan ngunit nahawakan ni Jesriel ang magkabilang kamay nito.

“Aba, ang tapang naman nitong babaeng ito. Huwag ka nang makipag away! Gusto mo kiss nalang kita?”pabirong sabi ni Jesriel.

Ngunit parang nangyari na ito noon nang may nakaaway kaming lalaki ah. Si Jen na naman ang nagtanggol sa akin.

Di ko makakalimutan ang nagyari noon kaya nanindig ang aking balahibo ng maalala ko ulit iyon.

Alam niyo ba anong nangyari?

Nabugbog lang naman ni Jen ang lasing na lalaki na nangbastos sa amin.

Sa lahat, ayaw na ayaw kasi ni Jen na nababastos siya at lalo na ako. Siyempre what are bestfriends for?XD

Para sa inyong impormasyon mga readers si Jen kasi ay hindi lang basta maganda at simple.

Anak lang naman kasi siya ng isang Taekwondo trainer. Siyempre bilang anak nito tini-train siya para maging “bar tender”.

Bwahahaha…este Taekwondo player pala.

Eto namang pinsan ko ngayon nag aangas-angasan, hindi kasi alam kung sinong kinakalaban.

“Bitiwan mo nga ako. Kung hindi babaliin ko talaga yang mga buto mo”,pulang pula na si Jen nang sinabi niya iyon.

“Babaliin mo? Naku naman. Ayoko nyang offer mo. Hug nalang kasi”,gigil na sagot ni Jesriel habang pilit na kino-cross ang arms ni Jen na para bang gustong mayakap ito.

“Jesriel, bitiwan mo na si Jen. Hindi nalang din ako aalis para wala nang away”, sabi ko sa kanya sabay fake smile.

“Eto namang pinsan ko oh, ngayon pa nga lang gumaganda ang eksena tsaka mo naman sisirain. Mamaya na. ang seksi kasi nitong bestfriend mo eh. Susulitin ko pa ang time na magkasama kami.”bulalas na naman ni Jesriel habang higpit na hinahawakan si Jennifer.

Kaya yon. Wlang anu-ano ay naging Super sayan si Jen at nag kamehame wave kay Jesriel. Siya ay tumapon sa Earth at na dissolve na parang Surf Powder..bwaahahaha.

Hindi biro lang. Dahil mukhang naaawa na ang pinsan ko kay Jen kahit hindi naman bagay sa kanya,bigla niyang binitiwan ito at linapag ang digi cam ko sa sahig.

When Vanity Strikes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon