M7D Sixteen

70 6 3
                                    

Iyah's POV...

"So... Anong plano?" Tanong ko sakanila. Hindi parin sila makagetover na dumating na ulit ako.

"Iniisip na namin kung paano tayo makakasurvive sa Pilipinas." Sabi ni Namjoon Oppa.

"Ang harsh mo Hyung. Parang sinasabi mong—"

"Hindi yung yung ibig kong sabihin J-hope. Bibigyan tayo ni PD-Nim ng budget pero di naman tayo sigurado kung sakto yun sa pangpaconcert natin dun. This is a challenge. We have to take responsibility." Banggit ni Namjoon Oppa. Tiningnan ko sila. Lalo na si Jungkook na parang wala lang sakanya ang nangyari sa aking pagbabalik.

Nakakalito ka talaga, Kookie...

"Iyah, diba sabi mo may mga alam ka? Since dun ka naman nakatira simula bata ka. May suggestions ka?" Tanong ni Jin Oppa.

"Meron dun malapit lang siya halos sa Mall Of Asia kung saan kayo nagconcert noon? Luneta Park. Maraming tao na naglalakad dun and pwede natin makuha atensyon nila. Kilalang kilala naman na kayo so di tayo mahihirapan niyan. Kaso, ang kailangan lang natin barriers. Baka kasi sugurin kayo sa stage bigla." Sabi ko sakanila. Napaisip sila. Tiningnan ko ulit si Kookie. Nakatitig lang siya sa sahig. Tiningnan ko naman si Suga Oppa.

Pamilyar na pamilyar ang mata niya.

"So, all set na? Pero pano yung babayarin? Magkano kaya yung mga barriers? Kasi syempre tayo bibili nun." Tanong ni Jiminnie.

"May ipon ako. Iniwanan ako ni Daddy ng pangsustento. Pwede na rin yun." Sabi ko sakanila. Inisip ko nanaman si Daddy. Asan na ba siya? Hindi ko pa talaga siya nakikita simula nung bata ako.

"Wag na Iyah. Baka mashort ka pa. Kailangan mo rin yan para sa pamilya mo." Sabi ni V. Nagisip pa kami ng nagisip.

"Bakit hindi nalang natin tingnan pag nandun na tayo mismo sa Pilipinas? Narinig ko kasi na si PD-Nim sasama rin naman at alam kong di niya tayo hahayaan ng ganun ganun lang." Sabi ni Kookie.

"Yun oh! Ang lakas mo talaga makaamoy Maknae!" Sigaw ni Jimin Oppa. Hinawakan nanaman ni Jungkook ang ilong niya.

"Meron pa tayong 5 days bago umalis dito. Siguro magpack up na tayo ng mga gamit." Sabi ni Jin Oppa. Tumayo na ako at pumunta sa kwarto. Inayos ko na ang mga gamit ko. Hindi na ako makapaghintay na makita si Mama at ang kapatid ko. Bigla naman pumasok sa kwarto si Kookie.

"Akala ko hindi ka na babalik." Sabi niya. Gusto kong banggitin na tinulungan ako ni Xeo, pero inisip ko nalang na mas magkakagulo pag ginawa ko yun.

"May mga narealize lang ako. Pasensya na kayo." Sabi ko sakanya. Niyakap niya ako mula sa likod. Hinaplos niya ang buhok ko.

"Wag ka nang umalis ng ganun, Iyah. Pinagalala mo kami. Lalo na ako." Bulong niya sakin. Iniisip ko na makakasira ito ng career niya but at the same time, i just want us to stay like this for awhile. Tinulak ko siya ng konti.

"Oppa—"

"Ah jinjja? Sabi ko hindi niyo ako Oppa. Kailangan ko ng I.D. Or proof na mas matanda ako—"

"Oo na, Kookie." Sabi ko at inirapan siya ng pabiro.

"Iyah! Aigoo! Ah!" Sigaw ni Jin Eomma mula sa labas. Nataranta kami ni Jungkook kaya lumabas kami agad.

My 7 Dwarfs!? [ BTS Fan-fiction ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon