M7D Fourteen

154 6 2
                                    

Author's Pov...

"Iiwan ko na rin kayo..." Haluh gaga! Matapos kitang pagdestined sakanila sasayangin mo at iiwan mo lang sila? Bigla naman lumapit si Jungkook sayo.

"No. Please stay." Pagmamakaawa niya sayo habang hawak niya ang mga balikat mo. Umiling ka naman.

"I wish i could. Pero nahihirapan ako pag nakikita ko kayong ganito. Nang dahil pa sakin." Sabi mo sakanya. Bigla kang nakaramdam ng awa nang may tumakas na luha sa mga ilong— mata niya. Uhog amputa. Wag na nga magjoke otor! Naiiyak na nga readers tas bigla magpapatawa? Ano ka roller coaster? Causing mixed emotions amputa?

Pero seryoso na. Natuwa lang ako masyado.

"Iyah, sorry sa mga nasabi ko kanina." Paghihingi ng tawad ni Jimin. Umiling ka sakanya at ngumiti.

"Totoo naman eh. Hindi naman ikaw nagkakamali sa mga nasabi mo kasi oo... Oo dahil ako yung dahilan kung bakit kayo ganito. Na feeling ko magkakawatak watak kayo ng dahil sakin." Sabi mo sakanila. Hawak parin ni Jungkook ang balikat mo.

"Iyah naman eh..." malungkot na banggit ni Jhope sa pangalan mo. Unti unti mong hinawi ang mga kamay ni Jungkook.

"Tara ice cream? Enjoy nalang natin tong araw na to habang nandito pa ako." Sabi mo bago sila tinalikuran para kumuha ng cups at kutsara. Habang kinukuha mo yon ay bigla ka nalang napahagulgol ng palihim.

• • •

Alas dies na ng gabi at naghahanda ka na ng mga gamit mo. Hindi ka nagalalang umalis sa dorm nila dahil meron ka rin namang dorm. Naisipan mong umalis dun ng 11 ng gabi. Tinext mo naman si Kuyang DMMT.

Hinintay mo ang ilang minuto ay di parin siya nagrereply

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hinintay mo ang ilang minuto ay di parin siya nagrereply. Naisipan mo nalang na baka tulog na siya. Naiiyak ka sa mga nangyayari. Di mo alam kung saan huhugot ng lakas. Ayaw mo naman na maabala mo pa ang mama mo kaya di mo nalang inisip na tawagan siya.

"Tangina naman kasi bakit ngayon pa?" Bulong mo sa sarili mo.

10:30 na nang icheck mo kung tulog na lahat ng members. Pero nakita mong wala si Jungkook sa kanyang higaan. Hinanap mo siya pero wala rin siya sa sala. Nakita mong bukas ang veranda. Nakita mo siya nakatingin sa mga bituin.

"Nunkkochi tteoreojyeoyo tto jogeumsshik meoreojyeoyo..." rinig mong paninimula niya sa kantang i-cocomeback nila.

"Bogoshipda..." bigla nalang ito tumingin sa baba. Halos maiyak ka dahil naalala mo kung paano mo finantasize ang BTS. Kung paano mo sila minahal lalo na yung taong nasa harap mo ngayon.

Naalala mo na sa bawat araw na nakikita mo ang litrato niya ay lalo kang naiinlove sa mukha niya. Naisip mong ngayon na nasa harap mo na siya, bat di mo parin maabot ang pinapangarap mong makasama siya. Habang buhay.

Naisip mong di naman ganun kadaling sabihin na pag nasa harap mo na siya, makaksama mo na talaga siya habang buhay. Dahil isa ka lang sa mga tinuturing niya fan. Isa ka lang sa mga ARMY na gustong makasama ang Bangtan habang buhay.

Hindi mo yon magawa dahil alam mong kailangan rin nilang magkaroon ng buhay kung saan di na involved ang ARMYs. Nakakalungkot isipin pero yun ang totoo.

"Kookie..." humarap agad siya sayo. Nakita mo ang mga mata niyang malungkot. Nakita mo ang mga luhang nasa pisngi niya. Lumapit ka para punasan ito.

"Why do you have to leave? Pano na kami?" Tanong niya sayo. Napailing ka.

"I won't leave. Isa parin ako sa mga ARMYs na sumusuporta sainyo. Susuporta parin ako hanggang sa magkaroon na kayo ng sariling buhay. Ayoko na ako ang dahilan kung bakit ngayon na sumisikat na kayo, ay siyang pagwatak watak ng grupo niyo. Iniisip ko rin ang mararamdaman ng ARMYs. Oo swerte ako dahil makakasama ko kayo ng matagal. Actually sobrang tagal pa. Pero habang maaga pa—" hindi ka niya pinatapos dahil hinalikan ka niya sa labi.

Ramdam mo sakanyang halik ang sabik, lungkot, saya at kung anu-anong emosyon pa. Hindi mo mapigilang umiyak. Dahil alam mong nadala lang si Jungkook sa emosyon niya. Na hindi siya maaaring magmahal ng isang tulad mo na fan lamang. Tinulak mo na siya ng bahagya.

"Hindi tama toh Kookie." Sabi mo at tumingin sa sahig.

"Hindi ko alam ang nararamdaman ko, Iyah. Hindi ko alam kung bakit ang gaan gaan ng loob ko sayo mula nung makita kita." Sabi niya sayo.

"Habang di mo pa alam ang nararamdaman mo para sakin, mas mabuting lumayo na ako para di yan lumala." Sabi mo sakanya. Tumingin ka sa orasan. 11:00.

"Matulog ka na." Sabi mo sakanya at nginitian siya. Umiling siya.

"Ayoko. Baka paggising ko wala ka na sa tabi ko." Sabi niya. Nalilito ka na rin sa mararamdaman mo. Hindi mo masabi na gusto ka na niya dahil napakaimposible naman. Naisip mo na ngayon lang sila nakihalubilo sa isang tunay na ARMY kaya sila nadadala ng emosyon nila. Iniisip mo na imposible ang lahat para di ka masaktan ng tuluyan.

"Matulog ka na. Sasamahan kita." Sabi mo sakanya. Hinila mo na siya papasok tsaka siya tinabihan sa higaan niya. Niyakap ka ni Jungkook. Hinaplos mo ang buhok niya.

"Goodnight... Mahal kong bias."

Jungkook's Pov...

Nagising ako na walang Iyah sa tabi ko. Lumabas ako sa kwarto at nakita ko sila Hyung na naglilinis.

"Hyung? Nakita niyo ba si Iyah?" Tanong ko sakanila. Halos di na ako mapakali.

"Hindi eh. Baka umalis na nga siya." Malungkot na sabi ni Hyung Jin.

"Puta kasalanan ko toh." Banggit ni Hyung Jimin. Napatingin ako kay Hyung Suga. Tahimik siya. Nagiisip rin siya.

Gusto ko siyang sapakin sa mga nangyari pero may respeto ako. At halos ilang years na kami magkakasama ng grupo. Since trainee days pa kami magkakasama ngayong sikat na, maghihiwalay pa ba? Nilapitan ko si Hyung.

"Hyung..."

"Hanapin mo na si Iyah." Biglaan niyang sabi.

"Wag mong hahayaan na mawala siya. Baka malaman ni PD... Habang di pa alam hanapin mo na." Sabi niya sakin.

"Gusto ko lang magsorry sayo." Sabi ko sakanya. Ngumiti ito ngunit malungkot parin ang mga mata niya.

"Ako dapat magsorry. I shouldn't be claiming what's not mine in the first place..." tumingin ako sakanya. Not his in the first place?

"Anong ibig mong sabihin, Hyung?" Umiling siya at ngumiti tsaka ako tinapik sa balikat.

"Hanapin mo na si Iyah." Sabi niya sakin bago tumayo at pumasok sa kwarto niya.

__________

A/N

Okay! Nag update nanaman si Eomma niyo! 😂 Nagbabawi na rin kasi ako ng Chapters. Kasi sobrang tagal kong di nagupdate at naghintay kayo ng SOBRANG TAGAL. Kaya ayun binabawi ko sa maramihang updates!

Doncha worry guys! Tatapusin natin tong journey na toh pero syempre matagal tagal pa noh! Pwe! Hahaha!

Ilabyuol pipol! Mwaaa! 😘

~Halimaw(sa ganda)nster

My 7 Dwarfs!? [ BTS Fan-fiction ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon