M7D Six

564 39 33
                                    

♧ Author's Pov... ♧

"JUNGKOOK!?"

Paktay ka diha. Nataranta naman siya kaya tinakpan niya ang bibig mo at dinala ka sa isang maliit na eskinita.

"Tangina nito. Bakit mo hinila yung mask!" Sabi niya sayo pero ikaw nakatulala padin.

"Ano ba huy Iyah! Hoy!"

"J-jungkook. Omg..."

"Ang kulit mo din eh noh? At hindi ako si Jungkook."

Napa 'weh' look ka sakanya. Pero patuloy siyang nagdeny.

"Ano ka ba... kambal niya lang ako." Bigla kang nagising sa katotohanan nang masabi niya yun.

"Impossible! Alam kong ikaw yan! Bakit mo pa dinedeny?" Patuloy mong pagpipilit.

"Hindi nga eh! Kulit mo! Kambal nga eh! At impossibleng ako si Jungkook dahil kasama niya ang Bangtan ngayon at may ginagawa sila."

"Sige nga! Kung hindi ikaw si Jungkook, anong ginagawa nila ngayon? Importante ba? Yung hindi ba pwedeng makaalis si Jungkook dun? Or baka ikaw nga yan! Tumakas ka lang!"

"Nope. Kasama nila yung Top 2 ngayon at HINDI siya pwedeng mawala dun dahil bonding time nila yun. Now kung ayaw mo pa maniwala, tanungin mo siya kapag nakasama mo na sila ng 6 months. Aish bwiset. At sinabi ko na sayo malaki din ilong ko. Kasi nga kambal ko yun pero malaki ang pinagkaiba niya saakin. Kaya nga sabi ko diba... iba saakin si Jungkook."

"Ang haba mo magexplain."

"Eh kasi ang kulit mo!" Ayan na kulit zone ka. Sinuot niya ulit yung mask niya.

"Wag mo ulit gagawin yun dahil pagkakaguluhan ako. Baka akalain nanaman nila na ako yung magaling kong kambal na si Jungkook."

"May problema ka ba?" Tanong mo. Umiling naman siya.

"Weh? Open mo naman saakin problema mo." Pagmamapilit mo. Eh sa ayaw nga eh bobita!

Sorry na.

"Hindi importante yun. Kelangan ko na talaga umalis. Sige bye."

"A-annyeong."

Hindi mo na alam gagawin mo kaya umuwi ka na sa dorm mo.

Bigla kang napaisip.

"HALA KING INA BUKAS NA PALA BALIK KO NG PINAS!" Ayan Paktay!

"Hala paano ko toh sasabihin kina mama? Siguro naman papayag sila diba? Aish! Matawagan nga." At ayun tinawagan mo nga.

"Ma?"

[Yes sweetie?] Ay chochal.

"Err... Hindi po ako makakauwi bukas."

[HA!? AT BAKIT!? HOY BAKA MAMAYA MAY KASINTAHAN KA NANG HINDI KO ALAM HA! HOY BABAITA BABALIK KA BUKAS!]

"PERO MA! IMPORTANTE TOH!"

[IMPORTANTE? MAS IMPORTANTE PA SA BUHAY MO!?]

Ano naman masasabi mo???

My 7 Dwarfs!? [ BTS Fan-fiction ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon