Mr. Arrogant (Rukawa Kaede's Story) [Part I]

433 15 11
                                    

Rukawa's POV

Nandito ako ngayon sa Gym. Walang tao. Ako lang at si Haruko. Ewan ko ba dito. Pinapunta niya ako eh. May sasabihin daw siyang importante.

Di nga dapat ako pupunta eh. Matutulog pa kasi ako Zzzz...

"Ano ba sasabihin mo?"

"Ha? Ahh... Ehhh..."

Yumuko siya at nangamot ng ulo. Hay naku. Iiwanan ko to. Inaantok kasi talaga ako.

"Mukhang wala ka naman atang sasabihin, sige mauna na ako."

"Ha? Ahh..."

Mukhang wala nga siyang sasabihin -_______- ... Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palabas.

"Eh teka! Saglit lang! Kasi ano..."

Tumigil ako at naghintay sa susunod niya pang sasabihin...Pero wala syang kibo -____- Naiinis na ako. Kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ng sumigaw siya...

"KASI GUSTO TALAGA KITA RUKAWA!"

Napatigil ako pero hindi pa rin ako lumilingon sa kanya. Teka ano daw?

"Gusto kita Rukawa. Simula pa lang noong pumasok ka dito may gusto na ako sayo. Matagal na kitang napapanood. Wala ka pa sa Shohoku kilala na kita. Akala ko noong una hinahangaan lang kita kasi gwapo at magaling ka. Pero hindi eh. Kaya nga ang saya-saya ko noong nalaman ko na dito ka lumipat. Hindi kumpleto araw ko pag 'di kita nakikita. Lagi kitang ichini cheer kapag may laro kayo. Nasasaktan ako kapag may ibang babae na lumalapit sayo. Lahat ginagawa ko para mapansin mo ako kaya mangiyak ngiyak ako kapag hindi mo kinakausap, pinapansin, kinikibo. Pero kahit ganun gusto pa din kita. At lalong lumalim ang nararamdaman ko para sayo."

Teka...Nag sisink in pa lang sa utak ko lahat ng sinabi niya. Ganun na ba talaga ako ka-gwapo? Naks naman. Pero... Anong gagawin ko? Hindi ko siya--

"Gusto mo din ba ako?... Rukawa..."

Tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang umiiyak. Lumapit ako sa kanya at ibinigay ang panyo ko. Mabait naman ako kahit papaano -______-

"Hindi. Hindi kita gusto. "

Tumalikod na ulit ako at naglakad na palabas. Habang naglalakad ako naririnig ko ang hagulgol niya. Tumigil ako para sabihin na...

"Huwag mo nang ituon ang atensiyon mo sakin. May isang tao diyan na hinahangad na mapunta ka sa kanya."

"Ha...? Sino?

"Umuwi ka na hinahanap ka na ni Go-- ng kuya mo."

At lumakad na nga ako palayo...

I'm sorry Haruko hindi ko gustong saktan ka. Hindi ang tulad ko ang nababagay sayo, ako na ang buhay ay umiikot lang sa basketball.

Pupunta ako sa court malapit sa amin. Magbubuhos ng sama ng loob. Sama ng loob? Ewan. Yun yung feeling ko eh. Guilty ata.

***

Tss. Pagdating ko sa may court ma tao. Naunahan pa ako ano ba ginagawa nito dito? Paalis pa lang ako nang...

"RUKAWA!!! ANONG GINAGAWA MO DITO!? ANO HAHAMUNIN MO BA AKO NG 1 to 1!? Ha! Sinasabi ko na nga ba!? May balak kang labanan ako. Pero pasensiya na Rukawa hindi ka mananalo. Pero sige lalabanan kita kung gusto mo! ANO SIGE! TARA NA! READY NA AKO! *le do his signature moves*"

Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya yung ewan niyang tricks. -_________-

"Gunggong."

At pinaandar ko na yung bike ko palayo... Naririnig ko pa rin yung mga sigaw niya.

"HOY! RUKAWA! BUMALIK KA DITO! HOOOOOOOOOOY!! NADUDUWAG KA NA BA!!? DUWAG KA TALAGA RUKAWAAAAAAAA!"

Kailan ka ba magtitino Sakuragi? =____=

Doon na nga lang ulit ako sa isang court. Tsk. Ang layo nun eh. Hayaan na nga.

'Pag dating ko sa court. Tsk! Ano ba naman! May naglalaro! San ako pupunta? Di naman ako makakatulog.

Nakatayo lang ako sa may gilid at pinapanood siyang maglaro ng basketball. Inaamin ko magaling siya. Sino kaya to?

Di ko maaninag ang mukha nakatalikod kasi at nakasombrero pa. Nang biglang humangin nang malakas.

O_O WTF!

Ba..Ba..Ba...BABAE SIYA!?

"AAARRRRRRRGGGG!!! Nakakainis ka naman hangin!!!! GRRRRRRRRRR!"

Umikot siya para pulutin ang sombrero niyang nahulog nang mapatingin siya sa direksiyon ko.

Ang gan..ganda niya. >//////////////>

Di ko ine expect yun kasi nakatalikod at nakasombrero siya kanina. Yung suot niya pa, panlalaking t-shirt at naka jogging pants pa.

Yung mukha niya. Natural na *ehem* *ehem* ang ganda. Maputi. Makinis. Di nakakasawang tingnan. Familiar siya...

Pag tingin ko wala na siya. San na yun nagpunta.

Pagtingin ko sa labasan ayun naglalakad na paalis.

Ay bakit?

Luh. -____________________________- Pake ko?

---

AUTHOR's NOTE!!!
In love na sa akin si Rukawa Babes. HHAHAHAHAHAHA!! XD

Slam Dunk (Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon