Nandito kaming lahat sa Gym nag prapractice dahil malapit na ang Inter High.
"Huh! 'Wag kayong mag-alala dahil ako! Ang henyong si Sakuragi Hanamichi ang magpapanalo sa team na ito!"
At as usual, may isang gunggong na naman ang nagmamayabang. -_______-
"Sus! Ang yabang mo talaga Hanamichi!" sabi ni Miyagi.
"Oo nga. Baka mamaya dakdakan mo na naman yung ulo nung kalaban natin eh! HAHAHAHHA" sabi ni Mitsui sabay hagalpak ng tawa at higa pa sa sahig.
Buong team napatigil sa pagprapractice at humagalpak ng tawa.
"ANONG SABI MO MITCHI!? PATAY KAYONG DALAWA SA AKIN!!!"
At ito naman sila takbuhan sa buong gym. Hay. Dapat masanay na ako.
"Gunggong talaga."
Napatigil sila sa pagtakbo at tumingin sakin... Ano na naman?
"ANONG SABI MO RUKAWAAAAAAA!??"
"GUNGGONG KA DAW. HAHAHAHAHAHAHA." Sabay na sabi ni Mitsui at Miyagi at humagalpak na naman ng tao. Nakitawa na rin ang buong team.
Tsk. Asan ba si Gori? Este si captain? Ng tunahimik na lahat ng to? -_-
Habang natawa pa rin sila bigla na lang bumukas ang pinto.
O_O
Literal na ganyan ang itsura ko. Ba...ba...bakit siya nandito?
Mukha namang na shock lahat ng tao na naandito. Maliban lang isa.
"Oiiii! Nikka! Anong ginagawa mo dito?" Sabi ni Mitsui habang tumatakbo papalapit kay Nikka? Nikka raw diba?
Magkakilala sila? Wag mo sabihing girlfriend ni Mitsui yan?
Kainis!
Teka nga bakit ba ako naiinis? Pakialam ko ba kung magkakilala sila.
"Ha? Ahh eh wala lang. Namiss lang kita! HAHAHAHA"
ANO DAAAAAW!? NAMISS NIYA SI MITSUI!? So may relasyon nga sila?
"Saglit lang! Saglit lang? Kilala mo si Mitchi? Bakit? Namimiss mo siya?" Isa pa tong si Sakuragi eh pabida talaga.
"Oo kilala ko siya. Kahit kayo kilala ko. Lahat kayo."
Kilala raw? So kilala niya ako?
"Ha! Kilala mo kami lahat so kilala mo kung sino ang pinakamagaling saming lahat!" Saan ba pinaglihi tong si Sakuragi?
"Oo naman!"
"Magaling! Magaling! So kilala mo pala ang pinakamagaling samin ang henyong si Saaaa---"
"---si Rukawa. Si Rukawa ang ace player ng team niyo hindi ba?"
Ha? Ano? Ako? Kilala niya ako? Ako ace player? Wait nga. Ako talaga?
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Unti unti na namang napuno ng tawanan ang buong gym.
"Yan assuming ka kasi Sakuragi" sabi ni Ryota
"YAN! MAGALING!? EH KUKO KO LANG YAN EH!"
-__________________________-
"Tama na nga yan! Eh Nikka san ano ba talaga ginagawa mo rito?" Tanong ulit ni Mitsui.
"Hmmm. Wala lang."
"Pwede ba yun?"
"Oo HAHAHAHA"
"Mitsui girlfriend mo ba yan?" Tanong nung isa naming team mates.
Ayoko na nga dito kabadtrip. Pumunta lang ata dito para magpapansin eh. Makalayas na nga.
"Oi! Rukawa san ka pupunta!" Tanong ni labo
Di na lang ako sumagot. Bat nga ba ako nababadtrip?
"Magaling tong si Nikka magbasketball kung alam niyo lang."
Agad akong napatigil at napalingon sa kinatatayuan nila.
Nakita kong pinasa ni Mitsui ang bola kay Nikka na agad naman nitong nasalo.
Angas.
Huh? Ano ba tong pinagsasabi ko nababading na ata ako.
"Yan!? Magaling!? Wala ng mas gagaling pa sa henyoooo......ng si Sakuragi." Mahina na lang ang pagkakasabi niya sa huli.
Lahat napatahimik. Lahat nakanganga.
Kahit ako.
Naka shoot siya ng three points sa halfcourt. Quick release pa.
Mahirap yun. Kahit yata kami mahihirapang gawin yun.
Matagal kaming nakatahimik, habang si Mitsui kanina pa tawa ng tawa.
"Tsamba lang yun!" Bida bida talaga tong si Sakuragi. Palibhasa di niya kinaya eh.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pumunta ako dun at kinuha ang bola.
Pinasa ko sa kanya at agad naman niyang nasalo.
Alam kong lahat sila nakatingin na samin. Syempre sinong di papanoorin to? Lalake laban sa babae sa basketball.
"What?" Agad niyang tanong ng masalo ang bola.
Hindi ako nagsalita, nag smirk lang ako.
Ewan. Gusto ko siyang labanan.
Pinasa niya sakin ulit ang bola, nagtataka naman ako kung bakit. Ayaw niya ba akong kalabanin?
Medyo napahiya ako dun ah.
"Alam kong babae ka, sinusubukan ko lang naman kung talagang magaling...ka"
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla niyang inagaw sa akin yung bola ng ganun kabilis. Nagulat din ako.
Nag cross over pa siya sa harap ko. So I think gusto niya rin makipaglaro.
Binabantayan ko siya at tinatangkang agawin ang bola. Kaya lang masyado siyang mabilis.
Takte Rukawa, asan na yung galing mo? Di ka naman ganito dati ah. Nagagawa mo namang agawin ang bola kung gugustuhin mo.
Napatingin ako sa mga mata niya, nakatingin siya sakin. Bigla siyang ngumiti... at kinindatan ako.
Takteng yan...
"WHOAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! Panis ka pala Rukawa ."
Tangna. Nung ginawa niya yun bigla akong napatigil, at naiwan dito.
Pota. Ayoko talaga sa lahat ng natatalo ako eh. Pero bakit parang pag siya wala lang sakin.
Korni pakinggan ampota. Gising Rukawa!
Nilingon ko siya at bigla niyang pinasa yung bola.
"Pag nakashoot ulit ako, date tayo."
What the? Ibang klase talaga tong babaeng to.
Pero di ko maintindihan!
Parang gusto kong magpatalo na lang.