Chapter Two

25 2 0
                                    

Kabado akong naglalakad kasama ang babaeng katabi ko ngayon. Parang nanghihina ang tuhod ko at pinagpapawisan ang mga kamay ko. First time ko makakaharap ang May-ari ng HRC Corporation.

Pumasok kami sa isang Isolated na elevator, bakit isolated kasi parang naka isolate nga siya mula doon sa iba pang elevator. Napansin ko rin na hindi iyon ang ginagamit ng mga empleyado. Kami lang ang nakasakay doon.

"Were here maam", anunsyo ng EA sakin, pagkabukas ng elevator tumambad agad sa paningin ko ang isang napakalaking opisina. Dahil sa sobrang laki nito para na siyang bahay kung titingnan.

Tumatagos sa glass window ang sikat ng araw. Kung saan mula sa loob ay tanaw na tanaw mo ang nagtataasang building sa labas.

Inilibot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng opisina. Hanggang sa mapansin ko ang isang bulto ng tao na nakatalikod malapit sa may glass window. Kasalukuyan itong bumubuga ng usok mula sa kanyang sigarilyo.

"Good morning sir, She's here", pukaw nung EA sa taong nakatalikod.

"Thank you, You may leave now", sagot nung lalaki. Napaka baritono ng boses niya ang lamig sa pandinig.

Bumaling sa akin ng tingin ang babae na ang ibig sabihin ay nagpapa-alam din ito akin at nginitian ko din naman ito.

Nakakabingi ang katahimikan na namamayani. At hindi pa muli nagsasalita ang lalaki na nakatalikod pa din sa akin.

Kaya binasag ko ang katahimikan sa pamamagitan ng pagbati ko dito.

"Go-goodmorning sir", i stutered. Sabay upo ko sa sofa. Kanina pa kasi ako nakatayo nakakangalay, nakaheels pa man din ako.

Hinalungkat ko na ang bag ko para kumuha ng gamit sa pagsusulat.

"How are you?", medyo nagulat ako sa tanong niya. Kaya bahagya akong nakahalf smile nung sinagot ko ang tanong niya.

"I'm good si-sir", mahinang tugon ko. He took a deep sigh na siya namang ikinatingin ko sa direksyon niya.

"Do you think you're ready for this?"may halong pagdududa na tanong niya.

Bakit naman hindi ako magiging ready eh ito kaya ang inaasam-asam kung oppurtunity na dumating na sa career ko. Off course pinaghandaan ko to. Pagmumuni-muni ko sa isip ko.

"Of course sir", siguradong sagot ko. Humihithit pa rin siya sa sigarilyo na hawak niya.

"How sure you are, Miss Villareal?". Napatawa ako ng mahina sa tanong niya.

"I should be the one asking you that sir". May himig pag bibiro ko sa boses ko.

Inaasam ng lahat ng kakumpetinsya naming publishing company na ma ilathala ang taong utak sa success ng nangungunang kumpanya sa Asya.

Kaya nga para sa akin bilang isang writer na naghahanap ng chance para sa ikakaganda ng career nito, syempre sa ganito kalaking break hindi sumagi sa isip ko ang bahid ng pag aalangan sa interview na ito. Sa isip ko.

Napansin kung matapos kong magsalita ay katahimikan ang sunod na namayani.

I felt sudden discomfort. Kaya medyo nakaramdam ako ng kaba. Baka may mali sa sinabi ko o di kaya sa pagtawa ko. Patay ako nito.

"Ahm...I-im sorry if i said something unecessary". Apologetic na sabi ko. Hindi nakalampas sa pandinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"You don't have to." Saad niya. Pinatay na niya ang sigarilyo na hawak niya at nakapamulsa ito na dahan-dahang humarap sa direksyon ko.

Nanlaki ang mga mata ko at parang naging abnormal ang daloy ng dugo ko sa katawan. Nung mapagtanto ko kung sino itong lalaking kausap ko sa ngayon.

Ilang taon na nga ba ang nakalipas? dalawang taon? Lima? Oh Sampung taon at limang buwan.

Ilang karton nga ba ng tissue ang naubos ko dahil sa di mabilang na luha na nailuha ko.

Ilang gabi nga ba ang hindi ako nakatulog dahil sa binabalik-balikan ako ng bangungot ng nakaraan.

At Ilang beses ko nga ba idinadalangin na sana hindi na muling mag krus pa ang landas namin ng taong sinaktan ako at winasak ang pagkatao ko.

Pero ano ito ngayon? Bakit ganito. Sana isa lang itong panaginip o di kaya masalimuot na bangungot.

Sana panaginip lang itong nakikita kung naglalakad siya papalapit sa akin.

Sana panaginip lang itong nasa harapan ko na siya at iniaabot ang kamay niya habang may ngiti sa mga labi niya.

How dare him to smiled at me like that. As if were closed friends and i didn't cursed him for making my life mesirable. Ang kapal.

"Haeden Ross Clinton, It's nice to see you again Miss. Villareal". Sabay lahad niya sa kamay niya.

Geez...How he can managed to say those words in a casual way. How he can managed to greet me its as if everything is fine and theres no taint of heartache's he leaves in me.

Samantalang ako para akong isinasakay sa time machine at naglakbay pabalik sa nakaraan. Sa nakaraan kung saan ako nasaktan ng lubusan at Miserable ang buhay Dahil dito sa taong kaharap ko ngayon.

"Ikaw pala",Only those two words i can afford to say.

Revenge from the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon