Hindi ko alam kung ano bang ilalagay ko dito. Sa palagay ko nakikigaya ako sa may-ari nito.. Well, I am sorry hindi ko na naibalik 'to sayo.. di pa kasi tayo nagkikita ulit saka ahm.. palagay ko hindi ko na din pwdeng ibalik pa sayo. Baka kasi magalit ka saken. Nasulatan ko na kasi ng nga notes ko ito. Si Doc Winston naman kasi eh daming pinapasulat saken nung nakaraan, wala naman akong ibang mahagilap na papel that time, kungdi itong diary mo. Naku pagnaiisip ko pala lang kung anong magigireaction mo pag nalaman mo yung ginawa ko sa diary mo... Ikaw naman din kasi eh! Nakakatakot lagi itsura mo at laging aburido. Marunong ka bang ngumiti? Well, sabagay masakit din naman kasi yang pinagdadaanan mo ngayon. Puro tusok ka nalang ng karayom. Okay lang yan, mukhang malakas naman ang loob mo eh.. gagaling ka din in no time.. just be positive okay??
Nga pala... ahmm... binasa ko yung mga nakalagay dito (bitin nga yung huling entry eh)... SORRY! Di ko mapigilan eh. Nacurious ako... Sorry talaga! Pero grabe.. ang swerte ng ka-M.U mo para magpaka tanga ka sakanya ng ganyan. But for me, you deserve someone better. Hindi lang talaga kayo ment to be.. saka palagay ko kung naging kayo man.. Ewan ko huh, pero feel ko di din kayo magtatagal. Feeling ko lang naman. Ayun.. share of thoughts bago ako mag review..
Good night Jae! Fighting!
Nga pala, Kpop fan din ako! ^_^v
BINABASA MO ANG
Ang Nakapulot ng Diary ni Jae
RomanceWala lang. Kaartehan lang... Sequel po ng Misadventures of a Hopeless Romantic.. Again, no homophobics allowed!