Errrr... dapat ba ako magpasalamat sayo?? Hays.... kung hindi mo ako napansin kagabi at kung hindi mo din ako pinilit na umangkas sa motor mo malamang hating gabi na ako makakauwi sa amin. Tsk! Wrong timing talaga yung pasya kong umuwi sa bahay kagabi. Aba! Malay ko ba na matraffic pala papuntang bayan di ba...
Well.... I guess dapat nga talaga akong magpasalamat sayo. Thank you ng madami Jae Emerald Torres! Oh ayan huh! Baka sabihin mo wala akong utang na loob at masungit ako! Pektusan kita sa nose bridge mo eh!
Pero nagtataka lang ako.... Anong ginagawa mo duon kagabi? Saka isang sabi ko lang alam mo na agad yung papunta sa subdivision namin.. Hindi ka naman taxi driver di ba?? Saka sa pagkakatanda ko hindi ka naman taga rito sa amin. Di kaya..... pinuntahan mo si dating ka-M.U mo?? O baka naman hinatid mo siya kasi may spare helmet ka?? Tamang hinala ako! hahaha... Malay ko ba baka kapit bahay ko lang pala yung kinakabaliwan mo! Lol! Ang echosera ko!
Anyway, hiway! Super happy ako!!! Long week end eh! Chill chill ka nalang din Jae Emerald Torres para mabawasan kakasimangot mo saken....
Ahmmm.... naguguluhan ako dahil kagabi. Bigla akong.... ahmmm.. kinilig? Crush na yata kita? Argh! Random confessions! Ikaw palang kasi ang unang nag offer ng ride saken eh.... chhhhii! Hindiiiiiiiii!! Mali! Mali! Mali! Mali ito.... lesbo ka eh.. saka sigurado akong straight ako! hindi ako mababaluktot dahil lang sa pag angkas sayo! Tse! Cute at mabango ka lang! Mas gwapo padin si Sungjae oppa sayo! Hmp! Di bale! Crush lang naman ito eh... saka di mo naman mababasa itong isinulat ko dito! bleeeeeeh!
9:12am @my room

BINABASA MO ANG
Ang Nakapulot ng Diary ni Jae
RomanceWala lang. Kaartehan lang... Sequel po ng Misadventures of a Hopeless Romantic.. Again, no homophobics allowed!