Entry 4

294 4 0
                                    

Grabe! Isa ito sa pinaka unforgettable na araw ng buhay ko! Naka salubong ko kanina yung ex ko! Nakakairita kasi hindi ko malaman kung ano yung gagawin ko. Mumuntik ko pa ngang maipasok yung ulo ko sa loob ng back pack ko! Pareho pa kami ng sinakyang bus kanina! Sa dinami-dami ng bus sa Pilipinas! Argh! Pakyeol talaga!(Kpop fans way to curse ito.. mahabang paliwanagan eh, pwde by yourself ka nalang? iresearch mo kung curious ka talaga)

Pero masuwerte pa din ako kasi hindi na kami nagkatabi pa. Kasi kung nagkataon pa pati yun?? Wala na! Gugustuhin ko nalang tumalon pababa ng bus! Exagg na kung exagg basta! Ang awkward kaya nun! Haysssss....

Hmm.. Naging boyfriend ko siya for 3years.. high school palang kami nun.. first boyfriend to be exact kaso ahm... panu ba... makipaghiwalay ako sakanya dahil sa isang mababaw na dahilan.... Nagmaganda kasi ako nun... eh maganda naman talaga ako! Tapos siya super nerd, payatot, at puro mga assignments lang inaatupag. In short pakiramdamam ko nuon hindi kami bagay! Paano naman kasi ah basta! Tapos eto na nga ngayon.. parang nagsisisi na nga ako na nakipaghiwalay ako sa kanya. Kasi naman! Ngayon ang gwapo na niya..... at ang hot pa! Aaaaah! Ano ba namaaaaaaan! Erase! Nagtataksil na ako kay Sungjae oppa! *pouty* Mianhae Sungjae oppa~

Burahin na sa isip si ex!

10:12am @laboratory

Ang Nakapulot ng Diary ni JaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon