Part 6

14.1K 367 8
                                    

"SAAN ka ba galing, Kuya? Bigla ka na lang nawala. Hello, Kuya, nakikinig ka ba sa akin?!"

"Nagpahangin lang ako sandali," sagot ni Oliver kay Elirei. Mula nang makabalik siya sa restaurant kung saan ginanap ang birthday party ng pamangkin niya ay wala nang ibang ginawa ang kapatid kundi ang usyosuhin siya. Silang pamilya na lamang ang mga naroon dahil kasalukuyan nang naglulunoy sa pool ang mga bisita.

Kumunot ang noo ng kapatid ni Oliver. "'Yon lang? Eh, bakit parang lalo ka lang naging restless kaysa kaninang bago ka umalis?" nagdududang tanong nito.

Hindi siya nakaimik dahil sumagi na naman sa kanyang isip ang mukha ng babaeng nakilala niya sa dalampasigan kanina.

Ivy. Just the thought of her name made his insides churn.

Napailing siya. Sa totoo lang ay hindi siya makapaniwala sa kanyang ginawa. He actually kissed a stranger. Worst of all, he actually desired her.

Nagpunta lang si Oliver sa dalampasigan upang takasan ang ingay ng party. Gusto lang niyang mapag-isa upang isipin kung paano niya mapapapayag ang Wildflowers na maging cover story ng Exposed. Noon niya napansin ang mga bulalakaw sa kalangitan at ang babaeng tuwang-tuwang pinagmamasdan iyon.

Hindi niya naaninag ang mukha nito ngunit kahit ganoon ay hindi niya naialis ang tingin sa babae. She seemed to be having so much fun that it also made him smile. Dagli rin niyang nakalimutan ang trabaho. Hanggang sa hindi siya nakatiis na kausapin at lapitan ito. And when their eyes met, he felt a jolt of awareness he had never felt with a stranger before.

Saglit na pakikipag-usap lang kay Ivy ay nakuha ng babae ang kanyang interes. She seemed to be sweet and innocent, iba sa halos lahat ng babaeng nakakasalamuha niya. Bago pa niya mapagana nang husto ang kanyang isip ay nahalikan na niya si Ivy. At hanggang ngayon ay wala siyang pagsisisi sa kanyang ginawa. Hayun nga at kahit dalawang oras na siyang nakabalik sa restaurant ay parang nangangati pa rin ang mga paa niyang bumalik sa dalampasigan dahil baka naroon pa si Ivy.

"Mommy, Tito!" tili ni Joan habang papalapit sa kanilang magkapatid. "Someone said that Stephanie of Wildflowers is here at the resort. I want to see her and get her autograph!" masayang sabi pa ng pamangkin niya.

Tila iyon malamig na tubig na ibinuhos kay oliver. Oo nga pala. Wala siyang panahong magsimula ng relasyon sa kahit na sinong babae sa mga oras na iyon kahit gaano pa niya kagusto. Ang Wildflowers lang ang kailangan niyang pagtuunan ng pansin para maisalba ang Exposed.

"are you a fan, baby?" tanong ni Oliver sa pamangkin.

Tumingin sa kanya ang bata at ngumiti. "Yes! I love them. Nag-aaral na nga rin po akong maggitara dahil sa kanila. Especially Stephanie. She's so cool whenever she plays her guitar." Lumampas ang tingin nito sa kanya at nanlaki ang mga mata. "Oh my! That's her!" tili ng pamangkin niya.

Bago pa nila mapigilan ni Elirei si Joan ay tumakbo na ito patungo sa entrada ng restaurant. May bahagi pa kasi niyon ang tumatanggap ng ibang guest ng resort. Hinabol ito ng kapatid niya. Ngunit si Oliver ay napako sa kinatatayuan nang makita kung sino ang nilapitan ng kanyang pamangkin.

It was Ivy, the woman he'd been itching to see again. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya nang mga sandaling iyon.

Ivy was Stephanie, one of the Wildflowers.

Bahagya siyang nakaramdam ng pagkadismaya sa kaalamang bahagi ito ng napakagulong mundo ng show business. He wanted her to be an ordinary woman. Then maybe, they might have a chance to be together. Ngunit ngayong nalaman niya kung sino talaga ito ay tumunog ang warning bells sa isip niya na huwag ma-involve sa babae.

WILDFLOWERS series book 1 - A Liar's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon