Part 13

12.6K 418 19
                                    

PUMASOK si Oliver sa studio at kaunti lamang ang staff niya na bumaling sa kanya upang batiin siya. Paano ay halos lahat ng mga ito ay tutok na tutok ang tingin sa isang panig, kung saan ginaganap ang photo shoot ng Wildflowers. Napahinto siya sa paglalakad nang mapatingin din doon, partikular kay Ivy.

My Ivy. He felt proud to say that silently. Kahit alam ni Olivery na walang dapat makaalam ng tungkol sa kanila. Naiintindihan niya kung bakit kailangan nilang ilihim ang kanilang relasyon. Kahit pa minsan ay wala siyang ibang gusto kundi ang lapitan ito kahit pa maraming tao sa paligid.

Like her bandmates, she was wearing a very seductive black leather outfit that showed off her curves in a way that didn't show much skin. She was wearing a tube top so only her shoulders were bare. Hindi iyon bastusin pero malamang ay wala ring lalaking hindi maaakit sa katawan nito dahil doon.

He was affected, that was for sure. Pilit tuloy niyang inalis ang tingin sa katawan nito at itinuon ang paningin sa mukha nito. But that didn't lessen his awareness of her, in fact it only heightened it. Nakalugay ang mahabang buhok nito na bahagyang kulot at nililipad ng hangin. Her dark eye shadows and red lipstick matched her outfit, making him want to walk right up to her and kiss her right then and there.

"Mr. Matias."

Napakurap siya at inalis ang tingin sa dalaga upang balingan ang tumawag sa kanya. It was Rob, their American manager. Nakipagkamay ito sa kanya.

"Thank you for complying with our wishes regarding the image we want to portray for this photo shoot. I have already read all the questions you want to ask them and I have approved them all. Your concept is good. I am glad that I chose Exposed to take care of my girls," pormal na sabi nito.

Tumango si Oliver at nagpasalamat dito. Saglit lamang silang nag-usap bago tumunog ang cell phone nito at nagpaalam sa kanya upang sagutin iyon. Nang maiwan siyang mag-isa ay napatingin uli siya sa photo shoot na tiyempong natapos na dahil umalis na sa harap ng chroma key ang grupo.

Tumingin sa kanya si Ivy at ngumiti nang matamis. He felt something twist in his gut as he smiled back. Pagkatapos ay nakita niyang nagpalinga-linga ito, malamang hinahanap kung nasa paligid ang manager. Nang muling tumingin si Ivy ay itinuro niya ang nakapinid na pinto upang sabihin na nasa labas ang manager nito. Mukhang nakuha ng dalaga ang nais niyang sabihin dahil nakahinga ito nang maluwag.

Naglakad si Ivy palapit sa kanya. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ang dalaga ay agad na itong nilapitan ng staff niya upang magpa-picture at humingi ng autograph. Ganoon din ang nangyari sa mga kabanda nito. Pagkatapos ay lumapit sa mga ito ang editor ng Exposed upang sabihing sisimulan na ang interview. Ngalingaling sigawan niya ang mga tauhan niya upang bigyan sila ni Ivy kahit ilang minuto lang. Humihingi ng paumanhin na sumulyap sa kanya si Ivy kaya wala siyang nagawa kundi ang bumuntong-hininga na lamang at ngitian ito.

Saglit pa ay nakaupo na ang mga babae sa isang panig habang ini-interview ng isa sa staff ni Oliver. Siya naman ay lumapit na lamang sa photographer nila upang kumustahin ang gawa nito. Ngunit mayamaya ay sumusulyap pa rin siya kay Ivy lalo na noong ang dalaga na ang tinatanong.

"Tell us something about your family," wika ng staff niya.

Natigilan siya nang makitang saglit na nabalot ng lungkot ang mga mata ni Ivy. Ngunit agad din iyong nawala, pagkatapos ay ngumiti ito. "Actually, my band is my family. Ulila na ako mula no'ng high school ako kaya natuto na akong mabuhay mag-isa. While these girls were busy visiting their families, I was on a vacation alone somewhere."

"Oh, I'm sorry. Don't you ever get lonely? What are your sources of inspiration as a musician when you feel that way?"

Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ni Ivy ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang paglambong ng mga mata ng dalaga. Nakuyom niya ang mga kamay dahil bigla ay nais niya itong yakapin.

Shit, I'm really losing it. I'm in too deep and I don't know what to do about it.

Sa halip na gumawa ng eksena sa harap ng mga tauhan ay tumalikod na lamang si Oliver at inabala ang sarili sa ibang bagay upang hindi na niya marinig ang interview. Nang matapos na makausap ang mga dapat kausapin ay alam niyang dapat na siyang umalis upang asikasuhin ang paperworks sa opisina. Subalit hindi niya magawang umalis ng studio. He still wanted to look at her and maybe find a moment where he could drag her away somewhere and talk to her.

Damn it, I'm getting pathetic!

"It's difficult to date a celebrity. You've gotta have more courage than that."

Napatingin siya sa nagsalita. Agad na nakilala niya si Adam Cervantes na hindi niya namalayang nakapasok na sa studio. Hindi niya alam na pupunta ito roon o kung ano ang ginagawa nito roon. Nabalitaan lang niyang nasa Pilipinas din ito pero hindi niya inaasahang makikita ito roon.

Adam lived up to his bad boy image with his tattoos on his arms and the whiskers on his face. Naka-gray na T-shirt at itim na pantalong maong lamang ito. Nakapamaywang ito habang nakatingin din sa direksiyon ng Wildflowers.

Tumingin ito sa kanya at ngumisi. "You're interested in Stephanie, right?"

"What?" defensive na tanong niya.

Tumawa si Adam. Mukhang wala itong pakialam kahit napatingin dito ang ilang mga taong naroon. "I can see the signs. I could see you've been ogling her ever since I came here. I'm telling you, if you like her, don't be a chicken and drag her off somewhere. There are so many men who want to have those girls, too, you know. You have to stake your claim."

Bahagyang nainis si Oliver. "It's not as easy as that. I don't want to be the one to create a scandal and drag them into it," sikmat niya.

"It is, in fact, very easy. Watch me." Pagkatapos ay naglakad ito patungo sa direksiyon ng Wildflowers.

Tila may sumuntok sa sikmura niya nang rumehistro sa kanya ang balak gawin ni Adam. Could it be that he was also interested in Ivy? Wala tuloy sa oras na napasunod siya upang pigilan ito. Ngunit huli na ang lahat dahil nakalapit na si Ivy sa mga babae at gulat na nakatingin dito. Naikuyom niya ang kamay nang yumuko si Adam. Pero hindi si Ivy ang nilapitan ng lalaki. Hinawakan ni Adam ang gulat na si Ginny sa batok at walang salitang siniil ng halik sa mga labi sa paraang mapapahiya ang mga naghahalikan sa porn videos. Napanganga na lamang siya, sampu ng lahat ng tao sa studio na iyon.

WILDFLOWERS series book 1 - A Liar's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon