"THANK you for spending the whole day with me, Oliver," wika ni Stephanie nang mabuksan niya ang pinto ng cottage niya.
Inihatid siya ni Oliver hanggang sa cottage na tinutuluyan niya pagkatapos nilang kumain ng hapunan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, ngunit pagkatapos niyang kumanta at sabihan siya nitong maganda siya ay biglang may tila nabago sa pagitan nilang dalawa. Bukod sa hindi na binitawan ni Oliver ang kanyang kamay ay napansin niya ang pag-iiba ng sidhi ng bawat titig ng binata sa kanya.
Hindi rin niya mapigilan ang sariling pagmasdan ito kapag nakakakuha siya ng tiyempo kaya hindi niya magawang sawayin ang binata.
Ngumiti si Oliver at tiningnan siya sa mga mata. "It's a pleasure to be with you, Ivy." Marahan nitong hinaplos ang kanyang pisngi. Magaan lamang iyon ngunit pakiramdam niya ay uminit ang buong katawan niya.
"Me too. Sige, goodnight," paalam ni Stephanie kay Oliver. Nang tumango ito ay pumasok na siya sa loob ng cottage niya. Bago niya isara ang pinto ay tiningala uli niya ang binata. May kung ano sa ekspresyon ng mukha nito na labis na nagpapabuhay sa kanyang dugo. Napalunok siya dahil biglang nanuyo ang kanyang lalamunan. "Oliver."
Bahagya itong ngumiti. "Goodnight, Ivy."
Lumunok siya at marahang tumango. Pagkatapos ay napipilitang isinara ang pinto ng cottage. Nag-click na ang lock niyon pero hindi pa rin niya binitiwan ang seradura. Pinakikiramdaman niya kung umalis na si Oliver ngunit wala siyang naririnig na pagkilos mula sa labas.
Mayamaya ay nakarinig siya ng mahinang katok. Napaigtad siya kasabay ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Huminga muna siya nang malalim bago binuksan ang pinto.
"May nakalimutan ako," wika ni Oliver.
Nakagat ni Stephanie ang kanyang ibabang labi. "A-ano 'yon?"
Sa halip na sumagot ay humakbang ito papasok sa cottage niya. Humakbang siya paatras at sinundan siya nito ng hakbang bago inilapat ang isang kamay sa batok niya habang ang isang braso ay pumaikot sa kanyang baywang.
"Ito," sabi ni Oliver. Pagkatapos ay mariin siyang hinagkan sa mga labi.
She was not an expert kisser, but her body seemed to know what to do by instinct. Tinugon ni Stephanie ang halik ni Oliver sa kaparehong intensidad. Nang hapitin siya nito nang husto at naglapat ang mga katawan nila ay napaungol siya sa idinulot na sensasyon niyon sa buong katawan niya. Awtomatikong umangat ang mga kamay niya patungo sa batok at buhok ni Oliver. Napaatras siya nang lalo pa itong pumasok sa loob ng cottage niya saka isinara ang pinto gamit ang isang paa.
Hindi pinakawalan ni Oliver ang mga labi ni Stephanie na tila uhaw na uhaw. He angled her face in a way that gave him more access to her mouth. In an instant, his tongue dipped inside her mouth and it made her knees melt. Napasinghap siya nang maramdaman ang paglalakbay ng kamay nito sa kanyang katawan pababa sa kanyang pang-upo at pinisil iyon. Then he lifted her and she had no choice but to wrap her legs around his waist. Humigpit ang pagkakahawak niya sa batok ni Oliver nang maglakad ito patungo sa kama.
Nang lumapat ang likod niya sa malambot na kama at nakubabawan siya nito ay saka lamang pinakawalan ang kanyang mga labi. She felt a sense of loss when their lips parted. Ngunit agad din iyong napalitan ng ungol nang bumaba sa leeg niya ang mga labi ni Oliver at nagsimulang maglumikot ang mga kamay pahaplos sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Napasabunot siya sa buhok nito. She was right, it felt good to touch his hair.
"Oliver," wika ni Stephanie nang bumaba ang mga labi nito patungo sa puno ng dibdib niyang nakalabas sa suot niyang summer dress. Napasinghap siya nang umangat sa dibdib niya ang mga kamay nito. He caressed her there and it made her restless. She shifted under him and he groaned. She opened her eyes because of shock and amazement when she felt how hard he was. Huminto ito sa paghalik sa kanya at tiningala siya.
BINABASA MO ANG
WILDFLOWERS series book 1 - A Liar's Kiss
RomanceBumalik sa Pilipinas si Stephanie at ang buong banda niya para mag-break at para mag-compose ng mga awiting gagamitin nila para sa kanilang anniversary album. Dahil wala naman siyang uuwiang pamilya sa Pilipinas, nagdesisyon siyang manatili sa isang...