"I TOLD you, no scandals! What do you think is this, huh? Stephanie, I can't believe you will do something like this. You are the last person I thought would ever get involved in something like this!"
Mariing napapikit si Stephanie dahil nag-e-echo sa buong hotel room niya ang boses ni Rob sa lakas ng pagsigaw nito sa kanya. Nasa center table ang mga tabloid na may larawan nila ni Oliver. Ang laptop nito na nakabukas sa isang Web site kung saan nito unang nakita ang larawan ay muntik na nitong maibato kanina. Ang mga kaibigan niya ay nagsipulasan sa kusina dahil takot madamay sa galit ni Rob. Palibhasa ay mukhang may mga kalokohan ding ginawa ang mga ito.
"Wait till Mr. Gallante hears about this. No, I am sure he already knows about this. My God!"
Dumilat siya at tiningnan ito. "Rob, I love him," pag-amin niya.
Nanlaki ang mga mata ni Rob. "You can't. Not right now. You still have responsibilities to the band till your anniversary concert. You know that."
Nakagat niya ang ibabang labi at nag-init ang mga mata kaya napayuko siya. "I know," usal niya.
Muli ay narinig niya ang marahas na paghinga nito. "I'm already fixing your papers so that we can go back to the US by next week. You already have schedules and obligations to fulfill out there. Rehearsals, recordings, appearances, and a lot more. We're done here," sabi pa nito.
Hindi na siya nakaimik dahil alam din niya iyon. Nasulat na nila ang mga kanta nila. Hindi pa man plantsado ang mga iyon ay sa Amerika na raw nila iyon aayusin ayon kay Rob.
"Don't get out of this room. There are so many reporters outside. I will keep your cell phone with me until we go back to the US." Pagkasabi niyon ay lumabas na ito.
Huminga siya nang malalim upang pawiin ang sakit sa dibdib niya ngunit hindi pa rin iyon nawawala. Tuluyan nang namasa ang mga mata niya. Ni hindi niya man lang makausap si Oliver. Mas gagaan ang pakiramdam niya kung maririnig niya ang boses nito.
"Steph," tawag ni Ginny sa kanya.
Nilingon niya ito. Nang makita niya ang malungkot na ekspresyon sa mukha ng mga kaibigan niya ay tuluyan na siyang napaiyak. Mabilis na lumapit ang mga ito sa kanya. Nang yakapin siya ni Ginny at Yu ay napahikbi na siya.
"I just fell in love. Is it really that bad? What's the use of writing all those love songs when we can't fall in love?" paghihimutok niya.
"Naiintindihan ka namin, Steph. Believe me," ani Ginny sa garalgal na tinig.
"Gusto ko man lang sana siya makausap at makita kahit saglit lang bago tayo bumalik sa Amerika. Pero ayaw ako payagan ni Rob."
Bumuntong-hininga si Yu. Pagkatapos ay may dinukot ito sa bulsa nito at inumang sa kanya ang cell phone nito. "Gamitin mo itong sa akin. Kabisado mo naman siguro ang cell phone number niya," sabi nito.
Napamaang siya rito at maging ang mga kabanda nila. "Yu, pinapayagan mo ako?" namamanghang tanong nito. Bilang leader ng grupo nila ay magka-level ito at si Rob ng kahigpitan sa kanila.
"Alam ko ang pakiramdam na may taong gustong makita pero hindi ko magawa. Ikaw, isang tawag lang makakausap mo na siya. Alam ko ring espesyal ka sa kanya. Hindi kami bulag para hindi makita ang palitan ninyo ng ngiti noong nasa studio tayo. Hindi lang ako nagkomento dahil 'yon ang unang beses na nakita kitang masayang-masaya. Sige na, tawagan mo na siya. Magagawan na namin ng paraan na hindi mapansin ni Rob kapag umalis ka mamaya para puntahan siya."
Nayakap niya si Yu. "Thank you, Yu." Nang tumingin siya sa mga kaibigan niya ay nakangiti ang mga ito. Isa-isa rin niyang niyakap ang mga ito. "Thank you, girls. I love all of you."
![](https://img.wattpad.com/cover/174197044-288-k650621.jpg)
BINABASA MO ANG
WILDFLOWERS series book 1 - A Liar's Kiss
RomanceBumalik sa Pilipinas si Stephanie at ang buong banda niya para mag-break at para mag-compose ng mga awiting gagamitin nila para sa kanilang anniversary album. Dahil wala naman siyang uuwiang pamilya sa Pilipinas, nagdesisyon siyang manatili sa isang...