CHAPTER 1: First Day

4 0 0
                                    


VAL'S POV

So here I am:)

Kakababa ko lang sa tapat ng school and halatang pangmayaman nga ito hahaha paano ako nakapasok? Simple lang nagtulong tulongan ang mga tito, tita at ang parents ko hahahaha syempre nagiisa akong babae kasi ganito yun sina mama 4 silang magkakapatid at puro sila babae ang kaso lahat ng anak nila lalaki kaya ako nalang ang tinuring nilang anak sa side naman ni papa 2 sila isang babae at lalaki syempre kaya lang yung anak ni tita na babae eh may sarili nang pamilya kaya naman ang swerte swerte ko diba? Tekaaa! Di papala ako nakakapagkilala.

I'm Vimilica Alessandra Cortez and you can call me Val bakit naman Val? Yung V kasi sa Vimilica ko tapos yung Al sa Alessandra actually di naman talaga Val ang nickname ko Sandra talaga kaso may lalaking laging tumatawag sakeng Val at nagustohan ito ng iba kaya Val nalang rin tawag nila. Curious ka ba kung sino yung lalaki? Siya lang naman si Chris hindi siya bakla pero parang bakla, magulo ba? Basta ano siya lalaki talaga kaso babae kaibigan niya lagi kaya akala mo bakla pero nakikisama lang talaga siya. So, eto na nga pagkapasok ko sa school nasa akin na lahat ng mata at grabe nakakaaaailang. Sino ba yung gusto na pagkapasok lahat ng mata nakatutok? Sabi nila maganda naman daw ako eh pero parang hindi naman. Nagsmile nalang ako sa mga nakikita kong nakatingin sa akin para di magmukhang suplada nagsmile back din naman sila. Woah! Akala ko sisiringan na ako eh pero mababait naman pala ang tao dito. Naglakad lakad ako sa hallway ng may lumapit sakin at....

Ang gandaaaaa niya

“Hi, I'm Alexia Anthon Cortes” pagpapakilala niya sabay smile at lahad ng kamay. Akalain ko nga naman Cortes siya tapos ako Cortez? HAHAHA ang galing diba? Inabot ko na rin ang kamay niya at nag HHWW kami charotttt magshake hands kami “Im Vimilica Alessandra Cortez, you can call me Val” nakangiting pagpapakilala ko.“ New student ka ba rito?” tanong niya at tumango naman agad ako habang nakangiti. “Anong year mo na?” tanong niya ulit. “ Ahh 3rd year? Tama ba? Yung Grade 9? Third year yun?” at natulala ako sa kanyaaaaa shet paano ba naman kasi tumawa siya hindi yung tawang maiinis ka kundi yung tawang natutuwa siya.“ Grabe ang ganda mo naman Alexia” medyo nahihiya siyang ngumiti sakin. ^_^ Ang cute cute niya. “T-thank you Val” nahihiya siya pero ang cute. Aba hoy Val umayos ayos ka para kang tibo diyan eh. Kaya ayun umayos na din ako “ Ahh Alex anong year mo na ba?” pagtanong ko. “ Same lang tayo Val” sabay smile niya kaya tumango nalang ako tapos sabay nalang kami lumakad kasi niyaya na niya akong hanapin kung anong section kami.

“WAAAAAAH VALLLLL” tumitiling sabay yakap ni Alexia sakin. Nagulat ko siyang tinignan kaya napalayo siya sa pagkakayakap at agad namang ngumiti.“ Vaaaaaal magkaklase tayo” tumitiling pagpapaliwanag na niya naman kaya natawa nalang ako sa inasal niya.

Ringgg~ ringg~

Sabay kaming pumasok ni Alexia sa classroom at ayun na naman yung mga tingin nilang kinikilatis ka kaya nginitian ko nalang ulit sila. Magkatabi kami ni Alex sa upoan kagaya ng gusto niya. Hindi nagtagal at nagpakilala narin yung adviser namin.“ Magandang Umaga sa lahat ! Ako si Bb.Tucks ako ang magiging teacher niyo sa Filipino kaya sana iwasan natin ang magsalita ng ibang lenggwahe sa klase ko, naiintindihan niyo ba? Nakangiting pagpapaliwanag at paglilinaw niya. “ At class bago ko makalimutan may bago palang kayong kaklase, Miss Cortez magpakilala ka”

“ Magandang Umaga sa lahat” nahihiyang pagbati ko. “ Ako nga pala si Vimilica Alessandra Cortez, 15 at pwede niyo kong tawaging Val” nakangiti ng pagpapakilala ko. Bumalik na rin agad ako sa upoan ko pagkatapos nun, okay na man yung section ko at mababait naman. Natapos na ang klase ko sa Umaga na puro pagpapakilala normal naman yun sa first day eh kaya ngayon eto kami ni Alex patungong Canteen. “ Maghanap ka na ng mauupoan natin ako na magoorder, libre ko” sabi ni Alex. Naghanap nalang ako ng vacant seats para samin nakahanap naman ako agad at dun kami pumwesto sa pinakasulok at kitang kita mo lahat ng studyanteng pumapasok. Nakarating si Val at agad narin siyang umupo dala yung pagkain namin na nasa tray.“ Here” sabay abot ni Alex ng spaghetti at soft drinks ganun rin yung sa kanya at nagsimula na kaming kumain. Sa totoo lang nahihiya ako kay Alex paano ba naman kasi kakakilala lang namin nanglibre agad siya, sinong di mahihiya dun diba?

“ Ahh Val?” pagaagaw ng pansin ni Alex saken sa kinakain ko. Tinignan ko naman siya “Ano yun Lex?”. “ Kaibigan na kasi turing ko sayo Val sana ikaw rin?” nahihiyang pagkompronta niya.“ Oo naman Lex kaibigan narin turing ko sayo at saka nahiya naman ako kung tatanggi pa ako eh nagpalibre na nga ako oh” sabay turo ko sa pagkain kong paubos na. Nagtawanan kaming dalawa at nagpatuloy sa kwentohan habang nagtatawanan may lumapit samin ni Lex at at at at.......

Bitin hahaha
Boring ba? Sorry first time ko kasi

Good Girls turns into Bad GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon